TOTS 17

2.2K 59 4
                                    

Chapter 17

Ayaw ko man na magpadala pa sa ospital, kahit sinabi ko kay Wyatt na ayos na ako, dumating rin naman ang ambulansya kaya wala akong nagawa kundi ang sumama.

Mabuti na lang ang sa Inieno Medical rin ako dinala, dahil doon ang pinakamalapit na ospital. Tapos na rin akong sinailalim sa x-ray, para makita kung ayos ang ang dibdib ko. Wala namang nakitang hindi maganda, kaya kahit ngayon o bukas ang pwede na raw ako madischarge. Pero sila Mommy, na agad tinawag ng mga staffs ay pinilit na bukas nalang ako irerelease ng ospital.

Tahimik ako, at maga pa ang mata habang si Wyatt ay nakaupo sa couch di kalayuan saakin. Naka krus ang braso sa dibdib at mariin akong tinititigan. Itinaas ko ang kumot ng hospital bed at niyakap iyon sa sarili, hindi ko alam kung matutunaw ba ako sa init ng titig niya.

Ayos lang naman kung sa ward na lang ako, pero kay Wyatt pa lang hindi na uubra ang suggestion ko. Kahit hindi iutos nila Mommy na mag vip room ako, mukhang handang mag bayad ni Wyatt ng malaki para mailagay ako dito.

Buti nalang, libre dahil kela Mommy.

Biglang bumukas ang pintuan at alam ko na agad kung sino ang nakarating. Mabilis na pumasok sila Mommy at Daddy, kasama si Ate Lyra at bakas ang pag aalala sa mukha nila.

Agad ring napatayo si Wyatt sa upuan, at marahang lumapit sa kanila. Pinuntahan ako agad ni Mommy, at niyakap.

"I watched the news! The accident was crazy! Thank God, nothing serious happened to you!" hinalikan niya ang noo ko.

"Loius already sent me the result, muntik nang magkafracture ang dibdib mo. Mabuti at hindi ka napuruhan at naialis ka agad!" mataas ang boses ni Daddy at mukhang problemado, pero subusubukan niya ang maging kalmado.

Nilapitan ako ni Ate Lyra at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, para tignan kung may mga galos ako.

"D-Don't drive again! Aatakihin ako sa puso sayo!" kabado niyang saad.

Yumuko na lang ako, hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Did they run all the test for her? MRI? CT Scan?" tanong ni Mommy kay Daddy.

"No need for an MRI, the doctors already did every test they can do for her. It's all clear." sagot ni Daddy.

Malalim ang buntong hininga nito at tumingin saakin habang nakapamewang. "Don't lecture Inah anymore hon, this is not her fault." paalala ni Daddy, pinalobo ko ang pisngi at ngumuso.

"I-I won't, wala namang may gusto nito.."

"This is my fault, Tita, Tito... I shouldn't have pushed Eanah to drive alone." natigil kaming lahat nang magsalita si Wyatt sa likod.

Nakayuko ito at seryoso ang itsura, kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman niya kasalanan ang aksidente, bakit sinisisi niya ang sarili niya?

'Yan ba ang iniisip niya kanina?

Hinarap niya ni Daddy. "No, hijo... wala may gusto ng nangyari. We're actually glad that you went to her abruptly, and accompany her to the hospital."

"Pinakalma niya ako... At dumating siya kahit hindi ko siya pinapunta.." singgit ko.

Umangat ang ulo ni Wyatt at nagtama ang mata namin, ngumiti ako sa kanya. Bakas sa mata niya na hindi niya inasahang sasabihin ko iyon, hindi niya dapat sisihin ang sarili niya. Kung wala siya kanina, hindi ko alam kung paano ako huhugot ng lakas.

"Thank you Wyatt, for taking care of Inah." ani Mommy.

Tumango ito at pormal na tumayo. "It's nothing Ma'am, Sir. Still, I apologized for what happened, I will do everything on my extent to protect her. I will not let this happen again." puno ng determinasyon ang sinabi niya.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon