Chapter 7

92.6K 1.9K 256
                                    

@asdfghjkluie, thank you sa mga nakakatuwang message mo sa akin, nakaka inspire :-)



Alex took my hand and brought it to his lips, kissing each of my fingers. Hindi nito binitawan ang kamay ko after he's done kissing them, instead he clasped my hand tightly with his.

Napangiti ako, pleased of his adoring attention.

Kagabi pa nakakapanibago ang kinikilos nito, lagi itong nakadikit at ayaw humiwalay sa akin.

Kahit ngayon, namilit siya na ihahatid ako sa pupuntahan ko ng malaman niyang naka color coding ang kotse ko, kahit out of way ito sa university na pinapasukan niya.

Even skipping his morning class.

"You know..." sabi nito, the back of his knuckles caressing my face. "You are beautiful when you smile."

"Only when I smile?" I teased.

"No babe, you are always beautiful but more so when you smile at gusto kong lagi kang nakangiti pag kasama mo ako."

"Then don't be a jerk para lagi kang may ngiti sa akin." paalala ko sa kanya.

"Sorry baby, sorry for being a jerk and an a$$hole, this time babawi na ko sa'yo." he lifted my hand that he's holding and pressed it to his left chest.

"Promise." dagdag pa nito, his eyes practically burning a hole through me.

My heart leapt sa sensiridad na nakikita ko sa mga mata ni Alex pero hindi ako sumagot. His action is more important than his words, he already disappointed me many times sa mga pangako niya na lagi na lang napapako, ayaw ko ng umasa.

Alex leaned and closed the distance between us, he planted a kiss to my forehead..to my cheek..down to the tip of my nose..hanggang umabot ang mga labi niya sa labi ko. His kiss is slow, sweet and tender, nothing like the hormone filled urgency and lust everytime he kissed me.

No tongue, only lips moving against lips, sensuous and loving.

I looked at Alex through droopy eyes when he finally let go of my lips. Napahiya pa ako when I realized na nasa parking area pala kami at saka ko naalala ang purpose ng lakad ko ngayon.

I look at my watch, malapit ng mag lunch break and Alex still have time to get to his afternoon class.

"I have to go babe." I hurriedly gave him a peck on his lips "Thanks for dropping me."at kinuha ang bag ko na nakalapag sa sahig ng kotse.

But he didn't let go of my hand. "Hintayin na kita, baka mahirapan ka pang maghanap ng taxi mamaya."

"Huwag na, hindi ko alam kung anong oras ako matatapos and I don't want you to wait for me kung matatagalan ako."

Hindi niya alam ang totoong dahilan ng lakad ko ngayon, basta ang sinabi ko lang sa kanya na may kikitain akong kaibigan ni Mama. Iniiwasan kong malaman ni Alex kung sino ang taong pupuntahan ko dahil siguradong maraming itatanong ito oras na malaman niya kung sino.

"Why do I have this feeling that you avoid spending more time with me." nagtatampo ang tono nito.

"Babe! you know it's not true!"

"Kagabi lang tayo nagkasama after you disappeared ng ilang araw. I thought we have at least this morning to catch up but no, you have different plans in your mind. Ayaw mong samahan kita sa lakad mo, ayaw mo rin na hintayin kita."

I sighed, paano ko ba i-explain sa kanya without revealing so much information. Sa dinami dami naman kasi ng araw na gusto ni Alex na maging driver ko, ngayon pa niya napili when I can't let him join me.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon