Chapter 24

1.2K 24 0
                                    


"Bakit po nag kakasayahan kayna Aling Perla Nay?" Tanong ko kay Nay Mena. Simula ng makapanganak ako nasanay narin akong Nay ang itawag sa kanya.




"Ah, masaya ang mga iyon dahil lahat ng mga nangingisda dito sa bicobian ay may nag danyos sa kanila ng tig lilimang libo."





Natuwa ako sa aking narinig.





"Talaga po? Bakit naman po nag bigay sila ng tig lilimang libo? Marami rami rin pong mangingisda dito satin. Mayaman po ang nag bigay kung ganun."






"May nakabili na duon sa dulo ng aplaya. Gagawing resort. Kaya binigyan lahat ng mga nangingisda ng tig lilimang libo ay danyos daw dahil hindi na sila pwede mangisda doon sa may dulo. Kung ako ang tatanungin ay malawak naman ang dagat kaya ayos lang kahit hindi na sila mag bigay ng danyos. Sigurado akong walang mag babago sa mga huli kahit hindi mangisda duon sa may dulo.... Mabait nga siguro ang nakabili kaya nag bigay."




May nakabili na pala sa may dulo  ng aplaya. Duon pa naman ang magagandang formation rock at white sand. Nakakapanghinayang pero wala namang magagawa kung may bumili na.





"Malaki daw ang bili nyan sa gobyerno. Ang balita ko ay umabot sa isang bilyon."






Nagulat ako sa presyo. Sobrang laki naman. Siguro ay sobrang yaman talaga ng nakabili kaya pumayag ng ganung kamahal.







"Ang yaman naman po ng nakabili. Siguro ay taga ibang bansa po ang bumili." Nasambit ko nalang.





"Foreigner daw. Noong isang araw ay nakita nina Lando ang lalaki kasama yung asawa. Halatang mabibigat na tao." 






"Mamaaa!"





Napalingon ako ng marinig ang tinig ng isang bata na tumatakbo palapit sakin.





Nag taas ito ng dalwang kamay, nagpapabuhat.






"Kumusta ang baby na yan?" Masaya kong bati sa anak ko sabay buhat dito.






"Naku ate, wala kasi si Inay at Tatay dito kanina eh walang kasama kung iiwan ko dito si Esha sa bahay kaya sinama ko nalang sya papunta kay na Ella." Sabi sakin ni Mandy.




"Okay lang Mandy, nabanggit nga samin ng kuya mo. Salamat sa pag alaga kay Esha ha." Sabi ko.




"Okay lang po ate. Ang sarap naman pong alagaan ni Esha, mabait po at maganda pa." Masaya nitong sabi tapos marahang kinurot ang pisngi ng anak ko.



Napangiti nalang ako ng marinig ang hagikhik ng anak ko.






"Ate alam mo ang ganda talaga ni Esha. Foreigner po ba ang papa niya?" Nagtatakang tanong ni Mandy.




Napatigil at napakagat ako sa ibabang labi.





"Ikaw talagang bata ka." Kurot ni Nay sa tagiliran ni Mandy.





"Aray ko naman Inay." Daing ni Mandy. "Tinatanong ko lang naman po si ate. Eh ang ganda po kasi ni Esha, halatang may lahi. Parang si kuya Manolo lang." Nakangusong sabi pa nito.





Actually hindi ko alam kung may lahi ba sina Enzo. Pero siguro meron. Pure pilipina naman ako, lahat ng dumadaloy saking dugo ay pang pilipino--- kutis, kulay ng balat ko.




Seafarer Escapade 5: Renzo Luiz FuentesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant