TOTS 18

2.1K 62 6
                                    

Chapter 18

Parang may dumaloy na init sa buong katawan ko, nagtayuan lahat ng balahibo ko at nanghina ang tuhod ko. Pero hindi ko iyon ipinahalata. Tahip-tahip ang hininga ko dahil sa biglang mag doble ng tibok ng puso ko.

"Wyatt..." wala sa sarili kong tinawag ang pangalan niya.

Para naman itong walang naririnig, imbis na bitawan ako ay lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Nakapwesto na ako sa pagitan ng mga hita niya. Doon ko naramdaman ang mabibigat niyang paghinga. Yumuko ako para tingnan siya.

Kung normal na pagkakataon ito, baka nabatukan ko na siya.

"H-Hindi na kita pagagalitan... Wag ka na malungkot..." sinubukan ko siyang aluhin.

Hindi niya ako sinagot, at isinubsob lang ang mukha sa tiyan ko. Dumapo ang kamay ko sa buhok nito at hinimas ang ulo niya.

Hindi na ako nagsalita ulit, hinayaan ko lang siya habang tahimik na nakayakap sa akin. Ang tanging naririnig lang namin ay ang malalakas na patak ng ulan. Hindi ko tuloy alam kung umiiyak ba siya o ano.

Makalipas ang ilang minuto ay lumuwag na rin ang yakap niya saakin. Siya rin ang kumalas noon kaya nang makawala ako ay umatras na rin ako agad.

Pinunasan niya ang mukha niya gamit ang kamay, hindi ko nakita kung umiyak ba siya dahil mabilis lang niya iyong ginawa.

"Ayos ka na?" tanong ko habang sinusuri siya.

Tumango naman ito, tsaka ako hinarap at ngumiti sa akin. Hindi ko napigilan ang gayahin ang ngiti niya.

"Salamat." marahan niyang sabi.

Hindi ko inasahan iyon, kaya medyo napaawang ang bibig ko at hindi naka sagot agad.

"W-Wala iyon, ako naman nagsabi sayo na dadamayan kita." bawi ko.

Hindi niya na ako sinagot muli, kaya ako na ang umiwas ng tingin at tumalikod. Sinubukan kong maglakad-lakad sa may gilid. Magdidilim na rin pala.

Sana huminto na ang ulan.

"Gusto mo na ba umuwi?" tanong nito.

Nilingon ko siya. "Paano tayo uuwi? Ganitong basa tayo?"

"Come here." tawag niya sa akin at sinenyasan ako gamit ang kamay na lumapit.

Kumunot ang noo ko, pero naglakad rin at lumapit sa kanya. "Bakit?"

Hinuli niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya. "Sit down here, malamig doon." tukoy niya roon sa pinang galingan ko.

Humahampas kasi ang hangin doon at basa nga kaming dalawa. Pinaupo niya ako sa gilid niya, kung saan medyo tago dahil natatakpan niya ako.

"Hindi naman ako nilalamig. Sana naman huminto na ang ulan." komento ko at tumingin sa labas.

"We should go home, magkakasakit tayo pag hindi tayo nakapag palit agad." aniya.

"Ngayon na?"

"Mukhang wala namang balak huminto ang ulan." sagot niya.

"Mababasa ang upuan ng sasakyan mo." katwiran ko.

"Mahalaga pa ba iyon? Hayaan mo na. Tara na." hinila niya na ako patayo at kinuha ang bag kong basa rin.

"Ipatong mo sayo." tukoy niya doon sa bag ko.

"Basa naman na ako, ano pang silbi niyan?" pagtataka ko.

"Bakit ginawa mo sa akin kanina?" balik niya.

"Wala lang, para mukha akong hero."

Iniabot niya na sa akin ang bag, hindi niya na pinansin ang sinabi ko at hinila na ako para sumugod sa ulan.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon