Crush Back Part 3

45 1 0
                                    

Jenmark Moreno POV

Parang hangin na nawala ang Milktea sa kamay ni Dale, Nakakainis!! Sa akin yun dapat yun pero Pinanood ko si Louie na namnamin ang libre sa akin ni Dale na Milktea.

" Hindi sayo yan, Bro " Dale, Tinapik ko si Dale sa likod.

" Hindi, Ayos lang hindi naman ako nauuhaw, Hayaan mo na sa kanya yan, Mukhang hindi nakakainom ng milktea " Seryoso kong sabi kay Dale, sabay kuha ng bola tsaka shoot sa ring.

" Oh, Try mo nalang itong sa akin " Dale, sabay abot sa akin ng Milktea nya.

" Anong flavor nyan? " Tanong ko.

" Dark Chocolate, Masarap yan " Dale, Tumango ako at humigop sa Straw nya, Napalingon kami kay Louie ng umakto itong nasusuka.

" Oh, Anong nangyari sayo, Bro? " Tanong ni Dale sa kaibigan, Ang Arte!!

" Kadiri, Bro Indirect kiss!! " Sabi ni Louie habang nakaturo sa milktea na iniinom ko.

" Ano? " Dale.

" Nag kiss kayo " Turo sa amin ni Louie, Nababaliw na yata.

" Ahhh, Yung straw?? Bakit kapag tayo naman umiinom sa iisang straw diba? so, Nagkiss na din tayo? " Nakangiting tanong ni Dale kay Louie, Umakto na naman itong nasusuka kaya natawa ako at umiling.

" Wala na, Iba na yata yan " Sabi ko dito.

" Hindi mo ba alam? Squatter yan " Turo sa akin ni Louie, Halos takasan ako ng kaluluwa sa sinabi nya, Sandali lang!! Parang talo ako dito ah, Bawal akong magsabi ng tungkol sa pagtira ko sa bahay nila tapos siya tatawagin akong squatter sa labas ng bahay, Ayos din pala?

" Anong Squatter? " Tanong ni Dale.

" Yan, Taga squatter yan " Louie, Kaya nang lumingon ako sa kanila ay nasa tabi na nya si Dale, Dahan dahan ko ding naibaba ang bola na ishoshoot ko sana.

" Seryoso ka ba? Taga Squatter yan? " Tanong ni Dale at tinignan ako na parang nandidiri, Nangunot ang noo ko.

" Oo, Sa Squatter yan nakatira " Louie, Tinignan ko si Louie ng seryoso, Habang si Dale ay pinapagpagan ang mga braso na kanina ay nakaakbay sa akin, Mga mayayaman nga naman.

" Bakit ngayon mo lang sinabi? Nakaindirect kiss ko pa yang Squatter na yan " Dale, Nabitawan ko ang bola dahil sa pagtawa nila sa akin, Ang Galing?! Dahil sa pagiging Squatter ko pinagtatawanan ako??

Kinuha ko ang bag ko tsaka ako tumakbo paalis sa Mall, Tinakbo ko ang kalsada at kahit hindi ko alam ang pupuntahan ko ay nagpatuloy pa din ako sa paglalakad, Ngayon paano pa ako makakapasok kung si Louie mismo ang nagkakalat na nakatira ako sa Squatter?

Mga Alas syete na ng gabi ng marealize kong hindi ko na alam kung saang lugar ako naroroon, Green Hills Ang Layo ko na!! Napaupo ako sa Side walk ng lugar na ito, Nakakamiss tumira dito, Napatingin ako sa suot kong uniform, Kahit anong suot ko ng magarang damit, Squatter pa din ako.

Haystt!! Inis kong ginulo ang buhok sa sobrang inis, Inis na inis ako bakit ba kasi kailangan magkasunog pa? Yan tuloy napapahiya ako ngayon.

*Ring,Ring*

Sinagot ko ang tumatawag sa cellphone ko, Wala namang pasok bukas kaya kahit late na ako makauwi nito ay walang problema, Si Mama ang natawag.

" Ma? " Bungad ko dito.

" Jen, Anong oras na bakit wala ka pa dito? " Tanong ni Mama.

" Ahmm, Nandito lang ako sa kaklase ko Ma nagawa kami ng Assignment " Palusot ko kay Mama, Napapikit ako ng may pumatak na tubig sa mata ko, Itinaas ko ang kamay ko tsaka ko narealize na umaambon na, Agad akong tumakbo sa isang waiting shed, Para duon magpatuyo.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now