Chapter 20
Simula sa sasakyan ni Ford hanggang sa bahay ay hindi maalis sa isip ko ang itsura nung babae. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mukha niya, kung gaano siya kaganda at kaaya-aya sa paningin. Tuod na lang ang hindi magkakagusto sa babaeng iyon. Ganoong klase ng mga babae, kayang-kaya kunin kahit na sinong lalaki.
Kahit si Wyatt pa iyan.
Kung may namamagitan man sa kanila, o nagkakamabutihan sila ay sa kanilang dalawa na lang iyon. Labas na ako roon. Ang nagpapa bagabag lang sa akin, at hindi halos hindi nagpatulog sa akin, ay ang mga pwedeng mangyari.
Magkaklase sila, kaya lagi silang magkasama. Buong araw nilang nakikita ang isa't-isa. Masasanay si Wyatt sa presensya niya, at kalaunan at dedepende roon. Paano pag mauulit lang sa kanila ang nangyari sa amin ni Wyatt?
Naging malapit dahil magkaklase, komportable sa isa't-isa at nagkakasundo, kaya naging malapit. Paano kung, ang paraan kung paano ako tignan at tratuhin ni Wyatt ay makita niya rin doon sa babae?
Mawawalan na ba ako ng bestfriend?
Parang may mabigat na dumadagan sa dibdib ko. Hindi dapat ako nag iisip ng ganito. College na kami, kaya natural na lalawak na ang mundo namin. Hindi naman pwede, na sa akin lang umiikot ang mundo ni Wyatt. Meron at meron siyang makikilalang iba, mas hihigit pa sa akin. Kaya hindi ko siya pwedeng pigilan, at ganoon rin siya sa akin.
Kung sakali man, na may mahanap nga siyang iba. At makalimutan ako, ay wala naman akong magagawa. At hindi ko siya masisisi, hindi ko naman siya pagmamay ari, kaya pwede niyang gawin lahat ng magpapasaya sa kanya.
Pero paano pag napalitan niya ako, paano ako?
Impit akong sumigaw sa unan at padabog na kinumutan ang sarili. Sino ba naman magtyatyaga sayo Eanah kung maraming hihigit sayo?
Kaiisip ko ay hindi ko namalayan na kinain na pala ako ng antok, at nakatulog na rin. Malalim na ang tulog ko, at pakiramdam ko sobrang bigat ng katawan ko. Siguro ay dahil na rin sa pagod sa school, at nag aadjust pa siya college. Naninibago pa ako katawan ko, kaya sagad-sagad rin ang pagod ko.
Ngunit kusang nagising ang diwa ko, kahit pakiramdam ko ay nananaginip pa ako nang marinig ko ang walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. Inis ko itong inabot habang nakapikit pa, sino ba ang tatawag ng ganitong oras? Abala sa tulog!
"Hello?" nasagot ko na ang tawag, matapos ang ilang beses na pagbabaka sakaling masagot iyon dahil hindi ko mapindot ng maayos ang answer button. Inaantok pa talaga ako.
"I'm sorry, did I wake you up?" sagot ng pamilyar na boses sa kabilang linya, kusang dumilat ang mata ko nang napagtanto kung sino ang tumawag. Inilayo ko saglit ang cellphone sa tenga para makita kung sino ang caller.
Ibinalik ko rin ito sa tenga ng nagtataka.
"Anong oras na, anong meron?" inaantok kong sabi, kahit may parte sa akin na nagpagising sa buong pagkatao ko."I'm at the hospital." panimula niya, nanlaki ang mata ko at napa bangon ako sa pagkakahiga. Madaling araw na, tapos ay nasa ospital siya? Anong nangyari sa kanya?!
"Huh?! Bakit? May nangyari ba sayo?" gulat kong tanong, biglang tumaas ang boses ko.
"I'm fine Eanah. Nabalian lang ang paa ko, nalagyan na ng cast. Calm down."
"Ano ba kasi nangyari sayo?" natataranta pa rin ako, bakit naman siya nabalian? Ang clumsy niya naman!
"Football. I played earlier." pag amin niya.
"Sumali ka? Bakit? Akala ko ba busy ka, na kahit uwian wala ka ng oras?" bakas ang mapait na tono sa boses ko. Busy ka nga diba, lagi mong kasama iyong maganda babae, tapos ay may oras pa lang mag football.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...