Kabanata 38

1.5M 38.5K 19.2K
                                    

Kabanata 38

Pag-aaral

Tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi ni April nang nasa harapan niya na kami. Nakita kong tumingin pa siya sa t-shirt at shorts ko.

"Rosie, b-ba't ka nandito?" Tanong niya.

Napalunok ako, "Kasi ginawa namin yung thesis."

Tumango siya at ipinakita yung isang box na regalo kay Jacob.

"Jacob, gift ko sayo. Inagahan ko na para sana ako yung unang mag greet. Pero tingin ko ay naunahan na ako ni Rosie." Sumulyap siya sakin.

"Hindi, April-"

"Di, okay lang, Rosie. Naintindihan kita kasi partners naman kayo. Talagang di niyo maiiwasan yan-"

"April..."

Siguro ay narinig din ni Jacob ang bitterness sa tono ng pananalita ni April.

"Hmm?" Ngumiti si April kay Jacob pero agad naman itong napawi.

"May gusto ka ba sakin?" Tanong ni Jacob sa kanya.

Nalaglag ang panga niya. Pabalik-balik ang tingin niya galing kay Jacob tapos sakin ulit, balik kay Jacob tapos sakin ulit. Kumunot ang noo niya at nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Rosie!!! Walang hiya ka! Sinabi mo sa kanya! Pinagkatiwalaan kita!" Umiyak siya sa harapan namin ni Jacob.

Niyakap siya ni Jacob. Shet! Wala akong panahong magselos ngayon kasi kinakabahan ako sa sinabi niya.

"April, walang kasalanan si Rosie. Mas mabuti na yung alam ko kasi ayaw kitang saktan. Sana maintindihan mo at maging masaya ka na lang para samin ni Rosie."

Nanlaki ang mga mata niya habang tinitignan ulit kami ni Jacob. Tinuro niya ako.

"Ikaw? I-Ikaw? Kayo na!? Paanong?! Bakit?! Diba ayaw mo sa k-kanya, Jacob?"

Malungkot ang mga mata ni Jacob. Di siya sumagot. Tinignan ulit ako ni April.

"Alam mong mahal ko siya, diba? Rosie! Pinagkatiwalaan kita! Akala ko magkaibigan tayo! Jacob, hindi pwede to!!!" Umiyak pa siya lalo.

Hindi ko kayang pakinggan ang pag iyak niya. Parang namatayan. Sorry pero ganun talaga ang interpretation ko sa pag iyak niya.

"Jacob! Matagal na kitang kasama! Matagal na kitang kaibigan! Pinagtatanggol mo ako at close na close tayo pero bakit siya?! Ni hindi pa nag iisang taon, Jacob!!! Sabi mo sakin noon ayaw mo sa kanya dahil mata pobre siya.." Talaga, sinabi ni Jacob yun? Well, siguro noong bangayan kami nang bangayan. "Jacob naman! Kahit sino wa'g lang siya!"

"April, sorry." Sabi ko. "Hindi ko sinasad-"

"Nilandi mo siya no!?" Sigaw ni April sa mukha ko.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon