[33] And I'm only me when I'm with you.

6.9K 85 26
                                    


Chapter Thirty Three

ARIES

“Aalis lang ako saglit.” Paalam ko sa kapatid kong si Sage.

Pupunta ako sa bahay nila Troy ngayon kasi may ginagawa kaming scrap book para sa final requirement sa isa naming subject. By pair ang project na yon kaya kami na lang ni Troy ang magka-partner. Lagi naman e. Haha.

“Sage, nasaan na yung mga photo albums natin? Nilagay mo na ba sa kotse?” Tanong ko sa kapatid ko. Busy siya sa panunuod ng TV kaya hindi niya ako pinapansin. (-.-’)

“HOY! PINAPANSIN MO BA AKO?” Kung kanina hindi niya ako pinapansin, ngayon naman binaling na niya ang atensyon niya sa akin. Muka siyang nainis sa pagsigaw ko.

“Ano ba yun, Ate? Bakit kailangan mong sumigaw?” (.--)

“Yung photo albums, nailagay mo na ba sa kotse?” (--.)

“Huh? Wala ka namang inutos ah!” (.oo)

Arghhh. Pigilan niyo ako! Kanina pa ako nag-uutos sa kanya na ilagay niya sa kotse ang mga photo albums namin pero wala man lang siyang sinunod sa utos ko! At wala daw akong inuutos. Ang batang to talaga! Argh. (-__-’)


“HOY! TATAMAAN KA NA TALAGA SA AKIN! KANINA PA AKO UTOS NG UTOS DITO, NI HINDI MO PALA AKO PINAPAKINGGAN! SASAPAKIN NA TALAGA KITA E!” Sabay takbo ko palapit sa kanya.

Kaso ang kapatid kong to, biglang tumalon sa likod ng sofa namin kaya hindi ko siya naabutan. Tumakbo pa siya ng tumakbo kaya naghabulan kami dito sa loob ng bahay. Argh!

“SASAPAKIN TALAGA KITA, SAGE!”

“Kung mahahabol mo ako! Bwahahaha. Ang kupad mo, Ate. Tumatanda ka na talaga.” Nambelat pa siya at tumawa ng tumawa.

Ang hirap kapag may kapatid kang tumakas sa mental no? (-.-)

Tumigil na ako sa kakahabol ko sa kanya dahil mukang wala naman akong laban sa bilis ng isang to. Nakaka-asar. Hinahapo tuloy ako!

“I hate you, Sage.” I said as I clenched my fist.

“I love you more. Bwahahaha!” Then he bursted with laughter.

Ahhhhhhhhh. Nakakainis talaga siya!


“Tse. Maka-alis na nga.” Tumayo na ako at kinuha ang bag sa kwarto ko.

“Saan ka ba kasi pupunta? Iiwan mo na naman ako dito e.” He pouted. Aw, cute! “Siguro makikipag-date ka na naman no?”

“WHATDA. ANONG DATE KA DIYAN?!”

“Bakit? Akala mo hindi ko napapansin? Panay kaya ang ngiti mo kapag may katext ka. Pag nakilala ko yang lalaki na yan, bubugbugin namin nila Bench yan.”

Okay. Natawa ako dun ah. Haha. Kahit kasi mas matanda ako kela Sage at sa barkada niya ng dalawang taon, they consider me as their baby girl. Nakakadiri no? Sila Pen, Bench, Trick, Zion, Lewis at Sage, protective sa akin. Hahaha.

“Baliw ka. Haha. May project kaming tatapusin ni Troy.”

(o.o) “Si Kuya Troy? Kapatid ni Aicel?” Gulat niyang tanong.

“Sino pa nga ba? Papunta na nga ako sa kanila ngayon eh.”

Nagulat ako nang biglang kuhanin ni Sage sa cabinet ang mga photo albums na pinapalagay ko sa kanya sa kotse kanina. Dali dali siyang lumabas ng bahay, at nilagay iyon sa back seat ng kotse. Pagbalik niya, tumabi siya sa akin at nag-sparkle ang mga mata niya. Plus, ang lapad ng ngiti niya. Kulang na lang pumalakpak ang tenga niya.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon