TOTS 23

2K 52 4
                                    

Chapter 23

Natapos ang buong school year ng unang taon sa college. Hindi ko alam paano, o anong ginawa ko para maka survive ng mag isa. At kung paano ko rin natiis lahat ng mga naririnig ko tungkol kay Wyatt at Miande.

Kung dati ay nagagawa ko pang hindi pansinin, ngayon pangalawang taon ay parang naririndi na ako. Sa pang araw-araw ba naman hindi nauubusan ng balita tungkol sa kanila, sila na ang celebrity couple ng campus na 'to.

Naiintindihan ko pa noong nakaraang taon, pero hanggang ngayon ba naman sila pa rin ang usapan? Wala bang sarili buhay itong mga taong 'to?

Bawat naririnig ko, hindi nakakatulong sa akin. Simula noong bakasyon, hanggang ngayon mayroon na akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Noong napagtanto kong bakasyon na, at maaaring hindi kami lalong magkikita ni Wyatt, hindi ko alam pero may parte sa akin na bumigat.

Parang hindi ako sanay na hindi kami magkasama, o nagkikita man lang. Na kung hindi kami mag uusap ng bakasyon ay para na akong mapapraning sa lungkot. Namimiss ko ba siya? Ilang buwan lang naman iyon, pero parang taon ko na siyang hindi nakita.

Kinakausap niya naman ako, bihira lang rin magpakita. Hindi na katulad ng dati, na siya ang unang magpaparamdam, mangungulit at magyayaya kung saan-saan. Ngayon ay wala na, tatanungin niya na lang ako kung kamusta ako, matapos ay babalik ulit sa dati na walang paramdam.

Pakiramdam ko nangyayari na nga ang kinatatakutan ko. Kaya siguro ganito na ang pakiramdam ko, parang may nakadagan sa dibdib ko. At mabigat iyon, bawat araw na lumilipas mas bumibigat. Kailan na ako nalungkot ng ganito? Namimiss ko rin naman sila Daddy pero hindi naman ako ganito ka lungkot. Bakit ako down na down sa taong andoon lang naman sa kabilang building?

Parang timang naman 'to.

Alam kong seryoso ito, pero ayokong seryosohin. Ayokong alagaan. Minsan ay wala na akong gana pumasok, o makinig sa klase. Pati ang pagkain minsan ay hindi ko na ginagawa. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko, bakit hindi ko na lang siya kausapin? Kung 'yon lang din naman pala ang gusto ko?

Pero wala akong lakas ng loob. Wala.

Patuloy ang paglalakbay ng isip ko, habang tinutuktok ang ballpen sa mesa ng armchair. Wala na kaming klase, pero wala rin naman akong pupuntahan at ayokong lumabas.

Kasama kong naiwan ang iba ko pang mga kaklase, sa nagdaang taon mayroon na rin naman akong mga naging kaibigan. Sila 'yon.

"Inah, may nag aantay na sayo sa labas." tawag ni Cami.

Natigil ang pag iisip ko at lumingon sa kanya, matapos ay sumilip sa bintana. Nakita ko roon si Ford na nakatayo, kumaway siya sa akin kaya kumaway rin ako pabalik, at ngumiti. Sumenyas ako na sandali lang, dahil aayusin ko pa ang gamit ko.

"Alam mo Inah, noong nakita kita dati kasama si Wyatt akala ko talaga boyfriend mo siya. Hindi ako naniniwala na best friends lang kayo." panimula sa akin ni Jia, kumunot ang noo ko. Nabanggit na naman ang kupal na 'yon.

"Ha?"

"Pero ngayon naniniwala na ako, may boyfriend ka pala. Ang pogi pa." natatawa niyang sabi, sabay sulyap kay Ford sa labas.

Napa iling-iling na lang ako habang naka ngiti, pogi nga si Ford pero hindi ko siya boyfriend.

"Paanong hindi ka nagkakagusto kay Wyatt? Grabe Inah tuod ka ba? Hindi ka ba nagagwapuhan sa kanya? Ako nga, crush ko siya." dugtong niya pa.

Napahinto ako sa pagsara ng aking bag, tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon sa mukha. Gusto kong matawa, pero hindi ko alam kung anong tamang isasagot.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon