TOTS 24

1.9K 43 4
                                    

Chapter 24

Ang mga salitang binitawan ni Ford ay parang patalim na bumabaon sa puso ko. Bawat pag baon nun ay nag iiwan ng sugat. Matindi ang paraan ng pagtitig niya sa akin, na ngayon ko lang nakita. At mas lalo iyong nagpasakit sa nararamdaman ko.

Parang bigla siyang nagbato ng masasakit na salita at wala akong masagot. Pero bakit? Kung pagmamahal ang nararamdaman ko kay Wyatt, bakit mas matindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Bakit parang punyal sa puso ko ang mga katotohanang sinabi ni Ford?

Gusto kong umiyak ngayon, halos maiyak na ako sa sakit ng humaharang sa aking lalamunan. Pero may parte sa akin na ayaw, ayokong umiyak. Pakiramdam ko, kahit anong sakit na nararamdaman ko ngayon, ay kaya ko pa. Hindi ako iiyak, hindi ako umiiyak para sa isang lalaki.

"Hindi ikaw ang dedesisyon niyan Ford, hindi mo ako pwedeng pangunahan." matigas kong sagot, habang nagtatagis ang ngipin ko.

Ngumisi siya, na parang nagpapatawa ako rito. Mas lalo itong yumuko para lumapit sa akin, at kinulong ako sa mga bisig niya.

"Itatanggi mo pa rin? Kahit kitang-kita kong nasasaktan ka?" panghahamon niya, mas lalo lang tumigas ang puso ko. Mas lalong nagrerebelde.

Hindi ako sumagot, mas lumawak ang ngisi nito at napa iling-iling. "Let's date then, and see if I am wrong..." bulong niya sa tenga ko, halos mahalikan niya na ako nang bawiin niya ang bibig sa tenga ko.

Hindi ako natitinag sa kanya, hindi ako naaapektuhan sa ginagawa niya. Dahil mas matindi ang nararamdaman ko sa loob, mas malakas na hindi ko maipaliwanag. Kay Wyatt lang ako nakakaramdam ng ganito, sa kanya lang ako naaapektuhan.

"Eanah." mabilis na nawala ang atensyon ko kay Ford, nang marinig ko ang mariing tawag ni Wyatt.

Hinanap siya ng mata ko, at nakita kong naglalakad na ito papalapit sa amin. Sinundan niya ba kami? Nanlilisik na ang mata niya, habang nakatingin sa posisyon namin. Hindi gumalaw si Ford, kaya mabilis ko siyang itinulak para makawala sa kanya. Bumaba ako sa pagkakaupo sa sasakyan.

"W-Wyatt..." kabado kong tawag nang salubungin ko siya, ang mga mata niya ay nag aalab na. Galit ba siya? Bakit siya magagalit, kung katatapos lang nila maghalikan ni Miande?

Umigting ang panga niya nang lapitan ko siya. Lumipat ang tingin niya kay Ford sa likod ko. "Am I interrupting something?" malamig iyon, parang nagpipigil at kabaliktaran ng mga mata niya.

"Yes, I was about to ask her to be my girlfriend." sagot ni Ford, parang naghahamon para subukin si Wyatt.

Bumalik ang tingin sa akin ni Wyatt, parang nagtatanong kung totoo ba iyon. Kinagat ko ang ibabang labi at yumuko, hindi ako makasagot kasi totoo naman. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. Nakita ko ang pag yumok ng kamao niya, dahil nakayuko ako.

"Alright, I should go home then. Continue what you're doing..." bakas ang inis sa boses niya, tumingala ako dahil hindi ko inasahan ang pag payag niya. Kumunot ang noo ko, hindi niya iyon ginagawa, hindi siya madaling sumuko. Kahit tinataboy ko siya, hindi siya nakikinig at pinipilit ang gusto niya. Pero ngayon, kung kailan kailangan ko ang paninindigan niya, sumang ayon lang siya agad.

Umikot na siya at nagsimula nang maglakad, sa gulat ko ay hinawak ko ang pulso niya para pigilan siya. Mas gumagana ang katawan ko ngayon kesa sa isip ko. Dito ka lang Wyatt, wag mo akong iwan mag isa.

Natigil siya at bumagsak ang mata sa hawak ko. "S-Sasama na ako sayo..." saad ko sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa akin, at wala akong ibang makita kundi blankong ekspresyon sa kanyang mukha. Ang mata niya ay sinasabing galit siya at hindi niya gusto ang nangyayari, pero hindi iyon ang gusto niyang makita ko.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon