CHAPTER 49.

4.5K 67 2
                                    

Carter POV’S

Napapangiti ako sa tuwing pinagmamasdan ko ang singsing na binili ko para kay brianna. Gusto ko na kasi syang yayain magpakasal at gusto ko rin na syang maging asawa.

Tinignan ko ang phone ko kung sino tong tumatawag sakin. Unknown number?

Kaya sinagot ko na lang din, “ hello? ” saad ko sa linya. “ damn! ang bagal mong sumagot buksan mo yung tv at pumunta ka ngayon si brianna nasa loob ng building na yon ” saad nya.

Building? anong building? agad kong dinampot yung remote ng tv at bumungad sakin ang balita tungkol sa isang building.

Teka nandyan si brianna? agad akong napatakbo ng mabilis at hinarurut ang kotse ko. Nag waste ako kung saan papunta yon.

Hanggang sa hininto ko ang kotse ko dahil sa traffic. Marami na ring tao sa paligid at tinuturo ang malaking building.

Kaya siniksik ko na lang ang sarili ko at panay na rin akong excuse. Actually malayo pa ito sa building kung nasan si brianna.

Siguro, isinara na muna ang daanan para wala ng masaktan na iba. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa hinarangan ako ng mga sundalo.

“ sir! pinaghihigpit po na bawal pumasok na kahit sino man ” saad ng isang lalaki (nakasuot na sundalo) “ pero nandyan yung asawa ko, nandyan si brianna! ” bulyaw ko sa kanya.

“ kailangan kong makapasok ililigtas ko ang asawa ko! ” bulyaw ko ulit. “ wag na po kayo makulit sir, baka po kung ano pa ang mangyari sa inyo ” saad nya ulit.

Hinawakan ko naman sya kwelyo nya “ mas lalong hindi ako papayag kung may mangyayari sa mag ina ko ” saad ko sa kanya at saka ako nakalusot.

Hinabol nila ako kaya binilisan ko na lang din tumakbo hanggang sa nakarating ako sa pintuan.

Tinignan ko ang mga humahabol sakin “ hoy wag kang papasok! tigil! ” sigaw nila sakin kaya pumasok na ko.

Kailangan kong hanapin ang mag ina ko, hindi ako papayag na mawawala sila agad sakin.

Pagkapasok ko ay tumuloy ako sa elevator ngunit hindi na ito gumagana kaya gumamit na lang ako ng hagdan papunta sa taas.

Nasan ka na? tinawagan ko na muna sya ngunit hindi nya sinasagot yung phone nya.

Kaya hahanapin ko na lang sya sa buong building na ’to, hinanap ko sya sa bawat condo hanggang sa biglang sumabog ang isang bomba.

Kaya napatalsik ako at hindi ko alam kung ano saan ako pupunta. Nahihilo ako at papikit pikit ngunit kailangan kong hanapin ang mag ina ko.

Kaya tumayo ako hanggang sa makakaya ko. Hindi na ko makadaan sa dadaanan ko kaya gumamit ulit ako ng hagdanan.

Habang pataas ako ay bigla akong napahinto sa nakita ko. “ carter? ” tawag nya sakin. Bakit nandito si andrew?

Nakita ko yung dalawang bata na bitbit nya sa likod nya. “ si brianna? nasaan sya? nakita mo ba sya? ” sunod sunod kong tanong.

“ don’t worry safe na si brianna kasama ng kaibigan nya ngayon ” saad nya sakin.

Nakahinga ako ng maluwag. “  tara na bumaba na tayo, sumama ka na samin may sasabog na isang bomba sa taas ” saad nya kaya nauna syang bumaba.

“ akin na yung isang bata, sakay mo sya likod ko ” saad ko at pinasakay nya naman ito sakin at saka kami tuluyang bumaba.

Pagdating namin sa pintuan ay bumuga naman ng apoy ito kaya napa atras ako.

“ sa taas tayo! ” sigaw nya saka kami umakyat ulit. Tinignan ko ang bata kung okay ba sila at umuubo naman ito dahil sa usok.

Umakyat kami hanggang sa nakarating kami sa pintuan ulit. Naghanap muna kami ng isang lugar upang ibaba ang bata at ibalot sa longsleeve na suot namin.

Binaba namin ito at saka namin tinakpan ang dalawang bata para maiwasan sa usok.

Nakita ko na may tama si andrew sa bandang gilid sa tyan. Nakita nya naman ako nakatingin doon.

“ hindi malalim to, bilisan na natin ” saad nya kaya pinasan ulit namin ang dalawang bata at saka kami naghanap kung san kami lalabas.

Nang malapit na kami na lumabas ay biglang napaupo si andrew. Kaya tinignan ko ang tama nya sa tyan.

Nagdudugo ito at madami na ring dugo ang naaksaya sa kanya.

Kaya naghanap ako ng paraan, kinarga ko na lang ang isang bata at saka sya inakay.

Nang makalabas na kami ay tinulungan kami ng ibang sundalo. Pinakuha ko na muna ang dalawang bata at saka si andrew.

Nakita ko rin na may fire track na at madami ito kaya medyo wala na ring apoy.

Hindi ko alam kung may bomba ba o wala na pero sa ngayon safe kaming apat na nakalabas sa kasuna sa building.

ACCIDENTALLY PREGNANT WITH A BILLIONAIREWhere stories live. Discover now