Chapter 25
Mabilis akong hinila ni Gabi papasok ng gate nila, hindi na siya nag abala pang magtanong kung tungkol saan, basta alam niya ng may problema. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay nila, kung saan siya madalas tumambay.
Pinangkuha niya ako ng upuan at umupo rin sa harap ko, ang natatanging ingay ay ang mini fountain sa gilid namin. Umupo na rin ako tulad ni Gabi, hindi pa ako nakaka simula ay rinig ko na ang buntong hininga niya.
"Magkwento ka na." utos niya, at parang nakahanda na sa mga sasabihin ko.
Tumango ako, napag isipan ko naman na talagang sabihin ito kay Gabi. Ang isip ko ay pagkatapos ng exam, tapos na nga, kaya ito na siguro ang tamang oras. Pero hindi ko kasi alam kung saan huhugot ng lakas ng loob at paano ito sisimulan.
Kinagat ko ang ibabang labi bago tumingin sa kanya, humugot ako ng malalim na hininga. "Ganito kasi..." panimula ko.
Tumaas lang ang kilay nito, sinasabihan akong ituloy ko lang at makikinig lang siya. Kinuha ko iyon na tanda para mag tuloy-tuloy sa mga sasabihin.
"Meron kasi akong nagustuhan... noong high school pa ata, hindi ako masyadong sigurado. Oo? Siguro? Oo high school pa lang..." panlalaban ko sa sarili, ngayon na napagtanto ko na ay bigla akong nahiya kay Gabi. Ilang beses kong tinanggi sa kanya na gusto ko si Wyatt, nagmamatigas pa ako at ayaw umamin.
Bumaba ang mata ko sa sahig. "Gusto ko na siya ng high school, baka hindi ko lang matanggap kaya ayokong aminin..." kinagat ko ang dila, tahimik lang si Gabi habang nakikinig. "Ayun nga, nagsimula kaming maging magkasama dalawa palagi, noong una hinahayaan ko lang kasi magaan naman loob ko sa kanya at nagkakasundo naman kami,"
"Pero habang tumatagal, natutuwa ata ako lagi sa presensya niya. Na lagi ko na siyang hinahanap kasama, lagi ko na siyang iniisip, gusto ko lagi ko siyang kausap. Nagsimula akong magtiwala sa kanya, kasi ganoon rin siya sa akin... At hindi ko karaniwan sa tulad ko..."
Tumingin ako kay Gabi, na nakapalumbaba. Sinusubukan humingi ng simpatya, "Alam mo 'yon! Diba? Wala akong ibang kaibigan, hindi ako komportable sa hindi ko kilala, hindi ako mabilis magtiwala at maging open sa tao pero..."
"Pero?" dugtong niya.
Binasa ko at ibabang labi at bumuntong hininga. "May kakaiba sa kanya, parang bigla na lang kaming nagkasundo. Para akong nakahanap ng soul mate ng hindi ko naman inaasahan, nasanay na ako sa presensya niya, na nagsimula na akong dumepende sa kanya." mariin akong pumikit dahil sa mga pag amin.
"Go on," pagpapatuloy niya sa akin, wala na siyang kahit ano pang tanong.
Lumunok ako dahil mahaba-haba pa ito. "Lumipas ang ilang taon, lumawak na ang mundo namin, natin. Mayroon na siyang nakilalang ibang tao— ayos lang sa akin 'yon! Masaya ako para sa kanya, pero..."
"Nasasaktan ka?" panghuhula niya, kumunot ang noo ko at suminghot bago tumango.
"O-Oo... noong umpisa akala ko wala lang, lungkot lang. Sinubukan ko namang labanan! Pero habang patagal ng patagal, mas lalo kasi bumibigat."
Sumeryoso na ang tingin niya sa akin. "Alam na ba ni Wyatt 'to?" diretso niyang tanong, nanlaki ang mata ko sa walang dalawang isip niyang saad.
"H-Ha?" kabado kong tanong.
Umayos siya ng upo at pinagkrus ang dalawang braso. "Alam na ba ni Wyatt na gusto mo siya?" pagtutuloy niya, nag init ang pisngi ko, umiwas ako ng tingin.
"A-Alam mo? Hindi ko pa naman sinasabi kung sino.."
Tinignan niya ako, na para bang tinatanong niya kung seryoso ako sa tanong ko. "Walang hindi aware, Inah." sagot niya.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...