Chapter 3

2 0 0
                                    

Our Broken Hearts

Chapter 3

Isabella

Halos isang linggo na ang nakararaan mula ng huling kaming magkita ni Red, ito yung araw na nabigla ako at napag buhatan ko siya ng kamay, bagay na kamuntik na rin niyang gawin sa akin. Pilit ko siyang tinatawagan, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Maging sa kapatid niya ay sinubukan ko ng makiusap, pero kung hindi ito overtime, minsan naman ay wala raw sa bahay nila. Alam ko naman na iniiwasan niya ako dahil masama ang loob niya sa nagawa ko, kaya nga nag aalala ako, at gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Hindi naman kasi ako basta pwedeng umalis ng bahay kahit wala naman akong pasok, dahil hindi ayokong iwan si Mama ng mag isa.

Kilala ko si Red, hindi siya ang tipo ng tao na siyang unang lalapit para makipag usap, lalo na kung ganitong hindi maganda ang pinag ugatan ng pagtatalo, at hangga't hindi ako ang gumagawa ng paraan, ay sigurado akong hindi kami magkakaayos. Iyon ang isang bagay na madalas ay ayaw ko sa ugali ni Red, mataas ang pride nito, at hindi madaling magpakumbaba. Magsosorry man ito, ay marami pang paligoy ligoy. Siguro marahil dahil siya ang bread winner sa kanilang pamilya, kaya sanay siya na siya ang sinusunod, at siya ang nasusunod sa lahat, pati na ang pagdedesisyon sa pamilya, matagal na rin kasing may sakit ang papa niya, na diagnosed ito ng sakit na stage II colon cancer. Kaya sa kabilang banda ay naiintindihan ko kung bakit minsan ay mainitin ang ulo niya.

"Ms. Ortiz! Can you hear me!?" Naputol ang malalim na iniisip ko ng marinig ang bahagyang pagsigaw ni Ms. Kate.

"Y-Yes po Mam? Ano nga po ulit yun?" agad kong tanong ng tila maalimpungatan mula sa pagkakatulala.

"I'm asking you if you already follow up the guestlists for Mr. Luccianos's private event on saturday?" Hala naku! Napasinghap ako ng maalala ang kahapon pa nga pala niyang inutos sa akin. Kailangan na nga palang ma finalize iyon dahil ang bilin daw ng Mr. Lucciano ay malalapit na kaibigan lang ang imbitado sa kanyang party.

"Oo nga pala Ms. Kate, nag follow up po si Charlie kahapon, hindi pa raw po nakokompleto ni Mr Lucciano yung lists niya.." Pinilit ko pa talaga si Charlie na siya na ang tumawag sa lalaking yun, dahil hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tawagan ang local ng penthouse niya sa taas, kung nahihiya ba ako, o naiinis sa kanya dahil sa pangit ng inasal niya nung nakaraang linggo. Mabuti na nga lang at iyon pa lang ang unang beses na nakasalamuha ko siya, mula ng araw na iyon ay hindi ko na siya nakita, pero madalas naman raw itong nasa taas, nagkakataon lang siguro na hindi nagkukrus muli ang aming landas. Gayun pa man, alam ko naman na hindi ako makakaiwas na makita siya, dahil siya na ang bagong boss ng Lucciano. Ah! Basta! gagawin ko na lang ang trabaho ko.

Strikto raw ito sa pagbibigay ng instructions para sa kanyang party, dahil ayaw daw nitong magkaroon ng problema. Sabagay, ikaw ba naman ang ilang taong hindi umuwi sa pilipinas, siguro ay miss na miss niya ang mga kaibigan niya.

Naalala ko tuloy ang grupo nila noong highschool. Parang may requirement ang pagiging kabilang sa kanila, dahil lahat sila ay gwapo, at lahat ay nag eexcel sa academics at sports. Umirap pa ako sa kawalan, mga gwapo nga sila, pero masusungit naman, na aakalain mo na kasalanan na kapag natitigan mo sila sa mata. Bukod tanging natatandaan ko na medyo may kabaitan noon ay si Giovanni DeAntonio, CEO na ito sa kanyang sariling fashion company, at ang balita ko ay engage na. Si Xavier Romano naman ay nagmamay ari na ng isang retail company, ito ang pinaka tahimik noon sa kanila, pero gaya ni Damien at Giovanni, ay gwapo rin at matalino, nag lay low nga lang ito at halos lumayo sa kanila matapos mamatay ang kanyang ina. Nakakatuwa nga dahil nag asawa na ito, at may isa ng anak at mukhang masaya siya sa buhay may pamilya, madalas nga ay dito sila sa Lucciano nagpapa reserve ng lunch o dinner date ng kanyang maganda at mabait na asawa. Si Carlisle Vinn Depuesto naman ay ang pinaka babaero sa grupo, isa rin ito sa bully noon, hanggang ngayon yata ay wala pa itong asawa, at patuloy pa rin sa pag enjoy sa kanyang pagiging binata,   ilang beses na rin itong nagawi rito, minsan ay kasama ni Xavier, minsan naman ay kasama ang ibang kaibigan nito. Wala naman akong balita kay Constantine Arsenio, na siyang pinaka kinaiilagan sa grupo nila, mabagsik kasi ito kung makatingin, na para bang babalatan ka ng buhay, ito rin ang pasimuno ng mga away, pati na rin ng mga fraternity noon sa skwelahan. Bakit ko alam ang lahat ng ito? Gaya ng nabanggit ko, ay schoolmate ko sila, pero hindi kami magkaka level, dahil ahead sila ng tatlong taon, kaya naman first year lang ako noon, at sila naman ay nasa huling taon na ng highschool, gayunman, sa loob ng isang taon na yun ay talaga namang puro sila ang laman ng usapan lalo ng mga kababaihan.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now