TOTS 27

2.2K 51 3
                                    

Chapter 27

"Gabi! Paano ba mag move on?!" sigaw ko sa kabilang linya, pabalik-balik ang lakad ko habang inaantay ang sagot niya.

Problema ako, nitong mga nakaraang buwan pa. Kung pwede ko lang i-untog ang ulo ko, para lang mabura lahat ng ala-ala ko ginawa ko na!

Ilang buwan na ako rito? Pito? Walo? Wala namang nagbabago! Ganito ba kahirap mag move on? Alam ko naman na matagal pa bago ako makakalimot, pero normal ba 'tong kung ano ang nararamdaman ko noong umalis ako ay ganoon pa rin hanggang ngayon?

Miss na miss ko na si Wyatt!

Mababaliw na ata ako, paano ako makakalimot kung araw-araw ko iniisip kung kamusta na siya? Kumain na ba siya? Masaya ba siya?

Huy Inah nagbabagong buhay ka na nga! Bakit nasa nakaraan ka pa rin?

"Baliw ka kasi! Sabi ko i-block mo na siya sa mga social media accounts niya. Paano ka makakamove on e araw-araw mo inistalk!" balik niya sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at napa isip, kinagat ko ang ibabang labi. Ganun ba iyon?

"E sa internet ko na nga lang siya nakikita at nakakakuha ng updates sa kanya..."

"Sira ka talaga! Kaya ka nga nandyan kasi kakalimutan mo siya, umalis ka tapos gusto mo pala siya makita. E'di umuwi ka nalang at titigan mo siya dito!" pangbabara nito sa akin.

Naglabas ako ng malalim na hininga, ang hirap kasi. Hindi pa rin ako sanay, pakiramdam ko hindi ako hihinga kung hindi ko siya makikita kahit isang araw.

Baka masyado kong sinasanay ang sarili ko? Kaya hirap na hirap ako? Baka kaya hindi ako umuusad sa pagmomove on, kasi hindi ko talaga tinutulungan ang sarili ko?

"A-Anong gagawin ko?" nanghihina kong tanong, kinagat ko ang daliri dahil hindi ako mapakali.

"I-block mo nga siya, subukan mong ibaling sa iba ang atensyon mo. Pilitin mong wag muna siyang isipin, sanayin mo ang sarili mo na mag isa ka na." dire-diretso niyang sagot.

Tama, tama naman talaga si Gabi. Ang dali lang kasi sabihin pero ang hirap gawin. Pero pipilitin ko, susubukan ko na talaga. Hindi pwedeng laging ganito.

"Oo na, gagawin ko na! P-Pero may tanong ako, last na..." pakiusap ko.

"Ano 'yon?"

"M-Masaya ba si Wyatt? Pag nakikita mo siya? Lagi ko kasing chinecheck ang mga posts niya, mukha naman siyang masaya. Parang wala namang nawala sa kanya..."

Natahimik bigla si Gabi, yumuko ako at bumuntong hininga. Alam ko na ang sagot, siguro ay ayaw rin banggitin sa akin ni Gabi? Baka napapansin at nakikita niya rin.

Na masaya naman si Wyatt, mukhang nag eenjoy sa buhay niya. Tapos ako, nagdurusa rito sa malayo.

Pero ganun lang kadali? Ganun lang kadali sa kanya na nawala ako? Dahil ba marami siyang ibang kaibigan, at ganoon lang rin ang turing niya sa akin kaya nang mawala ako, madali lang sa kanya.

Sila na kaya talaga ni Miande?

Bigla nanamang may gumapang na sakit sa puso ko, talaga ba Inah? Ganito ka nalang? Hindi ka ba nagsasawa? 'Yong taong iniwan mo masaya na, ni hindi ka nga pinigilan umalis. Nakapag desisyon siya agad na hayaan kang umalis, hindi pa ba sapat na dahilan iyon para kalimutan mo na siya?

"Gabi..." tawag ko dahil wala na ata siyang balak sumagot.

"T-Teka, Inah may mag jojoin ha." paalam ni Gabi, kumunot ang noo ko at bigla na lang lumabas ang profile picture ni Ford sa call namin. Inadd niya si Ford!

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon