O I F T P 46

573 34 5
                                    

Present Time


Pumasok si Josiah sa room kung saan nandun si Stephanie, kakalipat niya lang ng suite room at ngayon lang ito nalaman ni Josiah dahil kausap niya ang family doctor ng mga Xamonte, at 'dun niya nalaman na walang batang nabuo.

Pagkapasok niya ay tahimik si Stephanie na nanunuod ng T.V. napansin niyang papalapit si Josiah pero di niya ito pinansin dahil malalim ang iniisip niya.

Umupo si Josiah sa isang stool na malapit sa bed ni Stephanie.

"Walang bata." Sambit ni Josiah kaya napatingin sa kanya ang babaeng tulala.

"Tell me, gusto ko galing sa bibig mo, there's no baby, right?" diretsong nakatingin si Josiah sa kayumangging mata ni Stephanie, halatang napalunok ang kausap at di alam kung masasalita pa ba.

"Wala diba!?" napasigaw si Josiah sabay hawak sa makabilang balikat ni Stephanie.

"Puta, oo! Wala!" sigaw ni Stephanie kaya natigilan si Josiah at binitawan na niya ito at umupo na ulit.

"I lied." mahinang sambit ni Stephanie at papaiyak na.

"Josiah," tawag nito kaya napatingin si Josiah.

"Josiah I'm sorry." Sabi nito at umiyak na.

"Nakakagago lang para magpanggap, magpanggap na buntis at magpanggap na hindi kita kilala."

"Tangina Josiah! Mahal pa rin kita kahit alam kong niloko mo na ako dati! Masakit, kasi naalala na kita, naalala ko na kung ano ang nakita ko noon, naalala kita na ikaw 'yung lalaking nagpaiyak sa akin dahil araw-araw mo nalang akong niloloko."

"Ang bait ko pa kasi hinahayaan kitang lumapit sa ibang babae kasi 'yun naman ang gusto mo, kasi gago ka at manyak ka, pero nakaabot tayo ng isang taon diba? Na ako lang ang nakakaalala sa anniversary natin, sounds dumb, pero oo Josiah, masakit kasi ako lang ang nag celebrate 'nung araw na 'yun kasi naghiwalay na tayo."

"Nung una kitang maalala, hindi na kita minahal pa pero nakakabwisit lang dahil nandiyan ka laging nakabuntot sa akin, hinayaan na kita pero fvck you kasi napamahal mo ulit ako. Kaya nga nagpanggap akong buntis para lumapit ka sa akin, para mahalin mo ulit ako, ang desperada ko na pero wala akong pakealam kasi ikaw pa rin ang laman ng puso ko."

Hinawakan ni Stephanie ang magkabilang pisngi ni Josiah at nilapit niya ito sa mukha niya,

"Alam kong hindi mo na ako paniniwalaan pagkatapos nito, pero Josiah, sana kahit ito nalang ang paniwalaan mo, mahal kita...sobra." Huling sabi nito at nagkadikit ang mga noo nila.

Naramdaman ni Stephanie na dahan-dahang lumayo si Josiah.

"Josiah, ayokong ganituhin mo ako, pagkatapos kong sabihin sa iyo ang lahat, 'wag mo namang gawin sa akin 'to na ako lang 'yung nagsasalita," umiyak na naman si Stephanie at napahawak sa dibdib niya.

"Magsalita ka naman kasi hindi bagay sa'yo ang magseryoso kasi ampanget mo!" sigaw pa nito.

"Umayos ka nga." Seryosong sabi ni Josiah kaya nabigla siya.

"Di bagay sa'yo ang umiyak." Huli nitong sabi saka siya lumabas.

Humagulhol na naman sa pag-iyak si Stephanie dahil,

"Walangya kang gago ka! Nagpractice ako sa sasabihin ko tapos 'yun lang ang sagot mo! Pakyu!" sigaw nito.


Bukas ko na i-po-post ang mahabang chapter, di ko ma post e, sensya :)

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon