TOTS 28

2.3K 52 9
                                    

Chapter 28

Paulit-ulit na nagreply sa utak ko ang boses niya. Kahit hindi ko alamin, o tignan kung sino ang caller hindi ako pwedeng magkamali. Saulong-saulo ko ang boses na iyon, simula sa pananalita hanggang sa tono ay alam ko. At kung may pinaka huling bagay man akong gustong marinig ngayon... ay siya iyon.

"Let them know—" before he even continues what he is going to say, I cut the call. Binabaan ko siya ng tawag, humigpit ang hawak ko sa cellphone habang unti-unti kong nararamdaman ang pang iinit ng dugo ko. Nandidilim ang paningin ko.

Pakiramdam ko, kung mayroon pang pipigil sa akin ngayon masasapak ko na. Bigla na lang lumipad ang natitira kong pasensya nang marinig ko ang boses na niya! Ang kapal ng mukha niyang kausapin ako!

Hindi kami close!

Gusto niya kumuha ako ng kahit anong sasakyan na gusto ko rito? Bakit for oldtimes's sake?!

"Miss?" nagtatakang tawag sa akin nung manager, dahil mukha na akong liliparan ng bait kahit anong oras. Ibinaling ko ang tingin sa kanya, bahagya siyang napa atras nang makita ang itsura ko na naglalakad na papunta sa kanya.

"Sabihin mo sa amo mo, saksak niya sa baga niya 'yang mga sasakyan niya! Hindi ko siya kailangan!" halos ihagis ko sa kanya ang cellphone niya, nanlaki ang mata niya sa bigla kong pag sigaw.

Hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko, hindi ko nga alam kung Filipino ba siya. Bahala siya, gusto ko lang ilabas ang inis ko!

Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad papalabas ng casa. Kung ayaw nilang ibigay ang sasakyan ko, fine! Hahanap ako ng ibang paraan para makaabot sa pupuntahan ko, pero pag uwi ko rito irereklamo ko sila!

Tuloy-tuloy ang pagkabog ng puso ko dahil sa galit, at kung hindi pa ako aalis dito baka may magawa ako na pagsisihan ko. That Wyatt Taddues, really pushes me to the edge of my limit!

Ang kapal ng mukha niyang kausapin ako ng parang wala lang! At hindi ibigay sa akin ang sarili kong sasakyan! Sino siya para mag desisyon na hindi ako mag bibiyahe dahil may sira ang sasakyan ko?

Bakit? Hihinto ba ang mundo pag namatay si Eanah?!

"I-Inah... M-Ma'am Inah," tawag sa akin ni Fina, hinawakan ako nito sa braso para pigilan ako sa paglalakad. Tinapunan ko siya na matalim na tingin.

"Bakit?!" I exclaimed.

"A-Aalis na talaga tayo? Paano iyong sasakyan mo?" pag aalala niya, right wala na kaming sasakyan papunta.

Pumikit ako ng mariin at napa hilot sa sintido ko. Nilabas ko ang pinaka malalim na hininga ko ngayong araw.

"Mag cocommute tayo, maghahanap tayo ng taxi." solusyon ko bago tumuloy sa paglalakad, sinundan niya ako.

"Po?! Taxi hanggang probinsya? May tatanggap po ba? Tsaka mahal iyon Ma'am!" lintana niya na parang siya ang magbabayad ng pamasahe namin.

Umismid ako at nilingon siya ulit. "Wag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko ngayong gabi Fina, pag sinabi kong magtataxi tayo iyon ang gagawin. Naiintindihan mo?" iunat ko bawat salita para makuha niya na nagpipigil ako ng galit ngayon.

Napalunok naman siya at tumango-tango.

"Good, now what will you do? Mag aantay ba tayo ng taxi sa labas hanggang abutin ulit tayo ng oras?!"

"M-Magtatawag po, tatawag po ako ng t-taxi..."

"Very good..." sarkastiko ko sabi tsaka tuluyang lumabas ng casa. Hinding-hindi na ako babalik dito!

Umabot kami sa isang waiting shed ilang metro galing sa casa, napag desisyunan naming dito antayin ang taxi. Naka pagbook na raw si Fina, pero twenty minutes na ata kami rito wala paring kahit isang bakas o anino ng taxi nayan.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon