[W.O.S] CHAPTER 7: NEW ACQUAINTANCES

3.4K 179 11
                                    

A S H E

*pinch-pinch*

Teka... kinakalabit na ba ako ni San Pedro?

"Wait lang po San Pedro, ididilat ko na po ang aking mga mata kapag handa na talaga ako." pagkasabi ko nun, nagulat ako nang may marinig akong tumawa. Wait, isang babae?

"Sandali lang po, babae po pala kayo San Pedro?" tanong ko pero nakapikit parin ako. Narinig kong nagsalita na siya.

"Hey! Are you crazy? You can open your eyes now, you're alive! And by the way, I'm not San Pedro." agad kong idinilat ang mga mata ko pagkasabi niya nun.

Inilibot ko ang paningin ko at napaiyak nalang ako.

"A-akala ko katapusan ko na!" sigaw ko. Naramdaman ko naman na humawak siya sa balikat ko.

"Don't worry. Buti nga naabutan namin kayo eh." sabi niya at tumingin ako sa kanya.

"T-thank you for saving my life." sabi ko sa kanya at lumingon agad ako kay Kiro. Nagpanic ako nang makitang wala na siya doon sa kaninang pwesto niya.

"You're looking for him? Wag kang mag-alala, nandun sila oh. Ginagamot siya ng kasama ko." sabi ng babae. Tumingin agad ako sa kinaroroonan nila at tumakbo papunta sa kanila.

Malaki ang galos niya sa may likuran. Sana gumaling siya kaagad.

Please don't die...

"Naubusan na kasi kami ng healer eh, hindi pa kami nakakabili. Buti nalang marunong gumamot 'yang kasama ko." napatingin ako sa babae nang bigla siyang magsalita.

Pa'no nalang kaya kung hindi sila dumating? Siguro wala na talaga kami ngayon. Pangalawang buhay ko na ito. Masaya ako dahil makikita ko pa si Kuya.

Naalala ko 'yung kanina, nung nakita ko si Kiro na nahihirapan. Ang laking epekto sa akin, bigla akong nanghina. Hindi ko maigalaw halos buong katawan ko.

"It's done. He just need to rest." sabi nung lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

Nakapikit parin si Kiro ngayon. Medyo umo-okay narin ang lagay niya.

"Thank you." sabi ko sa lalaki at tinanguan lang ako nito.

"Ikaw rin, pahinga ka na muna." sabi sa akin ng babae at umupo ako sa tabi ni Kiro. Nagulat ako nang bigla rin siyang umupo sa tabi ko. 'Yung isa niya namang kasama, nakatayo at nakasandal sa may puno.

"Dito muna kami ah? Sasamahan muna namin kayo kasi mamaya, baka may umatake nanaman sa inyo. Mahirap na lalo na't mahina pa kayo." sabi niya. Nginitian ko nalang siya.

"Salamat ah." sabi ko sa kanya.

"Welcome." sagot niya naman.

"I'm Mist by the way. 'Yung kasama ko naman ay si Silver." sabi niya.

"Ah, Asky nga pala. Si Kiro naman yung kasama ko." sabi ko.

"Nice name." sabi niya sa akin.

"Thanks." sagot ko naman.

"Matagal ka na dito sa FWO?" tanong niya.

"Ah actually, kakapasok ko lang sa larong ito. Nasubukan ko pa siya isang beses nung hindi pa siya naging ganito. Nakakagulat nga eh." sabi ko.

"Eh si Kiro?" tanong niya.

"Matagal na siya. Kayo ba?" tanong ko naman.

"Same kay Kiro. Kaya hindi na din kami masyadong nahihirapan dito." sagot niya. Buti pa sila.

"Nga pala, bakit kayo napadpad dito?" tanong ko.

"Ah kasi, ano nagfa-farm kami ng medicinal herbs." sabi niya. Ah ganun ba.

Pagkatapos nun, nagkaroon ng konting katahimikan. Maya-maya, nagsalita na ulit siya.

"Pwede bang makita yung sword at sheild mo?" out of the blue, bigla niya 'yung tinanong kaya napatingin ako sa kanya. Hindi naman na ako nag-isip ng kung anu-ano pa kaya pinakita ko naman na kaagad sa kanya.

"Ito pala ang legendary greatsword na nabasa ko sa history ng FWO." sabi niya habang tinitingnan ito. "Grabe ibang klase sa personal." dugtong niya.

"Ito naman ay ang, shield of justice? Saan mo nakuha ito?" tanong niya.

"Ah, sa island sa gitna ng sea of storm. Nakuha kong reward 'yan nung natalo namin 'yung cave guardian." sabi ko sa kanya.

"W-what?! Seriously?! Ibig sabihin nakuha niyo rin 'yung metal?" sunud-sunod niyang tanong.

"Oo. Ginamit namin sa paggawa ng sword ni Kiro." sagot ko naman.

"Oh. Nice! Alam mo bang susubukan din dapat namin 'yun? Kaso nga lang takot kasi ako sa dagat hehe." sabi niya.

"Ang ganda naman nito, pwedeng masubukan?" tanong niya. Tumango naman ako at inabot sa kanya 'yung sword at shield ko. Pagkatayo niya, nagulat nalang ako ng bigla siyang natumba.

"Seriously? Ganito ba talaga ito kabigat?" tanong niya. Tinutukoy niya 'yung shield ko.

"Ha? Di naman ah." sabi ko at pinakita sa kanya na nagagaanan lang ako.

"Wow! Baka ikaw lang ang sinusunod niyan! Ikaw lang din ang makakabuhat at makakagamit. Parang master ka niya ganun." sabi niya. Napatingin ako sa shield ko.

"Sa tingin mo?" tanong ko.

"Yeah." sabi naman niya.

"Nga pala. 'Yung kasama mong si Silver, mukha siyang masungit." sabi ko. Nung una kasing magtama ang mga mata namin, magkasalubong ang kilay niya na parang iritado.

"Ah 'yun? Hindi. Baka kasi ngayon lang kayo nagkita. Ganyan talaga yan." sabi naman niya.

Maya-maya lang, napansin ko na gumalaw si Kiro. Finally! Nagising na siya. Nag-alala ako ng sobra!

"Kiro, kamusta pakiramdam mo?" agad na tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at hindi sinagot.

"Kahit hindi mo na ako sagutin, masaya ako dahil nagising ka na." sabi ko sa kanya. Maya-maya, nagulat ako nang bigla niyang ipatong 'yung kamay niya sa ulo ko. Nginitian niya muna ako bago sinagot.

"Masyado kang nag-aalala. Okay na ako, Asky." sabi niya.

My goodness! Hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa pangalan ko! Feeling ko tuloy namumula ako.

P-pwedeng pakiulit yung pangalan ko? Ahh! Siomai! Kasi naman bakit ganito ba ako makareact?

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

H-hoy! Bakit bumibilis tibok ng puso? Bakit?!

"A-ano--ano, o-oo okay lang ako." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Tae nautal-utal pa ako!

Narinig ko na napatawa lang siya.

"Nga pala, salamat sa paggamot ah. Marunong ka rin maggamot." sabi niya. Sana nga ako nalag gumamot sa'yo. Kiro.

Wait--what? Huuuwaaaattt?! Erase! Erase!

Nakasimangot akong tumingin sa kanya.

"Hindi ako ang gumamot sa'yo." sabi ko sa kanya.

"Sino?" tanong niya at tinuro ko si Silver. Nagtaka ako nang bigla siyang tumingin sa'kin ng may pagkagulat.

"Nasaan 'yung isa?" agad na tanong niya. Ano bang sinasabi niya? Bigla namang nagsalita si Mist.

"I'm here. Long time no see Kiro. Remember us?" sabi niya. Bakit naman ganyan ang itsura ni Kiro?

"Ano bang nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

Si Mist.

Si Silver.

At si Kiro.

Magkakilala sila?!


FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon