TOTS 29

2.3K 58 15
                                    

Chapter 29

Pilit akong tumawa mag isa, para akong natuod sa kinatatayuan ako at hindi ako agad naka galaw. Taas baba ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Parang nakikipag karera sa loob simula noong pumasok siya ng office ko.

Inis akong lumakad sa mesa para magsimulang mag ayos. Ano naman kung nakita ko siya? Kinabahan lang ako, kasi ilang taon rin kaming hindi nagkita, iyon lang 'yon. Padabog kong inayos ang mga gamit ko, tinanggal ko na rin ang cover ng couch. Is it really necessary that everything is new?

Hindi pa ako tapos sa ginagawa nang may kumatok muli, hindi pa nagsisimula ang araw ko naka tatlong katok na sa pinto ko.

Kung sa New York 'to nakarinig na silang lahat sa akin. Nilingon ko ito at pumasok si Ralf sa pinto, mabuti na lang at ang refreshing niya sa paningin. Mainit na sana ang ulo ko sa kanya.

"Ralf," bungad ko, huminto lang ito hindi kalayuan sa akin at yumuko.

"Mr. Tonjuarez is calling you in his office, Ma'am Inieno." magalang na saad nito, bigla akong natigilan ang napa taas ang kilay ko.

Right, why would I expect to have my own office and not be interrogated by the boss?

Nagtiim bagang ang bago huminga ng malalim, ayos lang Inah kasama sa trabaho. Ginusto mo ito 'di ba?

"Akala ko ba may meeting siya?" pilit kong magreact ng normal, akala ko ba may meeting sila ni Pio?

"His meeting with the Head of Finance is done, Ma'am." sagot ni Ralf, agad-agad? Head of finance pala si Pio?

Kahit labag sa loob ay tumango na ako, ano pa bang magagawa ko. I hate unprofessionalism, kaya hindi ko iyon gagawin. Itatapon ko na sana sa sahig ang hawak na plastic cover nang lumapit na si Ralf para kunin iyon sa kamay ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"I'll take care of this, Mr. Tonjuarez is already waiting for you, Ma'am." paalala niya, binasa ko ang ibabang labi habang pinapahaba ang pang unawa ko.

"Sige Ralf, salamat."

Iniwan ko na nga siya doon at naglakad na palabas ng office, pumikit muna ako at kinalma ang sarili. I touched my chest to regulate my breathing, don't get nervous Inah. You are the head designer of Alore Design of New York. Si Wyatt lang 'yan, taga bili mo ng fishball noong highschool ka.

Nagsimula na ako muling maglakad nang makabawi na ako, lumapit ako sa front desk para magtanong. Hindi ko alam kung saan ang office ni Wyatt at anong floor. Kasi pakialam ko naman?

"Hi," bati ko, nginitian ako ng babae.

"Good morning Ms. Inieno," bati nito pabalik, nakita niya na ako kanina dahil dito ako nag antay bago dumating si Ralf, hindi na ako nagulat na kilala niya ako.

"Good morning, I would just like to ask where the office of the Executive Director is?" naka ngiti kong tanong.

"You mean Mr. Tonjuarez, Ma'am? That door po." turo niya sa isang malaking pinto sa likod lang ng front desk.

Mabilis na naglaho ang ngiti ko, binasa ko ang paskil sa naka dikit sa pinto, Executive Director's office.

Iisa lang kami ng floor?! Magkatapat lang ang office namin?! Seryoso ba? O prank 'to?

Napaawang ang labi ko, pero bago pa ako mawalan ng poise ay binawi ko na ang sarili. Isang malalim na hininga ulit ang ginawa ko bago ko nginitian ulit ang babae. Mamaya ko na iisipin kung bakit magkatapat lang ang office ng head designer sa executive director. Napakalaking coincidence kasi!

"Thank you, Miss." pasasalamat ko tsaka naglakad papunta sa office niya.

I composed myself again, I don't know how many times I tried to prepare myself today just to meet this guy. I talked and even ate with elite business tycoons abroad but I never experienced this!

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon