CHAPTER 40

2.7K 56 3
                                    

Chapter 40: Surprise Marriage Proposal

“DADDY ko...” malambing na tawag sa akin ng anak ko pero pabulong lang iyon dahil sinadya niya ngang hinaan ang boses niya para ako lang ang makakarinig nito.

“Hmm? What is it, anak?” I asked her at matiim kong tinitigan ang maamo niyang mukha.

“Kailan daw po ako madi-discharge, Daddy? Kailan po ba tayo uuwi?” tanong niya.

Itinuro ko ang IV niya. “Kailangan mo raw ubusin ’yan, baby...”

Tiningnan naman niya iyon at napanguso siya. “Ay... Ang dami pa po niyan, Daddy... Gusto ko na pong umuwi sa atin. Ayaw ko na po here.”

Sinapo ko ang mukha niya. “Magtiis ka muna, Calystharia. Kailangan mong ubusin iyan at sana... Huwag mo nang gagawin pa ang ginawa mo para hindi ka na magkasakit ulit, okay?” paalala ko sa kanya. Napakagat pa siya sa pang-ibabang labi niya kaya lumitaw na naman ang dimples niya. Ang isang bagay na patunay na anak ko nga siya. Nakuha niya iyon mula sa akin, eh.

“Okay po,” sagot niya na sinabayan pa nang pagtango. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito.

“Thanks for accepting me in your life, Calystharia. I was a bad husband to your Mom before. Because I was still immature to think,” mahinang sabi ko.

“You are my Daddy. Even if you made many wrong decisions before, I will still accept you. We all have our own imperfections, don’t we? I love you, Daddy, and I don’t want to...lose you from me and Mommy. So, keep your promise, Daddy huh? That no matter what happens, you will not leave us, that you are right here by our side. Because I will be sad and hurt again when I lose you. Daddy, you and Mommy are the ones I love the most in this world,” mahabang sabi niya. Ang sincere nang pagkakasabi niya. Parang matutunaw na ang puso ko.

“I am also the happiest Daddy on earth,” I uttered and kissed her cheek.

“Daddy, I’m sorry if I was mean to you before, huh? Because even though I liked you in the first place, I chose to fight you,” she suddenly confessed. Naaaliw na tinitigan ko ulit ang maganda niyang mukha.

“Hmm? Did you like me before?” nakangiting tanong ko.

“Yes po. Because you’re nakaiinis dahil maingay ka pero always kang nakangiti. But happy ka na parang sad ang din, because it’s like my Mommy is the only one I see. Happy ang face mo but there is sadness in your eyes. Daddy, are you happy that I’m your daughter? Are you happy because you have Calyshtharia Divyne?” tanong niya na namumula pa ang magkabilang pisngi niya. Parang nahihiya rin siya na itanong iyon sa akin.

“Of course, the letters you gave me are like my achievements that are more than a diploma. I really worked hard to get my diploma but the cards? It was full of emotion, my daughter’s love. Calystharia, if anything good happened to me today, I would say that you are the best thing that happened in my entire life. Your Mommy, became my light in my dark world. I love you both...”

Tumulis ang labi niya. “But my Mom... May boyfriend na po siya, Daddy... Paano ka? Paano po ako? Gusto kong kayo lang ni Mommy ang makasama ko for life,” nababahalang sabi niya.

“Nah, hayaan mong si Daddy na lamang ang gumawa ng paraan para riyan, Calystharia.”

Naubos lang ang IV niya noong sumapit ang hapon. Hinanda na agad ng Mommy niya ang mga gamit na dala nila. Nakapagpalit na rin ng damit niya ang anak ko.

“I’m going home na...” masayang bulalas pa niya. Isinuot ko sa kanya ang sapatos niya.

“Yeah,” I uttered. Naglahad agad siya ng mga kamay niya.

Echoes Of Yesterday's Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now