Chapter 30
Our house?! Napaka delusyunal!
Mainit ang ulo ko habang tinititigan ang keycard na hawak. Mahigpit ang hawak ko rito na malapit na siyang mabali. Biglang tumawa sa akin si Ford habang nagmamaneho, lumipat tuloy ang mata ko sa kanya at siya ang sinamaan ng tingin.
"May nakakatawa ba?" pikon kong tanong, kanina habang may eksena kami ni Wyatt sa harap ng J Prime, ay parang tuwang-tuwa pa ang isang 'to at nanonood lang. Wala talaga siyang ginawa.
"Bakit sa keycard mo binubuntong galit mo? Kasi hindi ka naka palag kanina?" pang aasar niya pa, umikot ang mata ko.
"Manahimik ka diyan," banta ko sa kanya at diniretso na lang ang tingin sa daan. Ni hindi ko alam paano ako nakawala sa presensya ni Wyatt kanina, at paano kami naka alis ng matiwasay at humihinga ni Ford.
Galit rin si Wyatt kanina, sa hindi ko malamang dahilan. O baka normal niya na 'yon.
"Bakit ka kasi binigyan ng card? Ano live-in na kayo?"
Pinanlakihan ko ng mata si Ford at nagtayuan lahat ng balahibo sa katawan ko. "Hindi no! No way!" tanggi ko, tumaas tuloy bigla ang boses ko.
Mas lalo itong natawa at umiling-iling, hindi niya inalis ang mata sa daan. "Bakit parang dismayado ka pa?" sasagadin niya talaga ang pasensya ko.
"Kung pipikunin mo lang ako, ibaba mo na ako. Ayoko na siyang pag usapan pwede ba?!" wala na akong ibang narinig ngayong araw kundi Wyatt! Puro Wyatt!
"You are working with your ex bestfriend, and you expect not to hear a thing from him?" he mockingly said. I sank down on my seat as I pursed my lips.
Totoo nga, naiinis akong nadadawit pa ako kay Wyatt. Pero inihanda ko naman na ang sarili ko sa ganito. Alam kong hinding-hindi ko siya maiiwasan, kaya kailangan kong pahabain ang pasensya ko.
Pero hindi ko talaga napigilan ang masagad sa inis kanina, dahil siya rin naman ang may gawa! Ipagpilitan niya ba naman na tanggapin ko ang keycard sa harap ng kaibigan ko? Habang nagagalit siya? Tsaka pwede namang si Ralf na lang ang magbigay, at talagang hinabol niya pa ako.
Hindi ko din talaga maintindihan ang lalaking iyon. Unang araw ko palang, subok na subok na ang pasensya ko sa kanya. Ang dami niyang na unleashed na ugali, na ngayon ko lang nakita.
Kaya pala halos mangatog ang mga tuhod ng mga empleyado niya. Paraan palang ng pagtitig niya, alam mo nang ibubuhos niya sayo ang galit niya sa mundo.
Sana lang, hindi na muna masundan ang kahapon. Baka bigla na lang kaming magka world war III.
Kinuha ni Gabi ang inumin habang nakikinig sa kwento ni Ford sa kanya. Hindi lang naman kami ni Ford ang may plano na kumain sa labas. Tatlo kami nila Gabi. Sinundo lang ako ni Ford, dahil wala pa akong sasakyan na magamit.
Gusto na daw nila akong makita dalawa, kaya pumayag na rin ako. Miss na miss ko na rin ang ganitong set-up, dahil wala naman talaga akong matatawag na kaibigan doon sa New York.
Lalo na 'tong dalawang 'to. Sa ilang taon na pag limot ko kay Wyatt, hindi nila ako iniwan dalawa. Tyinaga nila ako, hanggang sa tuluyan akong matauhan.
Pero iyong dalawang akala ko kakampi ko, parang tuwang-tuwa pa ngayon na magkasama ulit kami nung ex bestfriend ko.
"She's so shock! The moment Wyatt said 'our house', this girl lost it!" sumbong sa akin ni Ford habang natatawa. Kung nakakamatay lang ang titig, bumulagta na siya kanina pa.
Marahas akong bumuntong hininga bago tinuloy ang pagkain ko sa carbonara. Nakamasid rin sa akin si Gabi habang nagkukwento si Ford. Tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...