BMDN Chapter 25

115K 3.1K 205
                                    

Alas otso ng umalis ako sa bahay nila Kisza, pinahatid pa nila ako kay Mang Mandy sa bahay namin. Ayoko nga sana dahil nag papahinga na si Mang Mandy pero ng si Kisza na ang nag salita hindi na ako nakipag talo. Katulad ni Spencer gusto kong gawin lahat ng gusto ng anak ko.


Maaga akong nagising kinabukasan, kaya maaga akong pumunta ng palengke para mamili ng stocks sa bahay, kung tutuusin konti lang ang mabawas sa kalahati ng sahod ko dahil si Spencer ang nag bayad ng bill sa hospital. Pero siguro ibawas nya iyon sa natitira ko pang sahod. Pag kauwi ng bahay ay agad akong nag luto at ginising ang mga kasama ko sa bahay para kumain ng almusal.

Nakagawian namin na mag simba tuwing sunday, kahit noong buhay pa sila Mama at Papa ay sabay sabay kaming nag papasalamat kay Lord para sa pag kain na natatanggap namin araw-araw. At hanggang ngayon ginagawa namin iyon, noong nakaraan ay hindi ako nakasama sakanila dahil nasa Allergen ako kasama sila Kisza.




Isinuot ko ang kulay puti kong polo blouse at tinernuhan ko ng itim na pantalon saka ang tatlong taon ko ng dollshoes. Nag pulbos muna ako saka lipgloss, saka ako lumabas ng kwarto. Rinig na rinig ko ang boses no Daniel na mukhang nasa labas na at may ka-kwentuhan. Nginitian naman ako ni Cc saka kinindatan bago lumabas ng bahay. Napailing nalang ako, minsan hindi ko gets ang trip na gusto ni Cc.

"Tara na" sabi ko saka tumingin sa relo ko, alas otso y medya na ng umaga at alas nuebe mag uumpisa ang misa.

"Nina"


Nahinto ako sa pag lalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses. At hindi nga ako nag kamali dahil pag angat ko ng tingin ay nakita ko syang nakatayo kasama si Daniel.



"Carlo" nakangiting sabi ko, hindi ko maiwasang punahin ang mga mag bago sakanya. Mas pumogi sya ngayon at mas kuminis ang balat, mas lumaki na rin ang katawan nya ngayon at tignan mo lang sya ay malalaman mo agad na galing syang ibang bansa dahil sa aura nya at dahil sa kutis nya.




"Ate sasama sya sating mag simba" ani ni Daniel, ngumiti naman ako saka tumango.



"Kamusta?" Tanong ko saka inabot kay Cc ang susi para mailock ang bahay. Saka ako lumapit kay Carlo.


"May Damon na may Stefan pa, Eleina ikaw ba yan?"



"Ano yon Cc?" Baling ko kay Cc ng marinig ko ang pag bulong nya




"Wala, ang ganda mo kako" aniya, napailing nalang ako saka bumaling kay Carlo.




"Ayos lang, kakatapos ng kontrata sa Canada. Ikaw kamusta? Lalo kang gumanda ah" aniya saka ngumiti dahilan para lumabas ang kanyang dimples.





ilan taon na ng huli kaming nag kita ni Carlo, bagong lipat lang kami dito non. Mabait si Carlo kaya kahit sino mag kakagusto sakanya, may kaya rin ang pamilya nya at may sariling negosyo. Pitong buwan nya akong niligawan at tumagal kami ng isang taon, mabait ang pamilya nya sakin- samin ng mga kapatid ko, pero nag pagpasyahan naming mag hiwalay noong ng mag desisyon syang pumunta ng Canada para mag trabaho. Aminado kaming pareho na mahirap ang LDR, at isa pa panatag kami na kung talagang kami, kami sa huli. Nag bago lang ang pananaw ko ng pumasok akong muli sa buhay ng anak ko.




"Ang sabi ng mga kapatid mo nag aalaga ka ng bata ngayon at stay in ka" aniya, tumango ako.



"Oo, lingguha ang uwi ko. Okay naman sakin iyon para hindi sayang sa pamasahe"



"Kuya Carlo, sayo ba sasakyan to?"


Napatingin ako sa tinuro ni James, may nakaparadang kulay pulang kotse sa harapan. Tumingin ako may Carlo at tumango lang sya sa tanong ng kapatid ko.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon