CHAPTER ONE
Suitor
Trigger Warning: this story contains sensitive language and sexual assault. Please read at your own risk.
Sometimes, loving someone can hurt us so bad. Iyon bang ginawa mo naman ang lahat, ibinigay mo ang lahat ng makakaya mo just to make this person stay, but still you weren't enough and will never be enough with the wrong person.
At the age of twenty, isang beses lang ako nagmahal ng sobra. But unfortunately, hindi naging maganda ang ending naming dalawa. Our nine-month relationship ended when she cheated on me. Lahat ng effort ko'y binasura niya.
Since then, I haven't entered into another relationship. I don't know if it's because of the trauma kaya nawalan na ako ng ganang muling magmahal pa.
Matagal na rin namang nangyari iyon, mag-aapat na taon na rin. I've moved on but the trauma Yvonne inflicted on me still lingers. I loved her deeply but in the end, I was just played by the girl I thought would love me.
She's my first love, so moving on from her wasn't easy. I loved her so much but I'm not stupid enough to take her back, kahit pa ilang beses rin siyang nagmakaawa sa akin na patawarin at balikan ko siya.
Marahan kong binuksan ang locker ko at kagaya ng inaasahan ko ay unang bumungad sa'kin ang tambak at makukulay na mga love letters mula sa iba't-ibang babae, some even fell to the floor which I didn't bother to pick up.
Kinuha ko ang mga iyon gamit ang dalawang kamay ko at walang pagdadalawang isip na itinapon sa malapit na trash bin. I don't want to waste my time reading these love letters.
Dumako ang aking paningin sa lalakeng kasama ko rito sa locker room ng matunog itong ngumisi. May kinukuha ito sa loob ng kaniyang locker, ngunit ang singkit at matatalim na mga mata ay nakatutok sa akin.
Unang umagaw ng atensiyon ko ay ang kumikinang nitong mga piercing sa taenga. His somewhat long, messy hair fell loosely over his forehead, and he was wearing a basketball uniform.
Sandali lamang nagtama ang aming mga mata at mabilis rin itong nag-iwas ng tingin. Walang pakialam na iniiwas ko ang aking paningin at inilagay ang mga gamit ko sa loob ng locker.
I know him. Mark Jaevier Laurent. How could I not, when he was the one who stole my girlfriend four years ago? He's not just a womanizer, he's a fucking stealer too.
Matagal na ring nangyari 'yon ngunit sa tuwing maaalala ko,hindi ko parin maiwasang makaramdam ng galit. Hindi lang kasi ako niloko ni Yvonne, tinapakan rin nila ng lalakeng ito ang pagkalalake ko. Though hindi rin naman sila nagtagal ng ex-girlfriend ko.
Just a few months after Yvonne and I broke up, news spread throughout our campus that they had broken up and Jaevier had replaced Yvonne with another girl. Hindi naman iyon nakakagulat since alam naman ng lahat ng estudyante sa blue danube kung gaano kagago si Jaevier. He's a notorious playboy and it seems like making girls cry is his fucking hobby.
Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa locker ay isinarado ko na iyon. Inayos ko muna ang salamin ko sa mata saka ako dire-diretsong lumabas ng locker room. Hindi ko na muli pang tinapunan ng tingin si Jaevier kahit ramdam kong nakatingin ito sa akin.
Hindi ko alam kung anong atraso ko sa kaniya at palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa'kin. Hindi parin ba siya nakakamove on sa ginawa kong pangbubugbog sa kaniya noong high school? Deserve naman niya iyon dahil napaka-hayop niya.
I headed to the school parking area and got into my car. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko para tawagan ang nakababata kong kapatid.
"Where are you? Sasabay ka ba sa'kin pauwi?" bungad na tanong ko ng sagutin ni Summer ang tawag ko.
"Sorry kuya, huwag mo na akong hintayin. My suitor offered to drive me home," aniya sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko, "kailan mo ba ipapakilala sa amin 'yang manliligaw mo na 'yan, ha?"
"Sige kuya, I'll talk to him para maipakilala na rin siya sa inyo."
"Good." I started the engine of my car. "Sige na, aalis na ako. Mag-iingat ka. Huwag magpapagabi, baka dalhin ka pa ng lalakeng 'yan kung saan-saan, huh? Umuwi kaagad."
I heard her laugh on the other line. "Roger that, captain!"
Pinatay ko na ang tawag at ibinalik ko sa bulsa ng pantalon ko ang aking cellphone. Pinasibad ko ang aking sasakyan at binaybay ang daan pauwi ng bahay.
Eighteen years old na si Summer, first year college sa kursong Fine Arts. Maganda ang kapatid ko kaya hindi nakapagtatakang maraming lalake ang nagkakandarapa sa kaniya. Hindi naman namin siya pinaghihigpitan pagdating sa pakikipagrelasyon ngunit sarili niyang desisyon na huwag munang magboyfriend dahil ayon sa kaniya ay sakit lang sa ulo iyon.
Masyado rin kasing tutok sa pag-aaral si Summer kaya nakakagulat talaga ng isang araw ay bigla na lang niyang sabihin sa akin na may ini-entertain siyang manliligaw. Hindi na rin ako tumutol pa since dalaga na rin naman ang kapatid ko. Huwag lang talagang sasaktan ng lalakeng iyon si Summer kundi talagang manghihiram siya ng mukha sa aso.
Pagdating sa bahay, at usual ay tanging mga katulong lang ang naabutan ko. Wala ang parents ko dahil busy ang mga ito sa trabaho.
Umakyat ako sa kuwarto ko, nagbihis ng pangbahay at umupo sa harap ng study table. Ilang oras rin akong nagkulong sa loob ng kuwarto ko at tinapos ang mga school papers ko.
Napahinto ako sa aking ginagawa ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Lumipad ang aking paningin sa pinto, sakto namang bumukas iyon at sumungaw ang ulo ng nakangiting si Summer.
"Dinner is ready! Bumaba ka na raw sabi ni mommy!" bungad niya.
I glanced at the clock on the nightstand, pasado alas-syete na pala, hindi ko namalayan ang oras.
"Sige, susunod na ako." tumingala ako at hinilot-hilot ang nangangalay kong batok dahil sa matagal na pagkakayuko.
"Guess what, kuya? He's here!"
Napahinto ako at nagtatanong ang mga matang lumingon kay Summer.
"nagawa ko siyang kumbinsihin na ipakilala na siya sa inyo. Nasa baba na ang suitor ko, iniinterrogate ni mommy," aniya saka humagikhik.
Ilang sandali akong napatitig sa kaniya bago ako napangisi. Mabilis akong napatayo at naglakad palapit sa kaniya.
"that's good. I can't wait na makilala ang lalakeng bumihag sa pihikang puso ng kapatid ko," nakangising wika ko bago ko inakbayan si Summer at hinila pababa sa hagdan.
"Sinong mas pogi sa'min?" tanong ko habang magkasabay kaming naglalakad sa hagdan. Wala akong idea kung ano'ng klaseng mukha meron ang manliligaw ni Summer. Kung iniisip nitong magiging madali ang panliligaw niya sa kapatid ko, nagkakamali siya!
"Syempre ikaw, kuya! Ipapatalo ba naman kita," maagap na sagot niya, dahilan para mapahalakhak ako. Ginulo ko ang buhok niya kaya agad siyang nagpumiglas mula sa pagkakaakbay ko.
Dumiretso kami sa dining kung saan naririnig ko ang boses ng parents namin at ang isang hindi pamilyar na boses ng lalake.
"Mabuti naman at bumaba ka na, kanina ka pa hinihintay nitong manliligaw ni Summer," wika ni mommy ng makapasok kami sa dining area.
My gaze fell on the guy sitting in front of the table. Literal na tumigil ang mundo ko pati na rin ang tibok ng puso ko ng magtama ang aming mga mata. Nagkaroon ng ekspresyon ang kaninang blangko nitong mukha. A smirk formed on his irritating lips when he saw me. Ngising nakakaasar at alam mong walang magandang gagawin.
Anong ibig sabihin nito? This asshole is my sister's suitor? Damn it, no! Ayoko! Hindi puwede!
Hindi ako makakapayag na mapunta sa babaero at sira-ulong Jaevier na ito ang kapatid ko. Tangina, sa dami ng lalake sa mundo bakit ang hayop na ito pa ang nagustuhan ng kapatid ko!
Holly shit!
BLVCKMORSE
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...