TOTS 34

2.2K 61 8
                                    

Chapter 34

Miande really went here. She's been coming to J Prime almost every single day. I heard that she already convinced Wyatt to help her with her project. All I know now is that Wyatt is very busy with everything, pero pumayag pa rin ito na tulungan si Miande. Well, it's their life naman, bahala nga sila.

Hindi naman naaapektuhan ang trabaho namin ni Wyatt. Pumunta pa rin ako sa opisina niya in daily basis para magtrabaho kahit hindi naman kailangan na nandoon ako. Hindi ko siya maintindihan, ano pa ang silbi ng office ko kung hindi ko rin pala magagamit. Basta, ang mahalaga sa akin ngayon magawa ko ang trabaho ko at walang abala. Kahit si Wyatt pa 'yan, ang mga iba niyang inaatupag.

Gagalingan ko na lang sa trabaho, dahil iyon lang naman ang silbi ko dito. Iyon lang din ang dahilan kung bakit ako nandito. Para sa trabaho, para sa career ko na gusto kong patunayan. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito, babalik ako sa buhay ko sa New York, kaya hindi dapat ako masanay dito. Ayoko. Dahil pag nangyari iyon, mahihirapan akong umalis.

Those are the thoughts that've been replaying in my mind these past few days. That's why I developed the eagerness again to work harder. I bombarded myself with work loads, so that my focus will all be drifted to work and work only. Especially, I found myself distracted and lacking since last week. I don't like that, that's not the Eanah I know.

Padabog kong ipinatong sa mesa ko ang mga makakapal na folders na hawak. I needed to print out everything because I am gonna be reporting all my works and designs to the chief designer of J Prime. Akala ko kapag nakita na ni Wyatt ayos na, lusot na, hindi pa pala. Everyone should agree first before the official designs would be finalized.

I craned my neck and stretched out my arms. I am also developing a backache because of drowning myself with responsibilities.

I let out a heavy sigh, to be honest I am getting tired. It's only early in the morning but I already feel like my energy is running out. I've been feeling down and weak these past few days. When I was in New York I never experienced this kind of exhaustion, even if I am working on Saturdays. But since I went back to the Philippines, I felt tired and for some reason. Not just physically but also emotionally, but my emotional exhaustion just skyrocketed this week.

I've been pressured by work, responsibilities, and what's happening in my personal life.To be honest, it's draining me out. I am starting to feel, burned out.

I was busy relieving my pain when my door suddenly opened, I turned around and found Wyatt walking inside with his macbook in his left hand.

"Sorry, I'm late." bungad niya. Nagtataka ko siyang pinanood nang maupo ito sa couch.

"Do you need anything?" tanong ko.

He looked in my direction. "We will work here." pagdedesisyon niya mag isa. Alam kong building niya ito, pero baka gusto niya rin ako tanungin kung papayag ba ako?

Tumaas ang kilay ko sa kanya, pinagdikit ko ang labi. "Bakit dito? Hindi sa opisina mo? Change venue tayo? Nagsasawa ka na doon?" tuloy-tuloy na tanong ko. Huminga ako ng malalim at naglabas rin ng malalim na hininga. Sumandal ako sa harap ng mesa at bahagyang umupo doon.

"I noticed you look tired," sagot niya, mas lalo lang gumulo ang utak ko. Wala namang connect ang sagot niya sa tanong ko.

"Ang aga pero ako ba ang bangag o ikaw?"

Hindi niya ako sinagot at tumayo lang upang lumapit sa akin, mabilis na gumala ang mata ko para paghandaan kung anong gagawin niya. Ba't lumalapit nanaman 'to? Napakapit ako sa gilid ng mesa.

"Are you okay?" the sudden change in his tone made a wave in my heart.

"W-What do you mean?" utal kong tanong, hindi inaasahan ang biglang pagseseryoso nito.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon