TOTS 35

2.4K 63 15
                                    

Chapter 35

"Let's be bestfriends again." I said to him.

Muntik na siyang masamid sa iniinom. He shifted his weight and position to properly face me.

"Let's be what?" gulat niyang tanong, hindi maipinta ang mukha. Ngumuso ako at ibinaba ang hawak na milkshake. Kahit ako ay medyo naguguluhan sa desisyon ko, pero alam kong hindi naman ako magsisisi.

Simula iyong nangyari last week, hindi na ako pinatulog ng konsensya ko. Hindi sa may nagawa akong masama, well partly. Pero, gusto ko nang maayos ang kahit anong gusot sa amin. At pakiramdam ko dito rin naman ito hahantong, kaya ano pa ang hihintayin ko? Ang mawala ang pagkakataon na ito?

Kaya kahit Sabado, at dapat ay pahinga ko ay niyaya ko siyang kumain sa labas. Akala ko kata-katakot pang pagyaya ang gagawin ko sa kanya, pero bigla na lang rin siya pumayag. See? Namimiss na ako ng mokong na 'to, kaya dapat tanggapin niya ang alok ko.

"Bestfriends." kaswal kong sagot, binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Napa awang ang bibig niya, halatang hindi inaasahan ang biglang pagbago ng ihip ng hangin. Na kung noong mga nakaraang linggo, gusto ko na siyang burahin sa mundong ibabaw, ngayon ay binibigyan ko ulit siya ng pagkakataon magkaroon ng parte sa buhay ko.

Pero mukhang magkaiba kami ng reaksyon na inaasahan. Imbis na matuwa, o magalit, mukha siyang nainsulto sa sinabi ko. May sinabi ba akong mali? Nakakainsulto?

He gulped multiple times before he placed his drink on the table in front of us, he licked his lips and massaged his jaw like he was also thinking about something. Maybe he is already considering things?

Gumunit ang ngisi sa labi ko.

"Why?" he suddenly asked, it stopped me with my thoughts. I mean, I already expected him to ask that, it's just his tone and the way he said it.

It sounds like what I've said was unnecessary. Ako lang ba ang may gustong maging magkaibigan kami ulit? Natigilan ako, parang umatras ang tapang ko.

I opened my mouth to construct a sentence, but my mind won't cooperate. So, we stayed silent for a few seconds before I finally spoke.

"I-I know I am not in the place to ask you this, especially kung ako ang sumira sa friendship natin... Hindi ko naman itatanggi 'yon, kasalanan ko talaga. At baliw na nga siguro ako para humingi ng pangalawang pagkakataon, pero Wyatt kung hindi ko kasi susubukan baka pagsisihan ko sa huli..." lakas loob kong paliwanag. Humigpit ang hawak ko sa bag sa aking kandungan, parang hinangin sa isip ko lahat ng preparasyon na ginawa ko para dito.

Wala sa script 'yong sinabi ko, pero at least sinabi ko kung ano talaga ang nararamdaman ko. I've been haunted by the past these past few weeks. Something I never felt when I was in abroad. Lalo na't dumagdag pa sa isip ko, na baka may nagawa ako kay Wyatt. Baka naapektuhan rin siya sa pag alis ko, gusto kong bumawi.

Walang-wala man iyong naramdaman niya nang mawala ako, kumpara sa sakit na pinaranas niya sa akin, nitong mga araw na lumipas napagtanto kong napatawad ko na siya, matagal na. O baka hindi naman talaga ako nagalit sa kanya, hindi ako nagalit o galit sa kanya. Baka ginagamit ko lang iyon na dahilan para mawala ang nararamdaman ko sa kanya at mapalitan ng puot. Pero ang totoo, I still care for him. I still care for him as his friend.

Kaya kung magaling na ako, at nakalimot na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Kung gusto niya, kung gusto niya lang naman na baka maisalba pa namin ang dati naming pagkakaibigan, bakit hindi? Diba?

Hindi naman na ako makakahanap ng tulad niya, at alam kong sa buhay ko ngayon, kailangan ko siya. Baka kailanganin niya rin ako.

Muli itong napalunok at umiwas ng tingin, ang mapungay nitong mata ang gumala sa paligid at pinanood ang mga taong naglalakad. Malalim ang tingin niya, ang naka kunot na ang noo. Kinagat ko ang ibabang labi habang nag aantay ng sagot niya, naglabas ito ng buntong hininga bago muli nagsalita.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon