TOTS 36

2.2K 58 14
                                    

Chapter 36

Tulala ako hanggang sa makalabas ng mansyon nila, ilang kasambahay ang lumapit at tinawag ako pero masyado ng magulo ang utak ko para intindihin pa ang mga sasabihin nila. Gusto ko na lang umalis dito, at tumakbo palayo kay Wyatt.

Ayoko muna siyang makita, ayoko muna siyang kausapin... kasi hindi ko alam ang sasabihin. Dapat ba matuwa ako? Pasalamatan ko siya? Dapat ba magdiwang ako, kasi 'yong nag iisang lalaking minahal ko buong buhay ko, sinabi na mahal niya rin ako.

Pero bakit ganito? Bakit hindi ako masaya? Bakit ang sakit?

Para akong unti-unting sinisira ulit. Parang bumalik bigla ang mga ala-ala na ayaw ko nang maalala ulit. Mga ala-alang halos tanggalan ako ng bait.

"Eanah! Where are you going? We're talking!" pumikit ako nang mariin at niyukom ang kamao nang marinig ko ang sigaw niya, lalakad na sana ako ulit ngunit huli na dahil nabawi niya na ang kamay ko. Lumakad ito sa harap ko kaya yumuko ako agad, para hindi niya makita na umiyak ako palabas ng bahay nila.

"Gusto ko nang umuwi." malamig kong sabi.

Ayoko nang bumalik ng office, pakiramdam ko wala na akong lakas para humarap pa sa tao ngayon. At magkikita lang kami ulit ni Wyatt doon, gusto ko siyang iwasan dahil baka hindi ko matantya ang sarili ko at may masabi akong hindi maganda sa kanya, at pagsisihan ko sa huli.

Ni hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o ano, ayokong magkaproblema ulit ang pagkakaibigan namin, pero hindi ko kayang ganito. Hindi ko na alam, ang gulo-gulo na ng utak ko.

"Iuuwi na kita kung ganoon." bakas ang pagkadismaya sa boses niya, sino ba namang hindi? Umamin ka tapos tinakbuhan ka lang? Ni hindi ka sinagot sa lakas loob mong pagsasabi ng nararamdaman?

Naiintindihan ko ang reaksyon niya, pero hindi talaga ngayon. Hindi ko kaya Wyatt.

Imbis na makipagtalo pa ay tumango na lang ako. Ayoko nang pahabain ito at gusto ko na lang makauwi agad. Ihahatid niya lang naman ako, hindi ko rin siya kakausapin sa sasakyan.

Ganoon nga ang nangyari, hinatid niya na ako at diniretso sa bahay tulad ng hiling ko. Hindi na rin siya nag tangka pa na kausapin ako. Buong byahe ay naka baling lang ang atensyon ko sa labas, at ni isang beses ay hindi niya hinarap.

Kung kanina halos magwala lahat ng nasa loob ng katawan ko, na halos himatayin ako, ngayon ay tuluyan na akong kumalma. Pero hindi kalma na tulad ng karaniwan, para lang akong napagod. Pero lahat ng kaguluhan sa isip ko, sakit at bigat ay nandito pa rin. Pero dahil sanay na ako sa ganito, alam ko na ang gagawin.

Dumating na kami ng bahay, ihininto niya lang ang sasakyan sa labas. Hindi ko na siya inantay na magsalita pa at bumaba na ako. Para akong may tinatakbuhan pagpasok ko ng gate, ngunit hindi pa ako tuluyang nakaka abot sa harap ng pinto ng bahay, ay hinawakan niya na ako sa braso para pigilan.

Umigting ang panga ko, nagsimula muling mag akyatan ang dulo sa ulo ko. Bakit ba habol 'to ng habol?! Hindi ba halatang ayoko makipag usap ngayon?!

"Eanah... about what I said—"

"Let's pretend nothing happened," putol ko sa kanya at hinarap siya. Nalukot ang mukha nito sa sinabi ko.

"What?" naguguluhan niyang tanong, binawi ko ang braso sa kanya at huminga ng malalim.

Binasa ko ang labi. "Iisipin kong wala akong narinig Wyatt. K-Kung ano man ang sinasabi mong nararamdaman mo tungkol sa akin... baka infatuation lang 'yan. Baka nasasanay ka lang sa presensya ko. Mababaw lang 'yan, mawawala rin 'yan." walang ka emosyon-emosyon kong turan. Dumaan ang sakit ang mata niya at nanghina iyon agad, para siyang binaril nang hindi niya inaasahan.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon