TOTS 37

2.2K 62 4
                                    

Chapter 37

"O? Ayun na manliligaw mo!" hagikgik ni Gabi sa likod ng sasakyan. We had lunch at a restaurant she reserved for the three of us. Kaya pagkatapos namin kumain ay hinatid na rin nila ako pabalik sa kompanya.

Kaya lang, hindi pa kami nakakahinto at papalapit pa lang ay may naka busangot ng lalaki sa harap ng building. Nakahalukipkip ito, at hindi na maipinta ang mukha. Napaawang ang labi ko sa kanya, anong trip niya?

Ginagawa niya diyan?!

Mukha siyang ewan!

"Hindi ka ata nagpaalam sa boyfriend mo, badtrip na tuloy." pagbibiro pa ni Ford, inis ko siyang binalingan ng tingin.

"Hindi ko siya boyfriend!" tanggi ko. Napilit nila akong magkwento kanina, kaya nasabi ko ang lahat simula sa pag amin ni Wyatt hanggang sa magdesisyon siyang ligawan ako. Hindi pa naman ako pumapayag, ewan mo ba diyan nagdesisyon mag isa!

Humalakhak si Ford at Gabi. "Ipaalala mo sa kanya, nakalimutan niya ata at grabe makabakod sayo o. Inabangan ka pa pabalik!"

"Tumigil na nga kayo, bababa na ako!" sabi ko nang makahinto na kami, itinapat pa talaga ni Ford ang sasakyan sa nakatayong si Wyatt!

"Bye Inah! I had a great lunch!" sigaw ni Ford nang makababa ako, sapat para marinig ni Wyatt. Natigilan ako dahil hindi naman siya ganyan dati, kinindatan niya pa ako kaya sinarahan ko na siya ng pinto.

Inantay ko muna silang makaalis bago ako pumasok sa loob, ngunit hindi pa nga ako nakakaikot ay may biglang bumulong sa tenga ko galing sa likod. Halos mapatalon ako nang tumama ang mainit na hininga nito sa balat ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko!

"So you had a date with Ford?" kumpronta niya sa akin, mabilis akong napa layo at gulat siyang nilingon.

"Wyatt! Ano ba!" saway ko sa kanya. He just gave me a shot up brow and annoyed look.

"Answer me." he said in a command tone, my eyes rolled at him and just started walking. "Hey," tawag niya pa nang lampasan ko siya, sumunod ito sa likod.

"Eanah Devon," hindi talaga siya titigil, hindi ko na siya pinansin.

Kung maka tanong akala ko boyfriend ko, kumain lang naman kami ng lunch at kasama namin si Gabi. Hindi niya ata alam iyon, kaya nagsusungit nanaman. Seloso amp.

"Inah," I irritatedly stopped with my steps, but before I could even say a thing he already grabbed my arm to make me face him.  His hands went to my face and my annoyed expression turned into a startled one.

"A-Anong ginagawa mo?!" I nervously asked, when his thumb wiped the sides of my lips. His touch sent shivers into my system. My eyes widened a little, but his eyes were dark and upset.

"Your lipstick is a mess." he coldly muttered, when he finished wiping my face he already let me go. Bumuntong hininga ito at nauna nang naglakad para pindutin ang elevator button. Naiwan akong tulala doon.

Tahimik na siya nang pabalik na kami sa opisina. Ni hindi niya na ako tinawag ulit, para siyang batang hindi napagbigyan at nagmamaktol. Naka sandal lang ito sa gilid, at naka pamulsa. Wala akong ibang narinig kundi ang malalamin niyang buntong hininga. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon para marinig ko.

Pero bago pa ako makaisip ng sasabihin bumukas na ang pinto ng elevator. Nauna na akong lumabas, bahala siya diyan kung magdadrama pa siya. Dumiretso na ako sa opisina ko at pinabayaan na siya sa labas.

Daming nalalaman ng isang 'yon, bahala siya kung magtampo siya buong araw. Akala niya naman susuyuin ko siya.

I continued with my work after my lunch, it was peaceful and productive. Paano mag isa ko. Akala ko, pupunta siya rito sa opisina ko para magtrabaho kami. Pero alas tres na, hindi pa siya bumabalik. Mukhang wala ng balak. Kaya nag trabaho na ako mag isa, hindi katulad niya, hindi ko hahayaan maapektuhan ang trabaho sa nararamdaman ko.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon