O I F T P 48

609 31 15
                                    

Annyeong ian-angel-jade ^^


"Patay na siya." Mahinang sabi ng daddy niya na sumulpot bigla.

"WHAT?!" di makapaniwalang sabi ko at tumulo na naman ang luha ko.

"Patay na patay sa'yo."

Nakakagago talaga pero napailing nalang ako dahil pinagtawanan na nila ako!

"Pero asan po siya ngayon?" tanong ko at pinunanasan ko na ang luha ko.

"Haha, tatawagin ko muna, haha!" tatawang-tawa pa si Tito Joshua. Tsk, na jongdae yata ako!

"Umupo ka muna." Nag gesture naman si tita at pinaupo na niya ako sa couch nila.

"So Stephanie, pagpasensyahan mo na si Josiah."

Napatingin naman ako kay tita, anong dapat ipagpasensya?

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Since, may nagawa si Josiah noon, about Sienna."

I sighed, that bitch!

"Kaya nga po ako pumunta dito para patawarin siya, para maayos na ang lahat."

Hinawakan ni tita ang kamay kong nasa lap ko, she leaned closer to me.

"Pero, it must be only friends Steph." Mahinang sabi nito.

"Po?"

"He's going to marry someone else."

Natigilan naman ako, marry with someone? Napabitaw naman ako sa hawak niya.

"Alam mo naman siguro na nahihirapan si Josiah noon dahil sa pagka aksidente mo, I think he needs to take a break."

Bakit ganun? Hindi ako makapagsalita, b-bakit biglaang ganito?

"Tita, Josiah and—"

"Stephanie, I'm his mom, I know how he felt about you, pero naaawa ako sa anak ko, ayokong mapagod siya kakasunod sa'yo."

"Kaya nga po tita e, nandito ako, para—"

"No offense pero, he keeps on chasing you, he's being a masochist. I know you never loved my son, kaya nga he's bound to marry with someone else."

Nangingilid na ang mga luha ko, bakit parang nag iba na?

"Stephy, don't cry dear, it's not your fault it was my son's, okay?" she opens her arms and embraced me. Bumitaw siya kaagad at pinunasan niya ang luha kong nakaabot na pala sa pisngi ko.

"Baby don't cry, (tonight~~~)

 I know there will be someone that will come to you, soon." I bit my lower lip and gave a big sigh.

"With a sports car, holding a bouquet of red roses, will give you a ring, and there's this Josiah watching the two of you, he smiled while embracing his wife---"

"Okay po." oo na, nasaktan na ako sa sinabi niya, sino bang hindi masasaktan 'nun!? She even imagine my future! The f!?

Ngumiti ako ng pilit at hinarap na si tita.

"Nandito nga ako para maging friends ulit kami." Sabi ko at ngumiti naman siya. Para bang, satisfied siya sa sagot ko.

"I...I have to go." Pagpapaalam ko saka ako tumayo.

"Papunta na si Josiah dito."

"No need. Uhmm, I will just text him nalang."

Lumabas na nga ako at nagdiretsong sumakay sa sasakyan namin.

Humagulhol na naman ako sa pag-iyak nang pinaandar na ni Tao ang kotse.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Tao when he saw my reflection at the rear view mirror.

"Sa tingin mo ba, mukha akong okay!?" sigaw ko kaya napanguso siya.

"Sabi ko nga."

"Mag drive ka na nga lang!" sigaw ko ulit at kinuha ko ang tissue sa may dash board.

Pumikit ako nang mariin, fvck this life! Pumunta na nga ako 'dun para magkaayos kami, para maging akin na ulit siya, pero ano ang napala ko!? Ikakasal na pala siya! May pa call me baby pa siya pero pinaasa niya lang pala ako! Ang tanga ko talaga! 

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon