CHAPTER 49

3.2K 60 1
                                    

Chapter 49: Surprise

TULALA si Lazel habang tinitingnan niya ang ultrasound picture ng quadruplets namin pero twins lang naman ang alam niya. Hindi naman siguro niya mahahalata na parang may dalawa pang maliliit, eh ’no?

Ilang weeks pa ang pinagbubuntis ko kaya hindi pa malalaman agad ang gender nila. Kinakabahan na na-e-excite ako and nakararamdam din ako ng takot at the same time. Paano kasi hindi lang dalawa ang nasa tummy ko, apat... Apat sila.

I wonder kung ano ang magiging looks ko if paunti-unti nang lumalaki ang tiyan ko. Imagine, apat ang anak namin.

“I wonder...” Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. “Bakit parang may dalawa pa rito?” nagtatakang tanong niya at nagkatinginan tuloy kami ni doctora. Ang bilis niyang makapansin, eh.

“Dalawa lang iyan. Huwag mo na ngang pansinin pa iyan,” mahinang suway ko sa kanya.

Naninibago pa rin ako dahil ngayon nga na buntis na ulit ako ay kasama ko na siya. Humingi ulit siya sa akin ng second chance. Kahit na hindi pa maayos ang relationship namin ay wala na yatang dahilan pa para hindi ko siya pagbigyan dahil sa magiging anak namin. Mahihirapan yata ako lalo na apat sila kung hindi ko siya kasama.

Panay ang pagpunas niya sa kanyang pisngi dahil tumutulo nga ang mga luha niya. Tears of joy raw iyon pero nakikita ko ang paghawak niya sa dibdib niya.

Bago kami umalis sa clinic ng OBY doctor ko ay nagbigay pa siya ng notes and vitamins. Pasimple pa akong pinaalalahanan ni doc at kailangan daw ingatan ko ang sarili ko. Na palagi ring may magbabantay sa akin.

Kaya siguro tinanggap ko pa rin siya kahit na takot pa akong magtiwala ulit sa kanya pero sa tingin ko naman ay hindi na siya mang-iiwan pa ulit dahil alam na niyang anak niya si Calystharia at ngayon nga ay may magiging anak na kami.

Tinanong pa namin kanina ang doctor, kahit nakahihiya ay inilabas ko pa rin iyon. Kung bakit sa isang gabi lang ay may nabuo ulit kami. Kaya ang ending ay ako pa rin ang nahiya, wala naman iyon sa doctora dahil open-minded naman siya.

Tinanong din kasi kami kung nakailang rounds ba kami sa isang gabi lang. Ang walang hiyang Lazel na ito ay nabilang niya at kaya rin daw ganoon kabilis na nakabuo kami ay pareho nga kaming active at that time, lalo na raw ako. Haist.

Nang umalis na kami ni Lazel. Ang isang braso niya ay nasa likuran ko na tila inaalalayan niya ako at ang isa pa ay nakahawak sa braso ko. Sa tuwing may mga tao kaming nakasasalubong at dadaan iyon sa tabi ko ay siya mismo ang kusang lilipat para lang huwag akong masagi.

Napaka-overprotective niya talaga kaya madalas ay napapatingin sa kanya ang mga pasyente.

“May gusto ka bang kainin, Calysta?” tanong niya sa akin sa mababang tono.

“Wala. Hindi pa ako nagugutom,” sagot ko. Paglabas namin ay napatingin ako sa maulap na kalangitan. Dumidilim ito at nagbabadya ang malakas na ulan. “Mabuti pa ay sunduin na muna natin si Calystharia. Baka masu-suspend ang class nila, uulan yata nang malakas, eh,” sabi ko. Nang nasa kotse na nga kami ay umaambon na siya. Napansin ko naman ang pagda-drive ni Lazel. Super bagal nito. Alam kong nag-iingat lang siya. “Bilisan mo naman baka abutan na tayo ng ulan sa daan, eh. Walang payong si Calystharia.”

“Mayroon siyang payong at raincoat.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. “Alam ko na uulan ngayong araw kaya inilagay ko na sa backpack niya,” sabi niya.

Napairap na lamang ako. Hindi ko naman inaasahan na maiisip pa niya iyon. Talagang ginagawa niya ang role niya sa buhay ng anak niya. Naisip niya iyon samantalang ako ay hindi. Dahil siguro masama kanina ang pakiramdam ko kaya hindi ko na napansin pa ang panahon.

Echoes Of Yesterday's Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now