Epilogue

3.9K 79 52
                                    

Finale

"Wyatt, kilala mo si Inah?"

"Hindi."

Luke frowned at my answer. I was finished with my home works at nililigpit na lang ang mga gamit.

Lalo nitong hinarap ang sarili sa akin, determinado sa tanong. "Si Inah? Kaklase mo 'yon, pareho kayo ng section!" he blurted out, I was not paying attention so I didn't even glance at him.

When I heard the name a second time, my brow slightly raised. Inah?

"Nakita ko siya sa anniversary ng ospital nila, dinala kasi ako ni daddy kasi doon siya nagtatrabaho ngayon. Unang beses ko siyang nakitang nag ayos! Ang ganda pala nun!"

Patuloy niya kahit hindi naman ako nakikinig. Hindi kami madalas magkausap, kapag may laro lang dahil kasama ko siya sa football. Kaya hindi ko alam bakit bigla niya akong tinatanong ngayon. Nailagay ko na lahat ng gamit ko sa bag, ngunit kusang huminto ang kamay ko sa pagsara ng zipper.

"Inieno Medical?" I asked out of curiosity. Now that he mentioned the hospital, it ring a bell in me.

Lumiwanag ang mukha niya sa bigla ko na pagsagot. "Oo! Naaalala mo na?" biglang sumaya ang tono niya.

Ah, si Eanah.

Right, she's my classmate. For four years.

But I never talked to her, not even once. I don't even know how that's possible, but really we never exchange any conversation with each other.

I continued to close the zipper of my bag, before I fixed my uniform and got up. "Oo," tipid kong sagot.

"Ireto mo naman ako! Mukha lang tahimik pero ang ganda pala! Crush ko na siya!" he exclaimed again, I almost rolled my eyes.

Parang uhaw sa maganda. Hindi naman nag aaral mabuti.

"Hindi kami close, ask the de Ganos, or her best friend." tanggi ko at isinuot na ang bag, bago naglakad palayo at iniwan ito sa cafeteria.

Sa lahat ng sinabi ni Luke, sa isang bagay lang ako sumang ayon. Tahimik. Tahimik nga 'yon, ni hindi ko siya naririnig na magsalita sa klase o mag recite man lang. Parang nagiging multo o nag cocomoflouge pag recitation.

Hindi ko nga lang alam kung maingay ba siya pag walang klase, o kasama ang mga kaibigan. Hindi naman siya mukhang mataray, halata lang talaga na wala siyang pakialam sa paligid o sa mundo. And I think she purposely kept herself from the noisy world.

Not like me, noise was part of my everyday life. I knew everyone, and everyone knew me. I was always the life of the party, wherever I go I have friends to be with. I was friends and kind to everyone

"Wyatt, help me check your classmate's answers." utos sa akin ni Sir Heras. Pinakolekta niya ang mga notebook ng kaklase ko sa akin kanina, at ngayon naman ay iisa-isahin namin ang mga sagot nila.

Nauna niya ng tinignan ang sagot ko. It was perfect, so he made me check my other classmate's answer.

I randomly picked a notebook, it was plain green and thick. Halatang bago at hindi masyadong nagagamit. Binuklat ko iyon, at natigilan ako nang mabasa ang pangalan sa unang pahina.

Eanah Devon.

Si Eanah nanaman, iyong tahimik pero hindi nakikinig sa klase.

I wonder if she even answers the questions properly. Hinanap ko na ang quiz na pinagawa sa amin kanina. It was one to ten, she answered everything though I was impressed. But what caught my attention was the scribble beside the numbers.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon