Chapter 44
"We are still developing. Patayo palang naman ang building, pero para makita mo ay maganda sana kung pupuntahan mo rin ng personal." saad ni daddy sa hapag kainan.
He asked us to eat lunch here at home. Medyo kinabahan pa ako, dahil hindi ako dito umuwi kagabi at akala ko malalagot kami pero mukhang hindi naman iyon ang kaso.
Sa condo ako natulog. I mean sa condo ko. Iyong ibinigay ni Wyatt sa akin. I was just too tired last night and I wanted to use it, so I took the chance and sleep there.
Ibinaba ko ang baso at humarap sa kanya. "I'll check Dad. Pupuntahan ko." sagot ko.
Lumiwanag ang mukha nito at ngumiti sa akin. "That's good! Akala ko mahihirapan pa akong papayagin ka, hindi ka pa ba babalik ng New York? Tapos na ang project mo sa J Prime hindi ba?"
I pursed my lips and glanced at Wyatt beside me, before turning to dad. "Hindi na po ako babalik. I resigned from Alore." balita ko.
Sabay na natigilan ni mommy at daddy, ginawaran nila ako ng gulat na reaksyon.
"Really?! Since when?" my mom sounds so excited about it.
"Last week. Wala pa akong sinabihan kasi, pinag isipan ko pang mabuti."
"That's the least thing I expect from you. You gave your all to that company, that's the reason you accepted the collaboration with J Prime right? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin anak?" singgit ni daddy.
Ngayon na tinanong nila ako ng harapan, para akong nagising sa kahihiyan. Paano ko aaminin na ayaw ko nang bumalik, kasi hindi na ako masaya doon? Na ayoko nang iwan si Wyatt?
We talked about this last night. He was not on my side. He knew how much I love my job, and my determination to build my profile and career. But with the circumstances I've encountered here, I changed my mind. I can still work here, I can still pursue my career without sacrificing my relationship with my family and Wyatt.
"My life is here dad, a-ayoko na po umalis." mabilis kong sagot at yumuko. Wyatt held my hand under the table.
Sandaling natahimik, kaya binaling ko ulit ang tingin kay daddy pero nahuli ko itong nakatitig kay Wyatt. At parang kahit hindi niya tanungin, ay alam niya na ang sagot.
"Sinagot na ako ng anak mo Tito." the guy beside me proudly said, out of the blue.
Gusto kong matawa kasi late na siya nag balita, pinapirma niya na nga ako ng marriage certificate. Pero ayaw kong sirain ang moment niya.
"Kaya naman pala ayaw nang umalis ng bunso ko, ikaw na naman ang dahilan." mailing-iling na sagot ni daddy.
Nalimog at mata ko na tumingin sa kanya, bahagyang tumaas ang kilay ni Wyatt dahil doon.
"Na naman?"
"Hindi mo alam? Kaya hindi sumama sa amin 'yan noong nagpapagamot ang ate niya. Ayaw kang iwan dito." panglalaglag ni daddy.
Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko! Hindi ko inamin kay Wyatt 'yon!
"Imbento ka daddy!" saway ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mata.
Nangingisi akong binalingan ni Wyatt. Nakikitawa lang si mommy, habang pinagtutulungan ako ng dalawa.
"I remembered you crying—-"
"Stop na! Daddy naman!" naiinis kong putol sa kanya, kapag ako tinadtad ni Wyatt ng asar mamaya ewan ko na lang!
Tumayo na ako at handa nang umalis. "Just send me the exact address and date. Para alam ko kung kailan ko sasadyain puntahan." pag iiba ko ng usapan kay daddy, I wanted to look serious here.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...