Chapter 29 : Its Okay

249 13 0
                                    

Okay ??? Salitang ang hirap intindihin pero ang daling sabihin , minsan hindi natin alam kung okay pa sya o hindi kasi nga hindi natin alam kung anu ba ang ibig sabihin ng salitang okay ..Nang dahil sa salitang okay nasasaktan tayu dahil sa akala natin na okay lang pero deep inside masakit , like for example tinanong ka ng "Okay ka lang " tapos ang isasagot mo "Okay lang " pero deep inside hindi naman talaga , kaya nga mahirap intindihin ang salitang okay kasi ang lawak ng definition ..

Alam ko magiging okay din ang lahat at babalik sa kung anung meron kami , alam ko kailangan ni Shara ng taong mag aalaga sa kanya kaya nga iniintindi ko si Wharton dahil kailangan sya , ayuko munang mag isip ng kung anu anu ang importante gumaling si Shara at maging okay na ang lahat , alam ko mahirap ngayun ang pinagdadaanan ni Shara sana gumaling na sya ..

Alam ko wala naman ako dapat ipag selos dahil unang una may tiwala ako kay Wharton at alam ko yung ginagawa nya .. Ginagawa nya yun dahil masakit na makitang ganun ang sitwasyun ni Shara , I know na hanggang kapatid lang ang tingin ni Wharton kay Shara kaya hindi ako pwedeng mag isip ng kung anu anu , because I trust him and I love him ..

Andito kami sa may sasakyan nag pasama ako sa kanya na pumunta sa mall , kasi nga kailangan kong bumili ng susuutin ko para bukas sa house party ni Tita Flor and beside hindi ko pa nasasabi sa kanya yung tungkol sa party kasi naman wrong timing ata eh alam nyu naman na mas kailangan sya ni Shara ngayun at alam ko ang dami nyang iniisip ngayun kaya nga nahihiya akong mag sabi sa kanya ..

"Wharton kumusta na ang lagay ni Shara ?? Is she okay ?? " sabi ko

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya kasi naman bigla bigla na lang syang tumitingin sa kin , alam nyu naman ako ..

"Yah okay na yung condition nya " Wharton

"Sana gumaling na sya " sabi ko

Tiningnan ko sya buti na lang talaga busing busy sya sa pag mamaneho kaya hindi sya tumitingin.. Ang gwapo nyang tingnan pag hindi sya tumitingin sa kin sana lagi syang ganyan , sana hindi sya magbagu sana hanggang sa huli kami pa din sana wala ng sisira ng relationship namin dahil hindi ko alam kung paano ang gagawin ko kapag nawala sya sa kin ..

Hindi ko nga pala nasasabi sa kanya yung tungkol sa party ni Tita .. Bahala na ...

"Wharton " sabi ko

"Yes ?? "

Hindi sya tumingin sa kin , deretsu lang yung tingin nya , ako naman nakatingin lang sa kanya

"Pwede mo ba ako samahan bukas ??? " sabi ko

Tumingin sya sa kin , kaya iniwas ko yung tingin ko sa kanya , anu ba yan kung makatingin talaga sya sa kin , alam mo yun lagi na lang akong naiilang sa tuwing tumitingin sya sa kin ..

"Bat san ka pupunta ??? "Tumingin ako sa kanya " biglaan naman ata ?? " Wharton

"Kasi ano.. Wharton , dapat nuon ko pa to sasabihin sayu eh " tumingin ako sa kanya " pinapapunta kasi ako ng mom ni Kenneth " sabi ko

Iniwas nya yung tingin nya sa kin habang ako naka tingin sa kanya kasi naman eh , umiba na naman yung expression nya  .

"Kenneth ?? Diba sya yung ex mo ?? " Wharton

Tumingin sya sa kin kaya iniwas ko yung tingin ko sa kanya ..

"Kaya nga ako nag papasama sayu diba ???" Tumingin ako sa kanya " pero kung ayaw mo okay lang " sabi ko

Hindi sya kumibo , hanggang ngayun ba nag seselos pa din sya ?? Hanggang ngayun ba wala pa rin syang tiwala sa kin ?? Gusto ko lang naman syang sumama para makita nya si Tita Flor para nadin malaman ko na iisa lang si Tita Flor at ang mom ni Wharton , ang tahimik sa loob hindi na ko nag salita kasi alam nyu naman si wharton pag alam mong hindi na kumikibo may mali na dun kaya nga tumahimik na lang ako ..

WTF (Wala Talagang Forever) - (Complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin