TOTS 45

2.3K 49 2
                                    

Chapter 45

"I'll take note of everything, Ma'am." the head architect answered.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tinapos namin ang meeting na nasimulan kagabi, dumaan pa ulit kami ni Wyatt sa site ngayong umaga.

Napagkasunduan namin na pagsamahin ang aming ideya, para mas maganda at mapadali ang project. I took a few shots of the building, in and out so I could review it.

"Salamat Architect, babalik po kami ulit." paalam ko, tumango na ito sa akin at kinawayan ako.

"Mag iingat po kayo!" balik nito. Nagkawayan at bumati ang iilang mga trabahador, na nakarating rin ng maaga sa site.

Dumaan lang talaga kami, para tapusin ang sadya ko rito. Babyahe na rin kami agad pabalik para hindi kami magabihan.

"Ingat Ma'am Inah!"

"Salamat po! Nice to meet you!" paalam ko rin ang iilang nadaanan ko palabas ng site.

Wyatt was already waiting for me patiently. The car was ready at ako na lang ang inaantay. Nang makalapit ako ay nginitian ko rin siya, nilahad nito ang kamay upang kunin ang akin. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng pantalon.

He's only wearing a plain white polo shirt, with a classic designer brand logo on the chest. Faded jeans and white shoes, but he already looks stunning and attractive in the morning.

"How's the meeting?" salubong nito habang hawak ang kamay ko.

"Maayos naman, ang mga clarifications madadaan naman sa online meeting. We are ready to go." sagot ko.

Humampas ang malamig na simoy ng hangin, dahil ala syete palang ng umaga. Dahilan upang hanginin ang buhok nitong medyo basa pa. The sunlight reflected in his eyes, making it looked so bright and shining. Mapungay ang mata nito na nakatitig sa akin.

"Okay. Are we good to go now, future Mrs. Tonjuarez?" he grinned. My heart skipped a beat with his choice of words.

It sent an electricity in my system, that my stomach and chest felt a tingling sensation. My lips automatically formed a smile, I suppress my lips by biting it.

"Ang aga ng banat mo Engineer. Good mood ka ata?" I tried to sound confident and unbothered.

He gave me a wider smirk. "How can I be in a bad mood, when you're calling my name even in your dreams?"

Nanlaki ang mata ko, nagtataka ko siyang tinignan. "H-Ha? Ano?" bahagyang tumaas ang boses ko.

He looked at me proudly and annoyingly. "Magkasama na tayo buong araw, hanggang pagtulog mo hinahanap mo ako? You're longing for me, that much?" his tone sent a foreign feeling in me.

My lips parted because of lost of words. Pero hindi pwede, hindi ako papatalo. "Imbento ka! At paano mo ako maririnig? E, buong gabi ka ata may katawagan?" mapanuya kong balik, tinaasan ko siya ng noo at pinagkrus ang braso sa dibdib.

His smirk turned into a sexy laugh, he looked at me amusingly. He tried to hold my hand again, and removed my arms on my chest.

"Katawagan? Care to explain?" he pulled me closer, and tilted his head towards me to look at my face.

I pouted and gave him a dagger look. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba kausap?" pilosopo kong sagot.

He doesn't even look triggered with my attitude. I think he is starting to get interested in our topic.

He brushed his lips to the side of my head. My eyes wandered around the spacious lot. "Ang mga kausap ko lang naman kagabi, tungkol sa inaasikaso ko. Marami sila. Kaya kanino sa kanila?" masuyong tanong nito sa mahinang boses. Ang mga braso ay nakapulupot sa akin.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon