CHAPTER 8

171 9 2
                                    

I need to get out of here!

Kailangan kong makatakas para mabalaan si daddy! I need to do something to save the only family I have right now! Pero... paano? Paano ko maililigtas si daddy kung nakakulong at halos hindi na makagalaw dito ngayon?

Dahil sa pagod at kawalan ng lakas ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Gustuhin ko mang kumilos sa kinahihigaan ko ay wala akong sapat na lakas ngayon. My whole body is aching. Ramdam ko rin ang sakit ng sugat na natamo ko noong binaril ako ni Eleanor! Damn her! Kapag talaga makatakas ako sa lugar na ito, titiyakin kong pagsisisihan niya ang mga ginawa niya sa akin at kay daddy!

I was silently praying for a miracle noong may narinig akong ilang ingay sa labas ng silid na kinaroroonan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at walang emosyong napatitig sa nakasarang pinto ng silid.

What's happening?

Mayamaya lang ay mabilis akong napapitlag noong makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko at pilit na naupo mula sa pagkakahiga. Oh my God! What's happening right now? Anong nangyayari ngayon sa labas ng silid na ito?

Agad akong napapikit ng mga mata noong mas lalong lumalakas ang ingay sa labas. Mukhang malapit na sa silid na ito ang mga taong nagpapalitan nang pagpapaputok ng kani-kanilang mga baril!

Is it them? Sila daddy ba ang nandito at kinakalaban ngayon ng mga tauhan ni Eleanor at Samiel?

Or... is it Stanley and Lorenzo?

Muli akong napapitlag noong biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Napamulat ako ng mga mata at takot na napatingin sa bagong dating.

It was a man. Napatitig ako sa kanya at noong kumilos ito at nagsimulang maglakad papalapit sa akin, mabilis na kumabog ang puso ko. "She's with me now," rinig kong saad nito noong nasa tabi na niya ako. "She... looks fine," dagdag pa niya habang nakatingin sa akin.

Wala sa sarili akong napatingin sa may tenga niya noong may suot itong earpiece! He's talking with someone! "Who are you?" tanong ko sa kanya.

I don't know him! Nakasuot din kasi ito ng itim na face mask kaya hindi ko makita nang maayos ang mukha nito. "Are you here to help me?" takot na tanong ko at noong tumango ito sa akin, mabilis akong napahugot ng isang malalim na hininga. "Sino ang kausap mo?" dagdag na tanong ko pa ngunit hindi na ito sumagot sa akin. Mabilis niya akong inalalayang tumayo at noong nagsimula na kaming kumilos palabas ng silid, panibagong sunod-sunod na pagputok ng baril ang namayani sa buong lugar.

"Damn it!" bulalas ng lalaki at mabilis na hinila ako patungo sa likuran niya. "We need to use the other route," sambit nito at isinara ang pinto sa unahan namin. "Jill, can you hear me?" Napabaling ako sa lalaki. May kausap na naman ito. "Cover us. Lalabas ako kasama si Miss Sarmiento. Once I open the door, make sure na kahit isa sa kanila ay hindi makakapagpaputok sa gawi namin." Tumango iyong lalaki at mabilis na binalingan ako. "Let's go, Miss Sarmiento."

"Makakalabas ba tayo ng buhay sa lugar na ito?" takot na tanong ko sa kanya.

"Of course. Just trust us. Huwag ka ring titigil mamaya. Even if it kills you, you need to keep moving. Huwag kang titigil hanggang sa maging ligtas ka na," anito at hinawakan ako sa may palapulsuan ko. "Ready?" He asked me and I simply nod at him. Tumango na rin ang lalaki sa akin at sa pagbukas nito ng pinto sa harapan namin, mabilis niya akong hinila at nagsimula na kaming tumakbo.

Gusto kong ipikit ang mga mata ko tuwing may naririnig akong putok ng baril ngunit hindi ko iyon puwedeng gawin! I need to stay focus and keep running. I need to trust these people who came and now trying to rescue and save me!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Beauty's TrapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon