Prologue

8 0 0
                                    

First day dito sa Crossyard Elementary School. Hindi pa nagsisimula ang klase nang sariwain ko ang huling araw ko sa Sunport.

Kinakabahan ako sa pagpapakilala. And 'kaba' is equals to 'kalimot'.

September 2014

"Guys di ko na alam, di ko sya kayang makitang may kasamang iba."

Here we go again with Kali, being dramatic about her crush being with someone.

"Pwede ba Kali. Wag mong gawing skills ang pagiging madrama mo. Sumasabay ka pa sa init ng panahon."

Naisingit ko ang skills kasi P.E ang last subject namin kanina, at about developing skills ang topic.

Kung tatanungin ako anong skills ang maipagmamalaki ko. Siguro iyong mabilis maka-adapt sa bagong places o environment.

Taon taon ang paglipat namin ng lugar ng pamilya ko, Anong rason? Always unexpected incident that's coming our way. 

Dito sa Sunport nakilala ko ang maituturing kong best circle of friends.

Kasama ko ang iilan sa kanila ngayon pauwi. Angkas ng bike na may sidecar ni Oyo.

"Thank you guys!" At hinipan ko sa hangin ang isang lumilipad na halik. Pasimpleng sinapo ni Oyo iyon sa kamao tapos ay binulsa. 

"Sus maliit na bagay. Gusto mo hatid ka pa namin hanggang loob?" giit pa ni Oyo 

Apat kaming magkakaibigan. 

Si Kali ang kabardagulan ko the most iyakin. 

Si Gia ang pinakamatanda at ang leader, sa kanya rin kami madalas mangopya. Plus super bait.

Si Ferdinand o Fae bilang layaw, ang gay friend namin na nagpapasaya sa grupo. 

Si Oyo ang protector namin, overprotective at parang may crush sya sakin, he treats me extra special rather than the other girls.

And there comes me, the most beautiful. And the normal, char lang I was the clumsy one.

Di ko akalain na magkakaroon ako ng ganitong circle of friends saSunport. Dahil sa taunang paglipat namin ng lugar nandon na ang dilemma na baka mahirapan ako makahanap ng friends . Kasi bagong environment bagong, usually may mga buong circle of friends na. Pero nakakatuwa na naging posible pa na magkaroon ako ng sila.

Di ko alam ng gagawin 'pag nawala ang friendship na 'to.

"'Wag na, ingat kayo! Bye bye!"

Kinawayan at nagpaalam sila sakin bago umalis, para ihatid naman si Kali sa katabing street namin and so on and so fort. Si Fae kasi na yayamanin nauna na, may sarili kasi syang service na tricycle at nakikisabay si Gia sa kanila dahil malapit lang ang bahay sa isa't isa.

Napansin ko ang kakaibang van sa labas ng eskinita. Di naman madalas magpark ang mga sasakyan dito samin kaya nakakapanibago. Pwera na lang sa pulang kotse ng sugar daddy ng kapitbahay namin.

Dali dali na akong pumasok sa looban. Nangamba rin ako kasi baka nangunguha ng bata 'yon.

And it's somewhat weird na sa tuwing makakakita ako ng van, it brings fear in my spine. Like chills that I can't explain.

"Ma, andito na ako!" Giit ko nung makapasok sa loob ng apartment.

Napansin ko agad ang mga maleta sa sala.

"Anong nangyayari? Bakit may pag empakeng nagaganap? May outing ba?" I'd like to gaslight myself about this, pero kinukutuban na ako sa kung anong nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day I Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon