BMDN Chapter 26

117K 3.1K 338
                                    

"Ano problema ng magandang si Kisza Alexandria L. Zamora?" Tanong ko saka lumapit sakanya. Tulog na sya kagabi ng pumunta ako sa kwarto nya.


"Mommy Nina, kailan ka po dumating?" Tanong nya saka humalik sa pisngi ko.


"Kagabi pa kaso tulog kana kaya hindi na kita ginising, so anong problema mo? Ang aga aga naka busangot ka?" Tanong ko saka kumuha ng suklas at sinuklayan ang magulo nyang buhok.


"Birthday na po ni Daddy bukas, wala pa po akong gift sakanya" aniya saka tumingin sakin.

"Yun lang ba?" Tanong ko saka pinisil ang ilong nya, natawa ako dahil dumikit iyon at hindi agad bumalik sa dati. "Be may kulangot ka ata" natatawang sabi ko


"Mommy naman eh" nahihiyang sabi nya, saka ako sinimangutan.

"Okay ganito nalang, bibili tayo ng gift sa mall para sa Daddy mo. Gusto mo ba yon?" Tanong ko sakanya, sunod sunod naman syang tumango kaya napangiti ako.

"Okay, tara na sa baba para makapag almusal" aya ko sakanya, agad naman syang humawak sa kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto nya.









Birthday ni Spencer bukas, ngayon ko lang nalaman wala pa pala akong alam sakanya. Kung hindi pa sinabi ni Kisza at hindi ko malalaman na birthday nya. Kaya paanong mahal ko sya ng ganoon kabilis?

Mahal? Mahal ko na nga ba sya?

Siguro, pero ayokong aminin sa kanya iyon.Mahalaga ang emosyon pero hindi pwedeng puro emosyon lang sa pag ibig, ang emosyon ay kailangang sangkapan ng rason. Kaya iyon ang gusto kong gawin ang hanapin ang rason kung bakit ko sya mahal, kung bakit kahit na hindi maganda ang naging simula namin ay nagawa ko syan mahalin. Na kahit puso lait at masasakit na salita ang natanggap ko sakanya nahulog parin ako.





"Morning Kisza"

Bigla bumilis ang tibok ng puso ko pag rinig ko sa boses nya, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Good morning Nina"

Bati nya, tinanguan ko lang sya at muling ibinalik kay Kisza ang atensyon. Nanginginig ang kamay ko habang sinasalinan ng tubig ag baso ni Kisza, naiilang kasi ako sa titig sakin ni Spencer. Naalala ko ang nangyari kagabi, halos hindi ako makatulog , ang gusto ko lang ay puntahan sya at halikan pero rumehistro ang sinabi nya sakin noong nakaraang gabi ng sinabi nya na gagawa sya ng paraan para mahulog ako sakanya, yung tipong hindi ako makakatulog hangga't hindi ko sya nakikita't nahahalikan.


"Nina relax" nagising ako mula sa malalim na pag iisip ng marinig ko ang mapanuya nyang tinig, napatingin pa sakin si Kisza pagkatapos ay sa Daddy nya. Tumingin ako sakanya at nakita ko syang nakangiti sakin, nakakapanibago dati rati seryoso sya kahit pag nasa hapag at kumakain pero ngayon ay ang laki ang ngiti nya habang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung gawain ba ng isang katulong na irapan ang amo pero iyon ang ginawa ko. Inirapan ko sya na ikinatuwa nya lalo.



Matapos kumain ni Kisza ay pumanhik na sya sa kwarto nya para maligo. Ako naman ay iniligpit ang pinag kainan nilang mag ama. Nang matapos ay umakyat na rin ako sa kwarto ko para maligo, at ng matapos akong maligo ay nag suot lang ako ng jeans at blouse na kulay pink saka ako lumabas para ayusin ang gamit ni Kisza.


Pag labas ko ay bumungad agad si Spencer na nanatiling suot ang suot nya kanina. Hindi ba sya papasok sa trabaho nya?


Ikinagulat ko ng hawakan nya ang kamay ko at hatakin papunta sa kwarto nya. Pag kasarado ng pinto ay agad nya akong isinandal sa likod ng pinto at hinapit ang bewang ko. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko saka tinitigan ang labi ko? Ang lakas ng tibok ng puso ko, para ng kagabi na halos gustong lumabas mula sa loob ko. Amoy ko at ramdam ko ang mainit at mabango nyang hininga, isa pang nag papabaliw sa mga paru paru ko sa tyan ay ang mainit nyang kamay na nasa bewang ko.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon