Chapter 4
What the fuck did I just say? Ako ba iyon? Bakit parang sinaniban ako? Para namang hindi ako yun eh. Inamerls kase pakitape nga bibig ko. Kaya minsan nagagago sina Chrizz sa akin eh. Walang preno yung bibig ko at ngayon ko lang pinagsisihan yun. Tangina lang kase. Bakit ko ba sinabi yun? Kakahiya putangina.
"Don't mind those." Pambabawi ko kaya napatawa siya.
"Oh, I do mind them. As I told you, your compliments are also heaven itself." He winked as I sighed. Bitch na ito.
"Shut up." I said as he just laughed.
"I just wanna be one of your girls tonight." There it is again. Nakakahumaling na parang gusto mo nalang itigil lahat ng ginagawa mo para lang madinig ng maayos yung boses niya.
After a while I noticed na halos puro The Weeknd, Chase Atlantic at Arctic Monkeys yung nagpla play. Alam ko kase halos ganyan na ganyan yung playlist ni Chrizzna minsan. Diko alam kung ako lang ba pero para sa akin pag ganoon yung playlist mo red flag ka. Kase naman ang red flag pakinggan, I mean it's like a rich kid's playlist at the same time pang red flag din parang ganoon.
"Out of the three, The Weeknd, Chase Atlantic and Arctic Monkeys, which is the best for you?" Tanong ko sakanya at ngumuso naman siya.
"The Weeknd maybe." Sagot naman niya.
Tinanong ko din yan kay Chrizzna noon at ang sagot niya, Chase Atlantic. Idol, ano? Pero mas mahilig pa din siya kay Taylor Swift. Well, me? I don't know much about those because I'm not into music that much, ni hindi nga ako magaling kumanta eh. I prefer dancing over singing kase hindi nga maganda boses ko.
"You don't sing, do you?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya at umiling naman ako. Hindi naman talaga.
"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko kaya napakibit balikat siya.
"Just a hunch." Sagot naman niya at napakunot ang noo ko. Lakas naman ng instinct ng taong ito. Sana all nalang.
Tinuloy ko na ang pagdra drawing at as usual, he was just observing me while singing those of the songs na plina play niya sa Spotify ko.
"Nasaan ba kase phone mo?" Inis na tanong ko nung binuksan ko yung akin at 34% nalang. Inamerls niya.
"Nasa bag ko nga po. Eh iniwan ko sa kasama ko." Sabi naman niya kaya napairap ako.
"Inaneto. May power bank ka?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Mayroon po. Nasa bag ko." Sabi naman niya kaya napapikit ako ng mariin.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon napagtimpian ko pa itong kasama! Like literal parang sasabog ulo ko sakanya.
"Kunin mo pati na rin phone mo kunin mo na. Linowbat mo phone ko." Kako kaya naman napanguso siya.
"Your phone was already 45% po kanina. Nandito na tayo for almost 2 hours so your phone has been playing for an hour." Sabi naman niya kaya napairap ako. Edi siya na magaling.
"Basta kunin mo na kase, Liam." I whined as he laughed and nodded.
"I'll be back po." Sabi niya tsaka sinuot yung ID niya sa akin.
"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"Para alam mo po na babalik ako dito sayo." He shrugged and left.
"Uy, Aydien." I looked up and it was Seth. He sat on the chair in front of me.
"Oh, naparito ka?" Tanong ko kaya napakibit balikat naman siya.
"Nakita lang kita. Tsaka ibabalik ko sana notes mo." Sabi niya at linapag yung binder ko sa table.
"Malapit na mag midterms." He sighed and lied his head on the table kaya napatawa ako.
"Kaya nga. Sisimulan ko na siguro mag review next week." Kako at nhapanguso naman siya.
"Tinatamad ako magreview pero ayoko din mabagsak. Hirap naman ng buhay." Problemadong sabi niya kaya tinawanan ko siya. Makapagsalita siya parang pasan pasan niya lahat ng problema sa mundo.
"Bagong buhay ka ba?" Nagtatakang tanong ko kaya napakunot ang noo niya.
"Bakit?" Tanong naman niya kaya napatawa ako.
"Gags, para kaseng hindi ikaw yan. Ayaw mo mabagsak? Nung high school nga tayo linyahan mo noon "yaan mo na yan mase seventy-five nalang tayo"." Natatawang sabi ko kaya napatawa din siya.
SSC kami noon. Special Science Class kaya naman ang passing average dapat ay eighty-five. Kapag may line of seven ka sa card mo automatic matatanggal ka na sa SSC. Pero kahit na ganoon yung mga linyahan netong gagong ito, he never failed. Palagi nga siyang nasa overall honor roll eh. Magaling siya sa Math pero more on mental solving and stuff. Mahina siya sa word problems na gaya ko. We're more on solving the basic stuff, doon kami magaling.
What I noticed is si Hale magaling sa pareho. Nakakasana all nalang. At ayan na nga, bakit na naman ba napunta kay Hale yung isipan natin ateng? Umalis na nga tapos iniisip mo pa? Hindi dapat ganyan ang behavior natin ateng Aydi. That's bad parang iba na yan.
"Huy." Seth nudged me saka naman ako natauhan. Kinginang Hale kase yan.
"Huh?" Tanong ko naman kaya tinawanan ako nung gagong Seth.
"Ano ba iniisip mo? Lutang na lutang amputa." Umiiling siya habang natatawa. Inangyan naman kase.
"Ano ba yung sinasabi mo?" Tanong ko ulit at ngumisi naman siya.
"Tinatanong ko kung sino yung kasama mo kanina." Sabi naman niya kaya napatango naman ako.
"Hale Zevilye. Second year same course." Kako naman at napatango siya.
"Jowa mo?" Tanong niya at kumunot naman agad ang noo ko sa gagong tanong niya. What the actual fuck?
"Tangina mo, mangilabot ka nga sa mga sinasabi mo." Inis na sabi at napatawa naman siya sa reaksyon ko.
Alam ko na pinagtri tripan na naman ako ng gagong ito. Alam ko na alam niya na wala kaming relasyon, gusto lang niya akong pagtripan ganoon. Oo sis, ganoon siya kagago na gusto mo nalang siya sapakin minsan.
"Umiiral na naman sapak mo sa ulo." Naiiling na sabi ko kaya tumawa siya.
"Here po." A hand placed a power bank on my left.
"Una na ako." Pagpapaalam ni Seth saka naman ako tumango.
Hale sat beside me. "Was that a friend of yours?" Tanong niya.
"Oo." I answered.
"May dala ka bang connector?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya.
He was wearing his bag on just on his left shoulder. Infairness ang pogi talaga niya, halatang may genes.
"What?" He asked looking at me with confusion in his eyes. Napatagal ata pagtingin ko sakanya.
"Wala. Hihiram din ako ng connector." Kako at tumango siya at linabas yung connector niya.
"Anong type mo?" I asked referring to his connector.
"Ikaw po."
YOU ARE READING
Only Once in a Lifetime (TRF #4)
RomanceAydien Danielle Rodriguez, a math wizard as they say, bubbly and a social butterfly. Halos lahat ng tao kilala niya at gusto nga siya dahil sa attitude niya eh. Pero she's also a girl who believes she'll never find love because of her high standards...
