Chapter 39; Goodbye island

21 3 0
                                    

–KERA POV–

★  ★  ★

“Mag ingat po kayo sa biyahe hijo.” pagpapa-alala ng mag-asawa.

“Kayo din po, mag-ingat kayo dito.” nakangiti kung turan sa kanila.

“Sana makabalik kayo dito welcome na welcome kayo kahit anong oras.” nakangiting turan ni aling Marta.

“Kung may time po bibisita po kami ulit dito.” sagot naman ni Kyro sa mag-asawa.

Umakyat na kami sa yati habang inaalalayan naman ako ni Kyro. Na una na samin yung driver sa loob.

“Magingat kayo, byee!” paalam ng dalawa, nung naka-akyat na kami.

Kaya kumaway naman kami ni Kyro dito pabalik na may ngiti sa labi. Mamimiss ko itong island nato kahit isang gabi lang kami dito pero napamahal na agad ito sakin, hindi ito mahirap mahalin dahil sa napakagandang tanawin. Hindi ko man na explore nag buong isla na ito na enjoy naman ako kahit papano. Lalo na ang dalawang mag-asawa na yun na subrang bait at maasikaso.

Sinabi din ni Kyro na nagpatulong pala siya sa pag handa sa ganong, kagandang design sa mag-asawa kagabi. Kaya ganon na lang ka exited si aling Marta na ayusan ako. Oo tama kayo sa narinig si aling Marta talaga ang gumawa 'non lalo na sa pag prepare ng maisusuot ko kagabi subrang excited nga ito. Nalaman ko rin pala na matagal na silang dalawa ni mang Andoy nakatira sa penthouse na iyon ang mga anak naman nila may sari sarili nang pamilya.

Pumasok na si Kyro sa loob habang ako andito pa rin sa labas ng yati habang tinatanaw ang Isla papalayo.

Tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras, 8:30 na ng umaga. Ang kasamahan namin naghihintay na don sa resort.

Kumuha lang ako ng litrato saglit bago pumasok sa loob. Pagpasok ko na amoy ko kaagad ang mabangong niluluto ni Kyro.

“Gutom kana ba?” tanong nito habang nakatalikod sakin.

“Ah-eh kanina hindi, pero ngayon na naamoy ko yang niluluto mo bigla na lang ako nakaramdan ng gutom.” pagtapat ko pa.

Tutuo naman talaga, ang bango kasi ng niluluto nito. Pati ang mga alaga ko tiyan nagising na rin.

Humarap naman ito sa gawi ko, habang may ngiting sumilay sa mga labi. Na paka hot niyang tingnan sa  suot nitong manipis na T-shirt na white at black na short. Habang may kaunting pawis ito sa nuo na namumuo. 

“Sure?”

“Oo, nga ang bango kaya niyqn.” papsusungit ko dito, parang hindi pa kasi maniwala.

“Wait, malapit na ito maluto, manood ka muna ng TV.” ani niya bago ito  tumalikod sa gawi ko para ipagpatuloy ang pagluluto.

Umopo na lang ako sa sofa habang nanonood ng kdrama. Yung I love so beautiful na palabas. Lumipas Ang minuto na diko na malayan na tapos na pala si Kyro sa pagluluto at naka handa na ito sa lamesa.

“Lets eat.”

Kaya tumayo na ako papuntang lamesa. Kaya pala ang bango kasi adobong pusit pala ang putahing niluto nito bukod don meron ding piniritong bangos, Fried cheken breast meron ding fresh cucumber juice.

Sabay na kaming kumain ni Kyro, hanggang sa natapos kami tumulong na rin ako sa pag ligpit nnag pinagkainan namin. Gusto ko sana na ako na ang maghugas pero wala akong nagawa dahil na unahan na niya ako.

Kaya ito ako ngayon naka naka upo sa sofa habang nanunuod ng tv. Hanggang sa diko na malayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako dahil nararamdaman kong pilit akong ginising ng kung sino. Dahan dahan ko naman iminulat ang aking mga mata medyo blurd pa nong una pero kalaunan naging malinaw din ito at bumungad ang mukha ni Kyro.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED]Where stories live. Discover now