Kabanata 43

1.4M 41.3K 16.7K
                                    

Kabanata 43

Iniwan sa Ere

"NAKAKAINIS YUNG GRACE NA YUN!" Sigaw ni Belle nang nagkita kami para sa night out.

"Bakit?" Tanong ni Ava.

Hinihintay namin yung mga boys. Si Callix, dala yung sasakyan niya kung saan nakasakay si Edward at Josh. Dala rin ni Karl yung sasakyan niya at doon kami sasakay.

Si Grace ay kilala sa pagiging slut-ish din tulad ni Belle. Oo, hindi lang manyak si Belle... Talagang slut-ish din siya. Minsan ay kinikwento niya samin ni Ava kung paano siya pina-climax ni Josh (yes, si Josh na kaibigan din namin) at paano siya nabitin kay etcetera. Well, ayaw ni Ava makinig dahil may pagka santa ang isang yun pero wala siyang nagagawa dahil bungangera itong si Belle.

"Aniya muntik na daw siyang nakipag sex dun sa isang gwapong vocalist ng isang banda at grabe siya kung makapagyabang sa galing daw nung lalaki kahit di pa humantong sa kama!" Sabi niya. "Kelan ko ba kasi makukuha si Karl? Alam ko... na fefeel kong magaling siyang ano-"

"Shhh!" Sabi ni Ava nang nakitang dumating si Karl.

Ayaw kasi ni Belle na malaman ni Karl ang makamundong pagnanasa niya kaya agad niyang iniba ang usapan.

"Maganda ba ang soot ko?" Sabi ni Belle.

Umiling na lang kami ni Ava at pumunta na sa isang grill na may tumutugtog na banda. Madilim sa loob at maganda ang ambiance.

"Mag didinner daw muna tayo diba bago mag bar?" Tanong ni Karl sakin habang pinaglalaruan ang keys niya nang lumabas na kami sa sasakyan.

"Yep." Sagot ni Belle. "Mukhang maganda dito."

Sa labas pa lang, dinig na dinig ko ang papatapos na kanta ng bandang tumutugtog. Naglakad na kami papasok at agad naming nakita ang nakangising si Callix. Kinawayan niya kami at itinuro niya ang mga upuang nireserve niya para samin.

"Maiksi parin ang damit mo, Rosie." Pambungad ni Josh sakin.

"Hayaan mo na lang." Sabi ni Callix.

Tumawa si Josh at nagkatinginan sila ni Callix. Sa lahat ng nasa friend circle namin, si Josh ang hindi ko pinagkakatiwalaan. Not that may tiwala ako kahit kanino... Wala akong tiwala kay Josh, sunod kay Belle, sunod kay Callix... Alam ko. Nafifeel ko yun kahit di nila pinapahalata na may hangganan ang pag ha-hang out namin. Kung sakaling may magtatraydor alam kong nasa kanila lang. At ang maituturing ko lang talagang kaibigan ay si Karl at si Ava.

"WOOOOH!" Sigaw ni Callix nang tumugtog ulit yung gitara.

Na conscious tuloy ako sa soot ko kaya panay ang tingin ko sa maiksing skirt. Tumili si Belle at Ava nang kumanta na ulit yung vocalist.

"Oh my god!" Sabi ni Belle. "Ba't nandyan si Grace?"

Umiling ako. Ayan na naman yung ka competition ni Belle. Siguro ito yung bandang may vocalist na nakaforeplay or whatever nung si Grace... Natigilan ako at natulala nung narinig ko ang boses ng kumakanta.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon