Chapter 3

974 48 1
                                    

Muntik na'kong mapatakbo dahil sa gulat nang mag ring ang phone ko




'Unknown number'



Hindi ko na sana sasagutin ngunit naisip ko na baka si finley kaya sinagot ko na.



[Hello?]




[Hey, are you okay?] Isang nag-aalalang boses ang narinig ko mula sa kabilang linya, tama siya nga ito.




Tumingin muna ako sa may pinto iyong kanina nag doorbell wala.




[Okay lang, kanina may nag doorbell per....]




[Don't open the door, babalik na ako diyan]




Magsasalita pa sana ako pero naibaba na niya ang tawag. Umupo ako sa sofa at niyakap ang tuhod ko naka uniform pa rin ako,





Mayamaya pa ay narinig ko ang pagtunog ulit ng doorbell, kaagad din akong tumayo nang marinig ko ang boses ni finley sa labas.





Pagbukas ko nang pinto sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha niya.





"Sa condo kana matulog" pagkasabi niya 'yon hinawakan niya ang palapulsuhan ko, wala na akong magawa ng hilahin niya ako.





"Habang hindi pa natin alam kung sino ang tao na 'yon dito kana muna."






Kumunot ang noo ko sa narinig ko galing kay finley ang salitang iyon, hindi naman kami gaanong kaclose para tulungan niya ako? Magkapitbahay lang naman kami, baka mabait lang siya? At baka naawa lang siya sa'kin.






"Kung ayaw mo puwede ka naman umalis" mabilis na sabi niya.





"Wala naman akong sinabing ayaw ko ang totoo nga niyang nagpapasalamat pa ako" peke akong ngumiti sa kanya.





Hindi na siya sumagot tumayo na siya at pumunta sa kitchen, mukhang magluluto siya. Binuksan ko ang tv at nanood na lang palipat-lipat ako ng channel na pinapanood wala naman magandang palabas kaya pinatay ko na iyong tv saka ako tumayo at naglibot libot sa condo niya, gusto ko sana tignan kung may mga picture frame siya pero kahit isa wala akong kanita.






"Wala kaman lang ni isang picture?" Tanong ko



"May nakita kaba?" Pabalik na tanong niya kaya inirapan ko siya



Nang mapagod ako kakatingin sa pader umupo na ulit ako sa sofa



"Ikaw lang ba mag isa dito?" Tanong ko ulit wala lang gusto ko lang ng kausap




"Hindi kasama kita diba" sagot niya nang hindi nakatingin sa'kin.




Gusto ko tuloy kunin iyong kutsilyong hawak niya at isaksak sa kanya.




"May mga kaibigan kaba? Kasi sa school palagi kong nakikita na mag-isa ka lang" sabi ko kahit busy siya sa kanyang ginagawa.





"Meron" maikling sagot niya "But"




"But?" Tatayo na sana ako para maki chismis sa kanya pero nagsalita ulit siya





"Marites ka din no" tinignan niya ako nang nakataas ang isa niyang kilay "Let's eat




Sinamaan ko na lang siya nagtingin hindi nako sumagot





Habang kumakain kami panay ang kwento ko pero tong kasama ko oo hindi lang ang sagot niya





"So tell me about your life" sabi ko dapat alam ko rin ang tungkol sa buhay niya dahil kasama ko siya ngayon




Katulad nang inaasahan hindi siya sumagot ni hindi nga niya ako tinignan





Kaya kumain na lang ako. Nang matapos siya kumain kala ko tatayo na siya pero nakatingin lang siya sa'kin mukhang hinihintay akong matapos.





Pagkatapos kong kumain tumayo na siya at iniligpit ang mga pinagkainan namin




"Ako na maghuhugas ikaw 'yong nagluto e" 



"Ako na condo ko to" she said




Ngumuso lang ako sa kanya at umupo na ulit sa sofa, pagkatapos niyang maghugas ng plato pumunta siya sa kwarto niya pagbalik niya may dala-dala na siyang damit para sa'kin.






Ako na din ang natulog sa kwarto niya at siya sa sofa isa lang naman ang kwarto ng condo, sinabi ko naman na okay lang kung sa sofa na ako ayaw naman niya.





Kinaumagahan pag gising ko naghilamos muna ako bago lumabas, paglabas ko kumunot ang noo ko nang makitang wala na doon si finley may maliit na notes nakalagay sa may table kaya lumapit ako para tignan iyon.





"I'm going to somewhere"




Iyo lang ang nakalagay sa notes tumingin ako sa kusina may nakahanda na din breakfast doon.





Lumipas ang maghapon hindi ko nakita si finley kahit sa school hindi ko din siya mahagilap. Saan kaya siya pumunta?





Teka ano naman ang pakialam ko? Hello kahit hindi pa siya magpakita sa'kin no I don't care.





Pagkatapos ng classes ko umuwi na'ko, pero imbes na pumunta ako sa condo ko doon ako pumasok sa condo unit ni finley alam ko naman password nito dahil nakita ko siya nong binuksan niya to.





Maliligo na sana ako pero napagtanto kong wala akong mga gamit kaya lumabas ako at pumunta sa condo ko para kumuha ng mga kailangan ko. Feeling ko talaga lilipat nako sa dami ba naman dala kong gamit.





Pagkatapos kong maligo at nag bihis lumabas ako at umupo sa sofa hindi naman ako naguguton dahil kumain ako kanina bago ako umuwi.






Habang nakaupo ako panay ang tingin ko sa may pintuan, anong oras na kasi tapos hindi ba siya bumabalik. Hindi tuloy ako mapakali dito.





Mayamaya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto nang makito si finley dali dali akong tumayo saka pumunta sa may pintuan.





"Did you eat?" Sabi niya agad nang makapasok





Napairap ako dahil sa sinabi niya 'yon talaga ang unang sinabi niya? Kahit siguro makita niyang dugugan na ako dito iyon pa din ang unang sasabihin niya.




"Saan ka galing?" Tanong ko




"Thailand lang" walang buhay na sagot niya na parang nagpunta lang siya sa tindahan tapos umuwi agad





"Thailand lang?" Ulit ko pinagsingkitan ko siya ng mata. "Ano naman ginawa mo sa Thailand bakit ka pumunta don?




"Nag kape lang" sabi niya at naglakad na papasok sa loob.



MD

SHE SUCKS AT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon