FINALE

61.2K 1.5K 260
                                    

FINALE

3 years later.....

TAO

''At doon nag tatapos ang kwento..'' napakunot yung noo ni Jason.

''Yun lang po ba yung kuya Tao? Ano pong nangyare dun sa eskepik na babaeng mataray??'' sabay kamot nito sa ulo. Panigurado pag narinig ni Twaylem yung tinuro ko sa mga batang 'to mag aalburuto yun sa galit.

''Oo nga po kuya, anong nangyare sa gurang na si Twaylem?? Namatay hu ba siya??'' ngumiti ako at ginulo yung buhok ni Ysa.

Kung itinatanong niyo kung sino sila, isa silang mga ulilang bata. Ipinatayo ito ng daddy ni Twaylem bilang hiling niya.  Siyempre pag wala akong pasok pumupunta ako dito para samahan at mag dala ng chocolates at gummy bears.

''Hindi ko pa alam.. Pero ang masasabi ko lang sa inyo mga bata, mahirap patayin ang mga masasamang damo.'' sabay ngiti ng mga 'to sa akin.

*peeeeeet*peeeeeeeeeet*

''Kuya Tao, huwag ka munang aalis.. Nandyan na yung mga takakak boys.. Mag kwe-kwento ka pa...'' napalingon kami dun sa sasakyan na pumarada sa tapat ng AFF(Aesha Flinn Foundation).

''YOSHIDAAAAAAAAAAAAA!! Tara na!!'' after 3 years nakompleto rin ang barkada. Simula kase nung grumaduate kami ng high school nagsimula na rin silang mag aral mabuti. At kung hindi niyo naitatanong puro mga President Listers kaming lahat. Oo nga pala, dalawang beses akong grumaduate ng High School isa sa Aesha Flinn Academy at siyempre sa pinaka mamahal kong eskwelahan ang LABYRINTH ACADEMY.

''Dalian mo na Tao! Mahuhuli na tayo!'' sabi ni Kyd habang tinuturo niya yung relo niya.

''Sige mga bata, babalikan kayo ni kuya Tao sa susunod na araw. Sa susunod na pag balik ko may balita ako sa sa Gurang na Eskepik.'' pagkatapos nun inabutan ko sila ng coloring books at mga pagkain.

''Mag iingat ka kuya Tao!!'' sabay nilang sabi sa akin..

''KUYA TAO! SA SUSUNOD, DAMIHAN NIYO PO YUNG GUMMY BEARS!''

''sige, si kuya Tao na ang bahala. Babay'' Pagkatapos kong magpaalam sa mga bata, tumakbo na ako sa papunta kung nasaan nakaparada yung sasakyan ni Kyd.

''Tagal mo, ikaw nalang ang kulang.'' napangiti ako ng makita ko ulit ang pag mumukha ng ungas na 'to.

''Binata kaana ahh..'' inayos niya yung collar ng damit niya, at isinuot yung shades niya. ''Binata ka diyan, college na tayo. MA-MA na hindi na binata, sipain kita diyan e! Huwag mo ngang iniiba yung usapan! Ng aano to e. LATE KA!''

''Sus! Hindi naman kayo makaka alis ng wala ako.'' nag smirk si Kyd.

''Wala ka pa ring pinag bago, mayabang ka pa rin.'' pagkatapos nun nag tawanan kaming dalawa.

Pinaandar na ni Kyd yung sasakyan, dahil pupunta na kami ng airport.Sa mga oras na 'to kinakabahan na ako.  Makalipas ang 30minutes narating na namin ang airport. Mabilis akong tumakbo papasok ng airport para makita sila.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon