Kabanata 45

1.5M 38.1K 11.3K
                                    

Kabanata 45

Walang Kwenta

Nagwalk-out si Jacob. Disappointed pareho si Belle at Grace sa inasal niya. Sinundan ni Grace si Jacob sa sofa pero nanatili si Belle sa dancefloor para sumayaw sa kahit sinong lalaking makita.

"Callix, upo muna ako. Sumakit ang paa ko eh." Sabi ko.

Sinundan ako ni Callix sa sofa. Uminom ako ng isang shot ng margarita at iniwasan ang titig ni Jacob sakin.

Tumawa ako habang nakikitang nagsasayaw na si Karl at Belle.

"GO KARL!" Go Belle dapat diba pero mejo galit ako sa kanya ngayon dahil nilalandi niya ang mortal enemy ko.

Sumimangot si Karl at nandiri sa grind ni Belle. Tumawa ulit ako. Nang tinignan ko si Callix, hindi ko maiwasang sumulyap kay Jacob. Nakita kong kinakausap siya ni Grace pero nakatitig siya sakin. Uminit ang pisngi ko at nagkunwari akong makikipag-usap kay Callix.

"Saya no?" Sabi ko.

"Oo!" Sabi ni Callix, halos di ko na marinig sa ingay. "Sayaw ulit tayo?" Tanong niya.

Umiling ako. What's the point, really? "Maya na. Sakit pa ng paa ko. Gusto mo sumayaw ka na lang muna. Nandun naman sina Josh at Edward."

Umiling siya at uminom ng beer.

Sumulyap ulit ako kay Jacob na nakatingin parin sakin. AS IN, JACOB? Nakatitig ka sakin at di ka man lang marunong mahiya na tinititigan mo na ako. Inirapan ko na.

"Excuse me." Sabi ko kay Callix. "CR lang."

Tumayo ako at dumiretso sa CR. Pagkarating ko sa CR, may dalawang babae doong nag re-retouch ng make up at bumubungisngis.

"My gosh! Ang hot niya talaga, super!" Sabi nung isa habang nasa loob ako ng isang cubicle.

"Oo! Laglag panty agad ako tuwing naiisip ko na naman yung abs niya."

ABS? MAY NAGSABI BANG ABS?

"Gwapo niya talaga! I heard mayaman sila!"

"Talaga?"

"Oo! Yung J.A foods? Kanila yun?"

"J.A foods?" Tanong nung isa. "Talaga!"

"BILIS NA! Baka masayaw natin siya!" Umalis sila agad kaya ako na lang mag isa dito sa CR.

Lumabas ako sa cubicle at tinignan ang sarili ko. Sabi na nga ba... pag pupunta si Jacob dito sa Maynila mas marami pa sa populasyon ng Alegria ang magkakagusto sa kanya. Gwapo si Callix at noong di ko pa nakikita si Jacob, hindi ko alam kung may hihigit pa ba sa kagwapuhan niya. At ngayong kilala ko na si Jacob, narealize kong 'usual gwapo' si Callix, itong si Jacob naman? HAHAHA Hindi na makatotohanan ang kagwapuhan niya.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon