CHAPTER 3

35.9K 850 141
                                    




CHAPTER THREE

IT WAS ME.

IT WAS FUCKING ME.

I was doing the careless whisper dance with a white shirt on my head. Anong kaputanginahan 'yan ginagawa ko sa hotel room na 'yan?! Bakit ako naka-boxer lang? Bakit ako sumasayaw na tila ba bangag na bangag ako? Bakit wala akong maalala sa mga nangyari nang malasing na ako?!

Nayayamot ako sa sarili ko dahil ang hina kong nilalang. Anong katarantaduhan kaya pumasok sa isip ko at naisipan kong sumayaw ng ganyan? Hinayupak. Mas malala pa ito sa pagkakaroon ng sex video. Mas mahihiya pa ako kung kumalat 'yan. Wala akong mukhang ihaharap lalo na sa mga babeng nasaktan ko. Sasabihin nilang nakabawi na sila saakin.

Hailey was laughing. "See? Ako nagbi-video niyan, mokong. Ibig sabihin magkasama talaga tayo ng gabi 'yan. Lasing din ako, don't worry. Pero naaalala ko pa 'yong ibang part."

"Bakit mo ako kinukunan ng ganyan? Sinamantala mo ang kahinaan ko!" I said over dramatically.

"Kapal ah," sabi ni Hailey na tumatawa parin. "Ikaw nga ang may idea niyan kasi sabi mo isang kang dancer sa huling buhay mo. Sabi ko, sige nga, sample. Tapos 'yan, sumayaw kana na para kang tanga."

I slapped my forehead. "Burahin mo 'yan. Baka may makakita pa na ibang tao diyan at masira ang dignidad ko."

Inatras ni Hailey ang cellphone nang kukunin ko. "Anong burahin ng ganon-ganon lang? Sorry, business minded ako. No money, no erase."

Shit this woman. Sobrang kakaibang mag-isip. Mas gugustuhin ko pa mabuntis ang isang maarte kaysa sa babaeng ito. Kasi kapag maaarte ang nakaka-date ko, I know, they were really into me. They would do everything to please me. Kahit nga ibigay ang social medias password nila, ginagawa nila. Mapakita lang nila na seryoso sila saakin.

"How much do you need?" I asked, sumasakit na ulo ko sa babaeng ito.

"Hmm... Pag-isipan ko muna, oks ba?"

"Tell me the price now!" sabi ko, looking frustrated. "Hindi ko alam saan manghihiram ng mukha kapag kumalat 'yan."

Sumubo si Hailey. "Hindi naman kakalat ito. Hindi ko lang sure ah, baka manakaw cellphone ko sooner tapos makita ang video mo na ito---"

"I said how much, Hailey?"

"By contract eh," sabi nito at uminom ng tubig. "For one year, hulugan. Oks na saakin ang ten thousand monthly kapalit ng pagbura ko sa video na 'yan."

"Deal," mabilis kong sagot at in-offer sakanya ang kamay ko.

"Madumi 'tong akin pero sige, since we're going to be parents." Inabot niya ang kamay niya kahit may mga kanin pa. "Deal."

Hinayaan ko muna siyang kumain dahil baka ano nanaman ang lumabas sa bibig nitong babaeng ito. Malapit na ako maubusan ng hininga sa sinasabi niya at natutuklasan ko. Paano pa kaya kapag kailangan namin magsama ng matagal? Paano ko siya matatagalan?

"By the way, Ivan. On the way narin pala ang result ng DNA."

Tumugtog ang kanta ni Moira sa isip ko. Literal na tumigil ang kasing gwapo kong mundo. What would I suppose to say first? To breath fucking normal as possible or to ask my question? Fucking hell. Tonight, I choose the latter.

Tiningnan ko siya ng mata sa mata dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

"Paano ka makakapag-DNA test ng wala ako? Ng wala kang kinukuha sa'kin?" My voice becoming frustrated again. "This is not a fucking joke. Nakasalalay ang buhay ko rito. Don't trick me like it's April Fool's Day," I seriously told her.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Damn Sexy ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon