Chapter 56 - Happily Ever After

286K 7.5K 672
                                    


[ S K Y ' S  P O V ] 





It's been 1 week ... 




Is she fine? Oh dear Jesus Christ! Please save my cousin from any danger. Kahit ako na lang, ako na lang. Napatakip na lang ako ng mukha dahil ayokong makita ng mga tagapaglingkod namin dito sa mansyon ang kondisyon ko ngayon. 



2:26AM na. Mga ilang oras na lang at iuutos na sa amin ni kuya Xander ang paghahanda para lumusob sa Mhorfell Academy. Wala sinuman ang nagtangka na magbanggit sa pangalan na 'Kirsten' ng basta basta. Hindi kami nagkaroon ng isang maingay at masayang araw. Tanging ang mga pagsasanay sa pagpapaputok ng baril ang naririnig namin. Maliban doon ay wala na. Napadalang ang pagkain namin. Wala ni isa sa amin ang may gana at lakas ng loob matulog ng mapayapa sa gitna ng mga nangyayari sa pagitan ng mga mafias. Para bang lahat kami ay takot ng matulog dahil sa sobrang kating kati na kaming iligtas si Alex. 



Kung sa tingin niyo ay malala na kami, ano pa kaya si Spade? Madalas niyang tinatanggihan ang bawat tray ng pagkain na inihahatid sa kwarto niya. Makailang beses din siyang bumalik sa mansyon nila para sanayin ang lahat ng special units of reapers ng pamilya para sa nalalapit na laban. Kapag may free time kami, madadatnan mo lang 'yang nakatulala, malayo ang tingin, mukhang may malalim na iniisip, tumitingin sa mga litrato at paintings ni Alex, nakaupo sa kama sa loob ng kwarto ni Alex o di kaya'y nag-eensayo sa may private practice room. Never namin inihakbang ang mga paa namin papalapit sa kanya kasi sa tingin namin ay dapat ibigay namin sa kanya ang mga panahon na ito para makapag-isip isip. Hindi biro ang pinagdaanan niya para mahanap ang totoong 'Kirsten' sa loob ng halos labing isang taon. 



"Kumain ka muna oh." untag sa akin ni Rennei at saka ipinatong ang isang tray kung saan matatagpuan ang mga karaniwang pagkaing inihahain sa akin sa araw araw. 



Naririto kasi kami sa sala. Tulog na silang lahat. Kahit ang mga maids at butlers, inutusan ko ng magpahinga para naman makapagmuni muni muna ako. Sa mga oras din na ito ay nagpapalitan na ng shifts ang mga nakabantay na reapers sa paligid ng buong lugar ng main headquarters. 



Umupo si Rennei sa katapat kong couch at dumekwatro habang komportableng nakahawak sa isang baso ng sa tingin ko ay wine sa kaliwang kamay niya. "Thanks." nasambit ko na lang at inabot ang kutsara't tinidor. 



"Kung makikita ka lang ni Alex ngayon, siguradong babatukan ka nun." napatigil ako bago ko maisubo ang isang lipon ng kanin na nalagyan ko na ng sabaw. I know. 



"Eh ikaw? Bakit alak ang una mong katapat sa umaga?" balik ko sa kanya at tinuloy na ang pagkain. Hindi pa talaga ako kumakain simula kahapon. Masyado akong abala sa pag-aasikaso sa mga papeles nina Marc at Juno para makalabas na sila ng ospital. Mahigpit nilang binilin sa amin na kailangan namin silang ilabas na roon para makasama sila sa laban. Kahit anong pigil namin, ayaw magpaawat ng magkaibigan kaya wala rin naman na kaming nagawa. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon