KABANATA 7

11 0 0
                                    

HINDI MAPIGILAN na impit na napadaing si Alverah sa tuwing sumisidhi ang kirot at sakit sa may bandang puson niya.

Kaya nang tuloyan niyang ipinasok ang bedsheets at damit sa washing machine ay hinayaan niya lamang ang sarili na mapadausdos sa dingding ng laundry room at mapasalampak sa sahig.

Mukhang inutos talaga ni Matthew sa mga katulong nito na huwag siyang tutulongan bilang parusa niya. Mataray siyang napairap sa hangin nang maalala na maging pagtatanong niya kung nasa'n ang laundry room ay hindi man lang siya sinagot sa katulong na nadaanan niya.

Mabuti na lamang talaga kahit papa'no ay medyo naalala niya muli kung saan ang daan papunta ng laundry room dahil na rin sa tulong ni Frida no'ng tinuruan siya at ipasyal ang mansyon.

Ramdam niya ang kalungkotan na kumakain sa sistema niya. Hindi niya na rin maiwasan na pangiliran ng mga luha.

Tuloyan nga talagang natanggal si Frida dahil sa kaniya. Dahil kahit anong hanap niya nito sa buong mansyon ay hindi niya na ito makita. Mas lalo pang sumama ang pakiramdam niya ng hindi man lang niya nagawang humingi ng tawad nito at magpaalam.

Malakas siyang napasinghap at agad na napahawak siya sa kaniya puson ng bumahid ang masakit nito. Tila ito pinapalipit sa sobrang sakit. Ito ang isa sa pinaka-ayaw niya kapag nagka-dalaw siya dahil dysmenorrhea ang inaabot niya at magtatagal pa ito ng dalawang araw bago medyo humuhupa.

"Fuck," nasasaktan niyang usal.

Sinubokan niyang tumayo at napagdesisyonan maghanap ng hot compress sa banyo na nandito. Ngunit hindi pa nga siya gaanong nakakatayo ng tuwid ay agad siyang napaupo muli dahil sa sakit. Ramdam niya ang tila may tumutusok sa may puson niya. Naluluha na rin siya ng hindi na matitiis pa ang sakit.

"M-mom..." Nahihikbi niyang tawag sa Ina. Sa tuwing may dinadamdam siyang sakit ay hindi niya mapigilan ang sarili na hanapin ang presensya ng Ina.

Mas lalo siyang napaluha ng maghalo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya. Pangungulila, pagod, sakit at pagdaramdam na ilang taon niya ring daladala at kinikimkim lamang dahil kailangan niyang ipakita sa mga tao na malakas siya katulad sa pagkakilala nito sa kaniya.

Ilang minuto ang lumipas ay hinayaan lamang niya ang sarili na tahimik na umiiyak sa loob ng laundry room. Pinagpasalamat niya na wala man lang ang pumasok at makita ang itsura niya. Nang tuloyan siyang kumalma ay pinilit niya muling tumayo at pumunta ng banyo at agad na naghanap ng gamot at hot compress. Isang hot compress bag lang ang nahanap niya kaya kahit papa'no ay nabutonan ng tinik ang puso niya. Mabilis niyang nilagyan ito ng mainit na tubig at nang inilapat niya ay nakaramdam agad siya ng kaginhawaan.

Nanghihina siya bumalik muli sa kinauupoan niya kanina at napansin na tumigil na sa pagikot itong washing machine. Kaya kahit gustohin niyang umupo dahil wala siyang lakas na manatiling nakatayo ng matagal ay mas pinili niya munang unahin ang nilalabhan kung gusto niyang matapos agad at makakapaghinga na rin siya.

Habang hinihintay na tuloyang ma-drained iyong tubig ay nakayuko lamang siya at nakahawak sa washing machine na tila doon nilalagay ang buong lakas niya para pigilan ang sarili na mapaupo.

Malakas siyang napabuntong hininga at humugot ng malalim na hininga bago tiniis ang sakit habang binubuksan ang button para mag-refill muli ng tubig.

Bumalik muna siya sa pwesto niya dahil medyo matatagalan pa bago dumami ang tubig. Nakasandal lamang siya sa malamig na dingding na naka-tiles ng puti habang nakaupos sa sahig at yinakap ang mga tuhod habang ninamnam ang hot compress na nasa bandang tiyan niya.

Inilagay niya ang kaniyang ulo sa tuhod niya ay bahagyang ipinikit ang mga mata habang hinihintay na dumami ang tubig na nasa washing machine. Ngunit hindi niya napansin na nakaidlip siya at nagising na lamang na nakahiga sa malambot ng kama. Nang tuloyang promoseso sa utak niya kung nasa'n siya ay taranta siyang napabalikwas sa paghiga. Narinig niya pa ang bahagyang paglaglag ng hot compress na hindi niya man lang napansin na nakalatag sa may tiyan niya.

The Purchased Wife Of A Mafia LordWhere stories live. Discover now