Track 12: Gear Shift

26 7 2
                                    

IORI'S POV:

--
NAGISING ako sa tunog ng monitor at marahan kong imunulat ang mga mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin at ang kurtina na tinatangay ng hangin.

'Where am I?'

Tatayo na sana ako mula sa kinahihigaan ko nang mapansin ko ang nakatusok na karayom ng IV sa braso ko at ang stand ng dextrose.

Nasa hospital yata ako.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.

Natinag ako nang bumukas ang pinto ng kinaroronan ko at inuluwa no'n si Ruax at Sytry na parehong nakasuot ng itim na leather jacket na may logo ng RDM Speed.

"How are you feeling?" Ani ni Ruax nang makita ako nitong gising na.

Lumapit ang dalawa sa gilid ng kama ko at pinakatitigan akong mabuti.

"Uh, what happened? Why am I here?"

"You just ploughed through the wall of the RDM Speed ​​race track and tried to approach the wrecked car while calling your Mom," Sytry said.

I winced at what he said and I tried to get up from the bed I was lying on when the two immediately helped me so that I could sit on top of the bed.

"Nagkamali ako ng pagmanipula sa clutch at hindi ko napansin na babangga na pala ako. Dala na rin siguro ng trauma kaya natawag ko ang pangalan ni Mommy habang nakatingin sa kotse na ginamit ko, unconsciously."

"Is that a reason why you want to go to HuPoFEL?" Usisa ni Sytry sa akin.

"Yes. I want to know what happened in my Mom's death. I was in high school when the car she was driving crashed while in car racing and I was with her during those times. I witnessed how another car ploughed into Mom's car and it spun around until it hit a wall. With the speed of events, the fight was not even stopped to attend my Mom and take her to the hospital. She was dead on arrival."

"We'll see if we can do something about what you want to happen Iori. It is not easy to get service at HuPoFEL." Sagot naman ni Ruax at saka ito umupo sa silya na nasa tabi ng kama ko habang si Sytry naman ay nanatiling nakatayo.

"I will pay no matter how much to get the justice I want."

"Money is not a problem Iori. But I'm not sure if Boss will agree." Ani ni Ruax.

Magsasalita pa sana ako nang muling bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan namin at iniluwa no'n ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng lab gown kasunod ang isang nurse.

"Ang aga niyong manligaw, Collymore at Zimmerman?" Usisa nito sa dalawang lalaki na kasama ko.

"No we're not." Mabilis na sagot naman ni Sytry bago ito umalis sa kanyang kinatatayuan at tinungo ang couch na nasa gilid ng kama ko.

Lumapit naman sa akin ang doctor at nakangiti itong tinignan ako.

"How are you feeling Miss Morimoto?" Aniya habang inuusisa ang dextrose na nakasabit sa IV stand.

"I'm a little dizzy but I'm fine."

Tumango-tango ang doctor saka kinuha sa kasamang nurse ang clip board na hawak nito.

"Wala ka namang head injury at okay naman ang vital signs mo. Ipapaubos ko lang itong dextrose mo then pwede ka ng lumabas." Sambit nito bago muling ibinalik ang clip board sa nurse na kasama niya at dumiretso na ito sa paglabas ng kwarto. Ang doctor na lang ang naiwan dito sa loob ng kwarto ko.

Revenge on Track (PRE-ORDER START ON SEPT. 20, 2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon