CHAPTER TEN

77.7K 1K 109
                                    

Nung moment na tinulak siya ni Clyde papalayo, may nasagi si Summer na lalaki at parehas silang na-out of balance kaya naman bumagsak sa kanya si Summer. So, ayun. Parang umulit lang yung exhibition niya kanina. Except ngayon na may kasama siyang gwapo. Ang landi ni Summer, may Clyde, at Kier na nga siya, meron nanamang panibago.

Nagkatitigan silang dalawa ng lalaki ng mga 2 seconds, at pagkatapos ay bumangon na sila. "S-sorry." sabi ni Summer.

"Di, okay lang. Sorry din kasi nakaharang ako kanina eh. Hehe." ngumiti siya. Namula naman si Summer dahil sa killer smile nito. Naku po, pigilan niyo si Summer at baka ma-rape niya pa ang lalaki!

"Ah...eh. Ako nga pala si Summer." nakipagshake hands siya.

"I'm Gabriel. But you can call me Gabby or Gab. Nice to meet you Summer, by the way." tapos ngumiti nanaman siya. At inabot niya din yung kamay niya.

Pakiramdam ni Summer ay ayaw niya nang bitawan ang mga kamay ni Gabby, dahil sa sobrang lambot. Pero syempre, lahat ng bagay ay may katapusan.

"Hoy. Tama na ang drama." singit naman ni Clyde sa gitna nilang dalawa. "Halika na nga dito Summer." at hinila na siya kaagad ni Clyde papalayo. Nang medyo makalayo na sila, inalis ni Summer ang pagkakahawak ni Clyde sa kanyang kamay.

"Ano ba ba yan Clyde! Panira ka naman ng moment!"

"Wag ka na ulit lalapit dun sa unggoy na yun ha?" Utos ni Clyde.

"At sino ka naman para utusan ako? Di mo na kaya ako assistant!"

"Basta wag ka nang lalapit dun! Tapos ang usapan!" at naglakad na siya papalayo. Napangiti naman si Summer.

"Nagseselos ka noh?" nakangiting tanong niya.

Tumgil bigla sa paglalakad si Clyde at nilingon si Summer. "Ano? Pakiulit nga?"

"Sabi ko," pinatong ni Summer ang kamay niya sa balikat ni Clyde. "Nagseselos ka."

"Kadiri!" inalis niya yung kamay ni Summer sa balikat niya. "Wag kang assuming! 'Bat naman ako magseselos sa unggoy na yun?"

"Kasi, nasanay ka na palaging nasayo ang attensyon ko at palaging ikaw ang kasama ko kaya ka nagseselos." sagot ko naman. "Tsaka kasi mas gwapo siya kesa sayo."

"Hindi ako nagseselos. Ang sinasabi ko lang, mag-aral ka muna bago mag-lovelife. Tignan mo, first day na first day eh lumalandi ka kaagad." at tumalikod na siya ng tuluyan. Pero may idadagdag pa pala siya. "And mas pogi ako sa kanya, by the way."

"K. Sabi mo eh."

"'To talagang feelingerang probinsyana na 'to...." bulong pa ni Clyde kaso narinig naman ni Summer, kaya binatukan siya nito.

"Narinig ko yun!"

"So? Pinaparinig ko naman talaga eh." Eh kung pasabugin ko kaya mukha nito? Sabi ni Summer sa sarili niya.

"Summer!"

Biglang napalingon si Summer nang marinig niyang may tumatawag sa kanya. Sino kaya yun?

"Gabby!" nakangiting bati rin ni Summer nang makita niya si Gabby na tumatakbo papalapit sa kanya. "Bakit? Anong nangyari?"

"Wala lang, may gusto lang sana akong itanong." Nakangiting sabi ni Gabby.

"Ano yun?" bumilis ang tibok ng puso ni Summer.

"Can I get your number?"

Napangiti si Summer sa sinabi ni Gab. Pero biglang pumagitna sa kanila si Clyde, at sinira namaman ang moment nilang dalawa.

"Wala siyang cellphone." Cold na pagkakasabi ni Clyde.

"Sorry pero sa pagkaka-alam ko ay kausap ko ay si Summer eh," naka-ngiti pa rin si Gabby.

"Umm, pero tama nga si Clyde. Wala nga akong cellphone eh..." panghihinayang na sagot ni Summer. Sayang, kung may cellphone nga lang siya, makikipag-text na siya buong araw kay Gab.

"Then, I'll buy one for you!" Nagulat naman si Summer sa in-offer ni Gabby. Seryoso? Bakit ang daming nanglilibre kay Summer dito sa Maynila? Ano bang meron sa kanya?

"Ay naku, wag na. Hindi na kailangan!" nahihiyang sabi ni Summer.

"Oo nga, hindi na kailangan." Dagdag naman ni Clyde.

"Okay then," ngumiti nalang siya. "May gagawin ka ba mamaya?"

"Wala naman, bakit?"

"May gagawin kami." Sumingit ulit si Clyde. Sa totoo lang, nag-iinit na talaga ang ulo ni Summer. Kanina pa sumasabat si Clyde! Aba, ang sarap daw sipain.

"Really?"

"No, wala akong gagawin mamaya. Siya lang yung meron." Sinamaan ni Summer ng tingin si Clyde.

"Okay, I'll see you later then." Ngumiti si Gabby at umalis na. Sa totoo lang, marami pa sana siyang gustong sabihin kay Summer kaso, palaging ume-epal si Clyde kaya naisip niya na mamaya nalang sila mag-uusap.



***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon