Kabanata 46

1.6M 41.2K 11.6K
                                    

Kabanata 46

Umiiyak Ka Ba?

Hindi ko makausap ng maayos si Callix nang inihatid niya ako sa bahay. Ang sinabi kong excuse ay dahil sa sakit ng tiyan ko.

"Rosie..." Concerned ang mukha ni Maggie habang pinapanood nila ako ni James sa hapagkainan.

"Ano?" Di ako makatingin sa kanilang dalawa.

Sinabi ko kasi kay Maggie lahat ng detalye kagabi. At oo, for the first time in history na sabi ko rin sa kanya na may nangyari samin ni Jacob sa Alegria. Shocked siya kagabi pero mukhang okay na siya ngayon. Wala rin akong pakealam kung sabihin niya yun kay James gayung tahimik lang naman at mapagkakatiwalaan naman si James.

"Dangerous yan, Rosie." Sabi ni Maggie. "Hayaan mo na lang si Jacob. Hayaan mo na lang siya. I'm sure nasaktan din siya. Nagdurusa din siya, Rosie. Nakakaawa-"

"MAG! Nandun ka nung pinagtabuyan niya ako diba? Kita mo diba?" Sabi ko habang umiiling.

"Oo. Pero, Rosie, matagal na yun. Kung wala ka na talagang nararamdaman para sa kanya hindi ka magagalit ng ganito." Aniya.

"Anong gusto mo? Open arms ko siyang iwewelcome pabalik ng buhay ko pagkatapos ng ginawa niya?"

"Hindi yun ang point ko. I'm sure he's suffering, too. May pinagdaanan din siya tulad mo. Nagalit siya sayo kaya niya nagawa yun at di siya nag expect na aalis ka. Akala niya maaayos niya rin ang lahat pagdating ng ilang araw-"

"Mag!" Suminghap ako. "Mag, I hate him! Ayoko na! Hindi ko kayang tignan siya ng diretso nang di ko siya nasasampal. Galit ako sa kanya at di ko na siya mahal! You're just being too kind again."

Yun talaga ang pinagkaiba namin ni Maggie. Masyado siyang mabait. Lahat ng side sa story ay pinakikiramdaman niya. Pero sorry na lang at masyadong mabigat itong side ko at di ko na kayang makiramdam pa sa side ni Jacob.

"There's a very thin line between love and hate, sis." Mahinahong sabi ni Maggie sakin. "Magagalit ka lang sa isang tao dahil na disappoint ka sa kanya, at madidisappoint ka lang kung umaasa kang mahal niyo ang isa't-isa."

Napalunok ako. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Determinado parin akong maghiganti. Sa kahit anong paraan, maghihiganti ako lalong lalo na kay Jacob. Wala naman akong pakealam kay Callix... Si Jacob! Si Jacob ang babanatan ko. Sa larung ito, ako ang unang nahulog pero siya ang huling babangon.

"Talaga bang importante sa inyo mga lalaki kung sinong, uh," Sumulyap si Maggie sakin at pabalik kay James, "Una?"

Nagkibit-balikat si James at sumulyap rin sakin pabalik kay Maggie, "Well, kung seryoso ka talaga sa babae syempre iisipin mong sana ikaw ang mauna o ikaw yung nauna pero kung talagang meron nang nauna tapos mahal mo siya, balewala na yun, past is past." Nagkibit-balikat ulit si James.

"Pero thing is, umasa si Jacob na, I mean... Oo, siya diba yung, uh, nauna, pero yun nga... akala niya siya ang nauna tapos sasabihin ni Callix na hindi... diba? Edi syempre umasa siya, kahit totoong siya, pero nagalit siya dahil akala niyang nagsinungaling-"

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon