TREINTA Y NUEVE

135 12 4
                                    

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko paglabas ko ng Dean's Office at halos hindi ko na maramdaman ang kamay ko sa sobrang lamig. Namanhid na yata? Ikaw ba naman, i-surprise ka ng loko mong asawa na i-enroll sa univeristy na pinapasukan ng kapatid mo at ma-on the spot entrance exam at interview ay ewan ko nalang talaga.

Parang gusto ko tuloy mag Karaoke after para lang mailabas ko 'yung natitirang kaba sa katawan ko.

"Ay yes! Kamusta?" nakangiti at mapang asar na bungad sa akin na nakaupo sa gilid at hinintay pala ako matapos sa interview ko na si Phen. Wala ba itong klase ngayon? Ang mas kinagulat ko eh ng makita ko si Berto imbis na si Mateo.

Nasaan na 'yung asawa ko?!

"May importante lang siyang meeting kaya ako muna ang pumalit sa kanya," sabi ni Berto ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

Tumango nalang ako. Alangan namang paalisin ko. Na-miss ko din itong mokong na ito. Tagal din naming hindi nagkita. Akala mo talaga ilang years eh 'no?

"Sumagot na ba boyfriend mo?" tanong niya kay Phen ng sabay na kaming naglalakad palabas ng university. Huh? Close na agad sila ni bunso?

"Oo, ayos lang sa kanya. Kayo naman daw kasama ko. Kung iba 'yon hindi siya papayag."

"Huh? Ano meron?" tanong ko, "Wala ka na bang klase, Phen?"

"Wala na. Gagala daw tayo sabi niya." energetic na sabi ni bunso sabay angkla ng kamay niya kay Berto. Syempre nainggit ako at dahil ayaw ko magpa kabog, umangkla ako sa bakanteng braso niya. Napabuntung-hininga nalang siya sa ka-hyperan namin ni Phen. Buti nalang hindi namin si Ate kung hindi yari na!

"So saan tayo?" tanong ko.

"Kahit saan ninyo gus—"

"Sa Binondo! Tapos mag Luneta Park tayo!" excited na suggestion ni Phen.

"Bakit duon? Ang dam—"

"Please! Please! Never pa ako nakapunta du'n eh!" nakanguso pagsumamo niya at nag beautiful eyes pa nga! Jusme!

"Eh 'di ba na—! Aray! Bakit mo ako tinapakan?" inis kong untag. Paano ba naman bukod sa nakapunta na kami duon before eh tinapakan ba naman 'yung paa ko!

Favorite ni Tatay magpunta sa simbahan na nanduduon. Hindi ko alam bakit pero ang naalala ko lang na sabi niya sa akin ay espesyal ang simbahan na iyon sa kanya. By now, alam kong hindi sila sa simbahan na 'yon kinasal ni Nanay at hindi rin naman siya lumaki within that area kaya hanggang ngayon palaisipan sa akin bakit niya favorite ang simbahan na iyon.

All I know is special ang place na iyon para sa kanya. Hindi ko makakalimutan ng isang beses sinundan ko si Tatay papunta duon ng hindi niya alam. Grabe! Para akong yagit nu'n na patagong nakasunod sa kanya. Duon ko din first time na nakitang umiyak si Tatay. Hindi iyon basta iyak lang habang nakaluhod siya at kinakausap ang sino man sa itaas para humingi ng gabay. Hagulhol iyon. Actually core memory iyon ng childhood ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit may hinanakit ako kay Nanay.

With my innocence and fragile heart back then, hindi ko maintindihan bakit (at never kong iintindihin), bakit kailangan mong bumitaw agad na parang wala lang sa taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka at pagsumikipan ang pamilyang binuo ninyo ng dahil lang sa. . . Yawa! Heto na naman tuloy at nagbabadya ang paninikip ng dibdib ko at 'yung galit sa Nanay ko.

Siguro sasabihin ng iba na dahil magulang ko pa rin siya, at dahil matagal naman na na nangyari iyon ay dapat patawarin at intindihin ko nalang ngayon pa at malaki naman na ako pero hindi. Madali kasing sabihin dahil hindi sila 'yung nasa sitwasyon ko at mas lalong hindi naman sila ako eh, hindi pwedeng 'yung approach nila, maging approach ko rin sa naranasan kong sitwasyon. I know what I saw and what I felt during those moments and nothing, nothing will ever change the fact na iniwan kami ng Nanay ko at sinaktan niya ang Tatay ko.

THE RING INSIDE THE SUIT (BL•ON-GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang