Chapter 5

228K 8K 1.2K
                                    

Kinabukasan

Ok! Eto na first day na ng klase, grabe nakakaexcite. Maaga kaming gumising ni Charm para maituro nya sakin yung mga importanteng lugar dito sa Academy, pero bago daw yun kakain muna kami sa Cafeteria ng School.

Kahapon kasi dito lang kami sa bahay, ako yung nagluto kasi di daw sya sanay. At kahapon din nag punta kami sa isang part ng school na bilihan daw n mga kung ano ano, para nga syang mall eh. Bumili kami ng MGA damit ko, mga talaga kasi super dami at wow lang, libre nya lahat! Rich kid=_= At dahil nga libre nya sya na ang namili, grabe nga naubos yung maghapon namin sa pag bili.

Bumaba na kami at pumuntang cafeteria. Oo nga pala yung building ng mga dorm, seven floors. 1st and 2nd dorm ng girls, 3rd and 4th dorm ng boys then yung 5th floor sa amin.

Napag alaman ko rin na sa floor namin 32 lang ang students, dalawa bawat rooms at mas malaki daw talaga yung room namin kaysa sa iba. Special daw kami kasi compared sa ibang students, mas malakas daw kami. Nakakapagtaka nga kung bakit kasama ako =_=

"We're here!"-Charm

O.o  Cafetiria ba talaga to? Ang laki! Pagkapasok namin sa loob ang lawak nun, may mga mahahabang lamesa sa gitna na may naka patong na maraming pagkain.

"Tara let's eat! Libre lahat yan"-Charm
"Libre?!"
"Oo provided ng School "

Nagumpisa na kami kumain then after that we tour around the school, ang dami nyang tinurong kung ano ano di ko na nga matandaan yung iba.

"Yun na lahat yun, tara na punta na tayong classroom "-charm
"Ok"

Bumalik na kami sa building namin, 4 floors yun. 1st and 2nd floor para sa subjects namin, 3rd floor training rooms at 4th floor naman is parang open field, rooftop.

Yung level naman dito is 5 nakabase sa antas o lakas ng magic mo, sabi ni Charm kami daw kabilang na sa pinaka malakas. Nasa huling antas na daw kami pero sa totoo lang di ko talaga maintindihan kung bakit ako nandito-.- Sabi nya kasi nung pumasok sya dito 6 years old palang at nagumpisa sya sa 3rd level.

After some minutes dumating na rin yung professor namin.

"Good morning class!" Masiglang bati nya "I am professor Dylan and I am your Technology teacher"

Gwapo, parang hindi professor siguro dahil bata pa sya. 20-25 I think.
Hindi yata talaga uso paggalang dito, di manlang tumayo yung mga studyante para mag greet.

"I will teach you all----" Naputol ang pagsasalita nya dahil may biglang pumasok

"Hi sir! Sorry we're late!" Todo ngiting sabi nung isang lalaki

Pagtingin ko naman sa likod nya may tatlo pang lalaki at kasama si kuyang laging late na walang galang=_= Pero sino yung katabi nya? Kakambal? Wow, parang clone.

"Kyaaaaahh yung dalawang prinsipe at ang kambal!" impit na hiyaw nung nasa likod ko

O-kay? Popular huh?

"Flame! Yung lalaking nagsalita ay si Prince Axel at yung Blondie naman si Prince Von sila yung kwinento ko sayo, yung dalawang prinsipe" bulong ni Charm

Ahh kaya pala sikat

"Eh yung kambal, bakit parang sikat din?"
"Ano ka ba naman Flame, look at their faces ang gwapo diba? That's why" Charm said in a as-a-mater-of-fact tone "Yung kambal sina Frost at Sky yun, maya mo nalang alamin kung sino ang sino" patuloy nya

Porket gwapo sikat? Wala namang galang yung isa jan, yung si Frost.

"Good morning din, sige maupo na kayo"

Mukha namang hindi nagalit si sir, siguro sanay na?
Nagulat naman ako ng bigla akong kindatan nung Prince Axel at maupo sa tabi ko, nasa pinaka likod kasi kami at sa linya nalang namin walang nakaupo kaya magkakatabi kaming anim.

"Hi! Im Axel, and you are?" Sabi nya ng nakalahad ang kanang kamay

"Flame" maikling sagot ko ng hindi tinatangap ang kamay nya

Di ko sya feel kausapin, di ko alam kung bakit.

"Oh-kay transferee ka?"

Di ba obvious?   "Yeah"

"Bakit ang tipid mong sumagot?"

Ayaw kitang kausap=_=  "Wala lang"

Ang hirap barahin nito baka ipakulong ako, prinsipe eh.
Hindi na naman sya sumagot pagkatapos non.

"Class dismissed" sabi ng huling prof namin before lunch

"Hoooooohh! Akala ko di matatapos yung pamatay na history na yun!"-charm

Haaaays oo nga ang haba ng oras ng history namin, 2 straight hours. Pero hindi naman ganun ka boring, siguro sa kanila oo kasi tagal na nila dito pero sa akin, ang astig nga kasi marami akong nalalaman tungkol sa mundong to.

"Flame! Charm! Sabay na kayo samin"-axel

At kanina ko lang din nalaman, close pala si Charm dun sa apat. Bata palang daw kasi magkakakilala na sila at sila rin pala ang unang batch ng SA.

"Sige sige, tara na Flamee"-charm at hinila na ako

Pagkarating namin sa cafeteria nagumpisa na kaming kumain, at ang dadaldal nila talaga. Napaka random ng usapan tapos minsan naghahagisan pa ng kutsara, lalo si Charm, Axel at Sky.

Si Frost kasi tahimik lang, si Von naman nakikipag inisan din pero di kasing hyper nung tatlo at ako? Wala, nakikitawa lang.

"Oo nga pala Flame, kung wala kang magic paano ka nakapunta dito?"-von

Hindi nga pala nila alam

"May nagpadala ng letter sakin"
"No I mean, hindi ka makakapasok sa mundong ito kung wala kang magic"-von
"Baka di mo palang natutuklasan kung ano"-axel
"Siguro nga"

Matapos ang lunch break, bumalik na kami sa klase. May two subjects pa pala.

"Dali Flame sa rooftop tayo!"-Charm

Rooftop? Ano naman kayang subject to at parang excited si Charm.

Pagdating namon sa rooftop nakita namin ang isang baabaeng nakatayo doon at sa tapat nya naman ay....    O.o

"Dragon?!"

Nagsitinginan naman sa akin tong mga kasama ko, medyo napalakas kasi sigaw ko. Masisi nyo ba ako eh akala ko hindi nag eexist ang mga dragon. *sigh* Ano naman kayang sunod kong makikita? Dinosaur? =_=

"Haha oo Flame, flying creatures ang pag aaralan natin!"-Charm

Medyo napayuko naman ako, nakakahiya pinagtitinginan ako>.<

"*ehem* Students I am Professor Rein and I am the one who will teach you the different types of flying creatures--"

Nagsabi lang yung Prof ng details tungkol dun sa dragon na nasa harap namin tapos isa isa nya kaming tinawag para mahawakan yung dragon. Mabait naman daw, yung klase na yun daw kasi ang pinaka maamo sa lahat ng dragon.

"Ms.Forrester?"-Prof

Oh ako na pala

Lumapit ako sa harap at sinenyasan naman ako ni Prof. Rein na pwede ko na daw hawakan.

Pero nung hahawakan ko na sya nagulat ako kasi bigla nalang yung nagwala at lumayo sa akin.

Anong nangyayari?

~•~•~•~•~

Vote and Comment !!

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon