Kabanata 1

4K 99 1
                                    

Maggy's POV

"Nasa Sitio Juan ka na ba?" umirap ako habang hawak hawak ang cellphone.

"Yes, Dad."

Tumawid ako sa kalsada at umikot ang mga mata dahil bako bako ang daan.

"Aishh!" inis kong saad nang ma stuck ang isang gulong ng maleta ko sa mabatong daan.

"Margarita—"

"Gotta go, Dad. Bye!" I said and hung up. Inangat ko ang maleta ko at buti na lang hindi nasira ito.

I'm here in the province of Sitio Juan. My Dad is a mayor in the city at dahil sa katigasan ng ulo ko, itinapon ako dito ni Dad. And yes, napapayag na lang ako kasi he promised na he will buy me a latest Channel bag.

"Ano ba namang lugar 'to? Sobrang putik." umulan kaninang umaga kaya namuo ang putik sa daan.

"Miss, kelangan mo ng tulong—"

"No need." mataray kong sagot. Dire diretso lang akong naglakad.

Nang nasa tapat na ako ng bahay ay napabuga ako ng hangin. Ang liit. Ganto lang siguro kalaki ang kwarto ko sa mansion.

Pumasok ako sa loob at—

"Kyaahh!! F*ck!!" tili ko. May mga nagliparan kasing ipis sa loob at may mga maliliit na gagamba din.

"Ayoko na dito!!" sigaw ko. Lumabas ako ng bahay at nauntog sa isang pader— Wait? Pader?

"Ms. Dela Fuente?" napakurap ako at tumingala. And there I met his amber eyes. Napalunok ako. A handsome Greek God is infront of me.

"Yes?" ngumiti ako.

"Ayos lang po ba kayo?" dahan dahan na bumaba ang tingin nito at nag init ang mukha ko nang mapansing nakayakap ako sa kanya.

"Sorry. Natakot lang ako. May mga insekto kasi sa loob."

Tumango tango ito. Napatitig ako sa mapupula nyang labi. Marami na akong nahalikan na lalaki pero his lips, it's different, parang babalik balikan mo.

"Ako nga po pala ang maglilinis ng bahay nyo, sa utos na rin po ni Mayor Dela Fuente."

Nalusaw ang ngiti ko.

"Maglilinis? Why?" sa gwapo nyang 'to? Taga linis lang sya?

"Kasi po...madumi po yung bahay?" tila naguluhan nitong tanong. Pinagmasdan ko syang mabuti. Kulay brown ang suot nitong manipis na damit at lumang jeans ang pang ibaba nito. Itim na tsinelas ang suot nito at tila bibigay na ito dahil pudpod na rin ang goma nito.

"Are you poor?" nagtaas ako ng kilay. Tila na offend ito sa tanong ko. Well, I believe there's nothing wrong with my question.

"No need to answer it. Linisin mo na ang loob." mataray kong saad.

Gwapo nga pero mukhang mahirap naman ito. Sayang.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag selfie. Inupload ko ito nang may caption na...

'Chillin' in the province!'

Nilagyan ko pa ito ng tatlong heart emoji. Marami agad na nagreact kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Napalingon ako sa likod. Mukhang pumasok na si pogi sa loob ng bahay.

Nag gala muna ako sa Sitio Juan. Buti na lang at may convenience store dito. Namalagi ako doon ng ilang oras.

"Is he done?" nabulong ko na lang sa sarili.

Bumalik ako sa bahay at napataas ang kilay. Nasa loob pa rin ba sya?

"Hey, you poor man— What the h*ck?" nanlaki ang mga mata nito.

Para akong nasa ibang bahay. Kumikintab ang tiles sa linis. Wala na ring mga agiw.

"Hmm, not bad." I smirked.

Napatingin ako sa ref na may sticky note.

'May nakahandang pagkain na rin po sa lamesa, Miss Dela Fuente.'

Napangiti ako. Ang ganda ng handwriting nya. Oh wait! Pinagluto nya ba ako? Pumunta ako sa lamesa at binuksan ang mangko na may takip.

Nabura ang ngiti ko.

"Why does it have to shrimp? Seriously?" padabog kong tinakpan ito.

I'm allergic to shrimp. Naiinis ako. Gusto kong tikman ang luto nya pero ayoko pang mawalan ng hininga.

"Aishh!" kinuha ko ang mangko at itinapon ang laman. Mukhang bibili na lang ako sa convenience store ng ulam.

Noong gabing iyon, inayos ko na ang mga damit ko. Pabalya akong humiga.

"Hindi ko pala nakuha ang pangalan nya." na realized ko bigla.

I smiled. Sana bukas pumunta sya dito.

(Don't forget to vote after you read this chapter, thank youuu)

Sweet Lies 1: Smitten By Your Touch [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon